CHAPTER 11-Beat my ball.

58 2 0
                                    

~~~

"Naks, ang lawak ng ngiti ng bestfriend ko. Sabi sa'yo effective ang plano ko eh!" Agad na bungad ni Jeyda ng makabalik si Rance sa office. Nginusuan siya ni Rance bago ngumiti.

"He helped me post the announcements. He even protected me sa mga babaeng lumalapit sa akin kanina. Sabi niya na he wants to be with me para daw makilala niya ako. Pero as friend. Pero okay lang. He complimented me by asking na why didn't I run for ssg Escort instead. I know sinabi niya iyon kase nagugwapuhan siya sakin. Kaso, not in a romantic way kundi insecure way. Haha. Nakakatuwa siya, pinagmamalaki niya na mas gwapo daw siya sa akin. Pero for me. Siya talaga ang pinakacute at pinakagwapo. Gusto ko na nga siyang iuwi ang pisil pisilin eh .This is the happiest day of my life so far. Hays, paano ba ito. Mukhang hindi ako makakafocus sa calculus natin mamaya." Dire-diretsong pagkukwento nito, hindi mapigilan ni Rance ang bugso ng kaniyang damdamin. Napangiti naman si Jeyda. Ngayon niya lang nakitang ganito kasigla ang kaibigan.

"I'm happy for you. Hays, nakakainggit ka naman. Lumalayag na ang ship mo. Paano naman ako?" Pagmamaktol ni Jeyda. Kaya inakbayan niya ito at inaya na sa classroom nila.

Masayang nakilahok si Rance sa discussion. Calculus ang subject nila pero hindi niya naranasang mahirapan. Ganado siyang mag aral at makinig ngayon.

After class naman ay nagkaroon sila ng SSG meeting to discuss further para sa nalalapit na Intramurals program. Kung saan inaasahan ang lahat na makilahok sa mga palarong pampaligsahan. Last year ay kakaunti ang nakilahok kaya naman this tear ay nirequired nila na all year level should have a participants. Mapa individual man o team sports.

Ang mga sumunod na araw ay naging busy sa kanila. Dahil sa preparation. Pagod na pagod ang buong ssg officers kaya pinauwi na ni Rance ang lahat ng maaga. Even his sectetary at si Jeyda. Paperworks na lang naman at paalis na din siya. 6pm na ng matapos siya sa ginagawa kaya minabuti niya ng umuwi. Madilim na din ang paligid at halos wala ng mga estudyante. Naglalakad siya sa pathway ng may marinig siyang mga tunog. Habang papalapit siya ay palakas ng palakas ang tunog. Hanggang makarating siya sa basketball court. Nakita niya ang isang lalaking nagdidribble ng bola na tila nag eensayo. Malamang ay para ito sa intrams. Lalagpasan niya na sana ito para makauwi na siya ng makilala ang lalaki. Si Erol ito na pawis pawisan na. Napahinto si Rance para panoorin si Erol. Masyado itong seryoso sa paglalaro at mukhang desididong desidido. Ngayon niya lang nakita ang serious mode ni Erol. At hindi niya mapigilang mamangha. Ang hot ng crush niya. Tahimik niya itong pinapanood ng biglang.

"Hoy. Bakit kanina mo pa ako pinapanood!" Nataranta siya ng biglang magsalita si Erol. Hindi niya alam ang gagawin. Hindi niya inasahan na kanina pa pala siya nakikita ni Erol.

"Inggit ka ano? Di ka kase marunong magbasketball! Haha!" Napatigil sa pagpapanic si Rance sa narinig. Napatayo ito ng tuwid.

"Anong sabi mo?" Pagcaclrarify niya.

"Sabi ko. Hindi ka marunong magbasketball!" Natatawa nitong sagot.

"Ikaw ang hindi marunong. Ang weird mo tumira eh. Walang nagshoshoot na bola!" Pang aasar ni Rance. Lumapit ng konti si Rance sa court.  Napahiya naman si Erol dahil totoo. Pero niyabangan niya si Rance para mawala ang hiya.

"Lol. Mas lalo ka na. Wala kang physical talent ano. Puro ka aral." Sigaw ni Erol. Nainsulto naman si Rance sa narinig.

"Try me!" Nakangising sagot nito. Napangisi din naman si Erol. Natatawa lang siya dahil expected niyang mapapahiya lang si Rance sa kaniya.

"Catch!" Gamit ang buong lakas ay hinagis niya ang bola ng pagkalakas kay Rance. Ngunit napanganga ito ng saluhin ito ni Rance ng isang kamay lang pagkatapos ay shinoot sa ring ng hindi manlang tumatalon.

"Huwah! Wow. Ang galing." Agad lumapit si Erol kay Rance tapos ay tinapik tapik sa braso.

"Ito naman hindi na mabiro. Nagbibiro lang naman ako eh!" Agad na bawi ni Erol sa pang aasar na ginawa. Maya maya pa ay nagulat si Rance ng pinipisil na ni Erol ang braso niya kaya agad itong napaatras.

"Anong ginagawa mo?" Bumilis bigla ang tibok ng puso niya.

"Ang tigas ng muscles mo. Saan ka naggigym?" Tanong ni Erol. Nginisian lang siya ni Rance. Bago tumalikod.

"Wala ka na don!"

Nakita ni Erol na paalis na si Rance kaya nagsalita siya.

"Laro tayo. Ang matalo, manlilibre ng burger diyan sa labas. Deal?" Napahinto si Rance sa narinig. Bigla itong lumingon.

"Magsasayang ka lang ng pera." Paalala nito.

"Sus, yabang. Talunin mo muna ako bago mo ako angasan, ungas!" Natawa sila parehas sa pagyayabangang ginawa nila. Bumalik si Rance para ilapag sa bench ang bag pagkatapos ay naghubad ng polo. Napatingin naman si Erol sa katawan ng hindi maiwasang ikumpara ang kanya kay Rance.

"Edi ikaw na fit!" Natawa na lang si Rance sa narinig.

"Sa'yo na ang bola. Bonus mo na iyon!" Sigaw ni Rance.

"Tsk!" Yun lang ang nasabi ni Erol bago simulan ang one on one nila.

~~~

"Wala lang ako sa kundisyon ngayon, pres. Pagod na kase ako nung dumating ka kaya expected naman na ikaw ang mananalo!" Pagdadahilan ni Erol ng matapos ang laban nila. 12-3 in favor of Rance.

"Reasons!" Singhal ni Rance. Naglalakad na ngayon sila patungong burger store.

"Tita Niña, dalawang cheese burger at dalawang soda!" Agad na bungad ni Erol sa tindera. Inilabas naman agad ng tindera ang kamay niya para humingi ng bayad na akala mo eh tatakbuhan.

"Tita Niña naman. Lista na muna. Bukas ko bayaran. Hehe!"

Napatunganga si Rance sa narinig. Pagkatapos ang nakadama ng konting hiya.

"Tigilan mo ako Erol. Dami mo ng lista dito. Ni isa wala kang binayaran." Pagtanggi ng tindera.

"Tita naman. Huwag mo naman akong ipahiya sa kasama ko." Bulong ni Erol. Napatingin naman ang tindero kay Rance at nakilala ito.

"Mr. President ikaw pala iyan." Bati sa kaniya ng tindera. Ngumiti lang ito bago dumukot ng pera.

"Ako na lang po ang magbabayad nung sinabi niyang order." Sabay abot ni Rance ng bayad.

"O sige at lulutuin ko na."

Agad napatingin si Erol kay Rance at ngumiti ito ng naiilang tapos ay nagpeace sign. Sinamaan na lang siya ng tingin ni Rance.

"Magcocompete ka sa intrams ng ganyan ang skills mo, seryoso ka?" Bungad na pang asar ni Rance kay Erol na kasalukuyang nakain ng burger.

"Eh anong magagawa ko. Napilitan lang ako kase ibabagsak daw ako ni Ma'am kapag hindi ako sumali. Since tatlong quiz niya na ang naibagsak ko." Pagsimangot ni Erol.

"Yan, hindi ka kase nag aaral. Puro ka lakwatsa." Pangangaral ni Rance.

"Wow naman. Edi ikaw na ang masipag mag aral!" Sagot ni Erol.

"Talaga." Balik na sagot ni Rance. Nag ambahan pa sila pagkatapos ay tumawa.

"Alis na ako. Maaga pa ako bukas!" Agad tumayo si Rance.

"Ganon? Sige, ingat sila sa'yo ha. Salamat sa libre!" Paalala ni Erol. Sinamaan siya ng tingin ni Rance bago magwave.

Pagkatalikod na pagkatalikod ni Rance ay nagbago bigla ang mood nito. Pakiramdam niya ay lilipad na siya habang naglalakad.

"Ang lampa!" Natatawa nitong bulong sa sarili.

Captivating Mr. SSG President (Boys Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon