CHAPTER 3-Immersion

97 10 0
                                    

~~~

Ang sama ngayon ng tingin ni Erol mula sa kinatatayuan. Nakapwesto sila sa tatluhan na seat ng bus at napapagitnaan siya ng dalawang pasaway sa gilid. Si Dan at Carl. Hindi niya mapalagpas ang naganap kanina.

"Pahara hara ka kase sa daanan. Nakita mong marami din akong dala eh." medyo paghingi ng tawad sa kaniya kanina ni Mr. President. Pero ang dating sa kaniya eh parang kasalanan niya pa.

Matalim niyang tinitigan ang likod ni Rance na ngayon ay may pasak na earphone sa tenga at relax na relax sa pakikinig ng musika. Samantalang siya ay hindi makarecover sa kahihiyan na natanggap kanina. Halos lahat ng nasa loob ay nakita kung paano niya nilampaso ang sahig.

"Akala ko dalawa lang ang papahirapan ko sa immersion. Tatlo pala." napasmirk si Erol matapos banggitin iyon. Ilang saglit lamang din at bigla siyang inantok.

Nagising na lang siya ng bigla itong tapikin ni Dan.

"Bro, andito na tayo. Tara na. Gisingin mo na din si Carl." nagmadaling kinuha ni Dan ang kaniyang gamit at bumaba na ito. Ginawa ni Erol ang sinabi ni Dan at ginising si Carl. Bumaba na din sila ng makuha ang mga gamit.

"Carl, Erol! Dito dali!" excited silang tinawag ni Dan. Lumapit sila at namangha sa nakita.

"Ang ganda. Hindi naman pala parusa ito eh. Kundi langit." nagniningning ang matang sambit ni Dan.

"Oo nga. Ang sarap.." paglalaway ni Erol. Binatukan siya ni Dan.

"Ang sarap maglangoy. Yun kase. Di mo ako pinapatapos!" inis na sigaw ni Erol. Natawa na lang si Dan. Napansin naman nilang parang naging yelo si Carl sa kinatatayuan at hindi maialis ang tingin sa mga babaeng nakatwo piece lamang na naglalangoy sa dalampasigan. Binulungan siya ni Dan.

"Are you a virgin?" parang gumuhit ang tanong na iyon sa kaibuturan ni Carl kaya nagtawanan si Dan at Erol.

"Mga bata. Sandali lang ha. Antayin lang natin saglit ang sundo niyo." sabi ng Facilitator na ikinagulo ng magkakaibigan.

"Hindi pa po ba dito ang immersion?" sabay sabay nilang tanong.

"Sorry to say boys pero hindi eh. Speaking of, ayan na sila." pagsabat ni Bianca.

"Hindi ba at siya yung SSG Secretary. Ang sexy no." bulong ni Dan.

"Ang ganda din." mahinang bulong ni Carl na biglang namula.

"Diyan tayo sasakay?" tanong agad ni Erol. Matapos makita ang mga kabayo na kakababa lang ng bundok.

At dahil doon ay ipinaliwanag na agad ng Facilitator ang tungkol sa immersion kung saan sila ay tutulong sa isang pamayanan sa tuktok ng bundok. Sa lahat ng paraan na kaya nilang maitulong.

Bukod sa isang Facilitator na kabisado ang lugar. Eh may kasama din silang isang guro na in charge sa pag iingat sa mga kasama sa immersion. Kasama din ang SSG President na si Rance Alarcon sa kadahilanan na nasa ibang bansa ang Vice President na siyang dapat na kasama. Katulong niya ang kaniyang Secretary na si Bianca na hindi din dapat kasama pero since kasama ang president eh wala siyang magagawa kundi sumama. Bukod sa tatlong pasaway ay may pito pang ibang katulad nila ang kasama sa immersion.

Ngayon ay kasalukuyan silang naglalakad paakyat ng bundok habang ang mga gamit naman nila ay siguradong nakarating na sa pamayanan dahil isinakay ito sa kabayo.

"Malayo pa po ba?" Tanong ni Bianca sa facilitator na kanina pa pawis na pawis.

"Malapit na hija. Limang minuto na lang." Nakahinga naman ang lahat ng maluwag sa balitang narinig. Halos kalahating oras na kase silang umaakyat ng bundok. Napansin naman ni Erol na nahuhuli ang President na si Rance kaya naisipan niya itong bawian sa ginawa kanina.

Captivating Mr. SSG President (Boys Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon