CHAPTER 19-Eye contact

64 6 0
                                    

~~~

"Erol, anong nangyari sa'yo? Bakit simula nung umuwi tayo galing fieldtrip eh bangag ka na lagi?" Agad na tanong ni Gab. Nasa canteen sila ngayon at naglulunch.

"Ha? Anong bangag na pinagsasasabi mo. Wala lang talaga ako sa mood makipag gaguhan sa iyo ano. Haha!" He answered awkwardly.

"Batukan pa kita diyan. Bahala ka nga!" Padabog na sumubo si Gab. Habang si Erol naman ay nakatingin sa kawalan habang kumakain. Maya maya pa ay nagmamadali itong tumayo.

"Ay Gab. Naalala ko may kukunin nga pala ako sa bahay. Mauna ka na sa room ah!" Mabilisan nitong paalam bago tumakbo.

"Problema non?" Naguguluhang tanong ni Gab sa isip. Kaya itinuloy niya na lang ang pagkain.

"Gab. Si Erol?" Napatunghay siya ng biglang dumating si Jeyda na nakangiti sa kaniya.

"Ha? Ahh ehh. Kakaalis. May naiwan daw sa bahay nila!" Kaswal nitong tugon. Napansin niya naman na kasama pala si Rance at tila may hinahanap.

"Ganon ba? O sige, salamat ha!" Pagpapaalam ni Jeyda pagkatapos ay umalis na sila.

"Problema ng world ngayon? Hays!" At muli na niyang tinuloy ang pagkain.

~~~

"Something's off. Are you sure na hindi ka nakapagconfess sa kaniya ha, Rance?" Tanong ni Jeyda sa kaibigan.

"Yes, gawa ni Ma'am eh. Sumigaw!" Dissappointed na naman si Rance.

"I think he's avoiding you." Hindi maiwasang pagtagpi tagpian ni Jeyda ang mga unsure thoughts niya. Kaya dalawang linggo na nilang hindi makausap ni makita si Erol.

"Ha? Ano naman ang reason niya. You think he found out? Pero how, hindi ko naman nasabi!" Pagtataka ni Rance.

"You know what, action speaks louder. Maybe he felt your intensions. Maybe now he is confused." Paliwanag ni Jeyda na kinagulat naman ni Rance.

"Anong gagawin ko?" Kinakabahang tanong ni Rance.

"Maybe it is the time to confirm it and also to confess." Payo ni Jeyda sa kaibigan na hindi naman mapakali ngayon.

"How? Hindi ba sabi mo maybe he is confuse? Baka mas makagulo lang ako lalo!" Pag aalinlangan ni Rance.

"Yeah. And ikaw ang sagot sa mga katanungan niya. At isa pa, Rance. Naandar ang oras. You are going to the best University sa bansa. I'm sure Erol won't make it there!" Sabi ni Jeyda na may pag aalala.

"Bakit? Matalino naman si Erol eh." medyo nainsulto siya sa sinabi ni Jeyda.

"That isn't what I meant. Ibig kong sabihin. Someone like him won't bother to enroll sa school na alam niyang mahihirapan siya ng husto. Isa pa, nakita mo ang application niya, iba ang nakalagay sa dream university niya at hindi iyon ang papasukan mong university!" napabuntong hininga si Rance ng makuha ang point ni Jeyda.

"Pero how. Hindi ko siya matagpuan. Ultimo anino niya kusang natago pag naamoy na ako." Nakanguso na si Rance. Miss na miss na niya si Erol. Pinisil naman ni Jeyda ang labi niya.

"Nguso mo! May alam akong paraan!" Nabuhayan bigla si Rance sa sinabi ng kaibigan. Agad niyang tinanggal ang kamay nito sa nguso niya at excited na nagtanong.

"Ano?!" Nginitian siya ni Jeyda ng nakakaloko.

~~~

Kakatapos pa lamang ng huling klase ay agad ng lumabas ng gate si Jeyda at Rance. Agad silang nagtungo sa pwesto ng mama ni Erol. Hindi nila ito mahagilap sa school kaya sila na mismo ang pupunta kay Erol para siguradong walang kawala. Tamang tama naman na nandoon nga si Erol at nagseserbi sa mga custumer na kumakain at nagmemeryenda. Nagkatinginan ang dalawa na akala mo ay may masamang balak pagkatapos ay nag apir pa. Nang pumasok si Erol sa kusina ay nagmamadali ang dalawa sa pagpasok at agad nagtakip ng menu sa mukha.

Agad naman silang pinuntahan ni Erol sa pag aakalang normal na customers lang ang mga ito.

"Ano pong order niyo, Ma'am and Sir?" Nakangiting tanong ni Erol. Ngunit bigla itong nawala at napalitan ang kaba at malakas ng tibok ng dibdib ng makita si Rance na seryosong nakatingin sa kaniya.

"You!" Seryosong tugon ni Rance. Nabigla naman si Erol sa hindi inaasahang tugon sa kaniya ni Rance.

"Ha?"

Parang natauhan naman si Rance sa narinig. Sobrang namiss lang niya talaga si Erol. Agad itong tumingin kay Jeyda.

"I mean, Ikaw Jeyda. Anong order mo?" Agad namang nag isip si Jeyda kahit hindi pa rin siya masyado nakarecover.

"Burger and fries. And mango shake, please!" At nagpretty eyes ito kay Erol.  Naiilang namang kinuha ni Erol ang order ni Rance.

"I want you.." napatanga na naman si Erol ng magsalita si Rance.

""I want you to put more chili sauce sa oorderin ko na burger. And I want your sweetness.."

"Ha?" Hindi na mapakali si Erol sa ginagawang pambibitin ni Rance. Konti na lang at makakasapak na siya ng school president.

"I want your sweetest pala. Sweetest drink! Yun lang!" Pagtatapos ni Rance ng order bago magsmirk.

"Problema non?" Sa isip ni Erol. Umalis na siya agad.

Pinapanood lang ni Rance si Erol habang nagseserve ito sa iba pang mga customers habang sila ni Jeyda ay kumakain.

"Baka matunaw pres. Titig na titig ah!" Pang aasar sa kaniya. Bigla naman itong humarap kay Jeyda at naglabas ng saloobin. In his cutest way.

"How can I not stare? Ilang araw ko siyang hindi nakita ni kasama. I missed him so much at hindi ako sanay na iniiwasan niya ako. Kaya ayaw ko umamin kase ito ang kinakatakot ko." Nagpout pa siya sa harap ng kaibigan.

"Tama na ang pagpapakatorpe. This is your only chance. At malapit na matapos ang taon. Gusto mo bang magcollege na wala manlang kayong naging progress?" Paalala ni Jeyda, agad naman napahinga ng malalim si Rance at napaisp. 

Matapos nilang kumain ay napag pasyahan na nilang umuwi. Hindi na nila inabala si Erol dahil dumami bigla ang mga customers. Nagpaalam na lang sila sa Tita Aren nila.

Kinabukasan ay ganun parin. Talagang iniiwasan ni Erol na magkrus ang mga landas nila. Kaya naman gumawa na si Rance ng paraan para macorner ito sa tulong ni Jeyda. Sinadya ni Jeyda na idelay si Gab para walang makasabay pag uwi si Erol at ganito nga ang nangyari. Mag isang naglalakad ngayon si Erol sa corridor. Habang patingin tingin sa paligid. Halatang may iniiwasan ito hanggang sa bigla siyang mapabangga sa isang lalaki. Very nostalgic lang dahil parang nangyari na ito may tinatakbuhan din siya at same corridor lang din. Malakas ang ipact to the point na matutumba siya. Napapikit na lang siya upang tanggapin ang kapalaran niya. Ang mahulog sa sahig. Ngunit hindi ito nangyari. Naramdaman niya ang isang brasong nakapulupot sa bewang niya at pagmulat ng mga mata niya ay laking gulat ng makita ang taong ilang linggo na niyang pinagtataguan.

"R-Rance. Hehe. Ikaw pala iyan!" Naiilang at kinakabahan niyang bati. Agad siyang kumawala sa binata at umaktong inaayos ang damit. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman. Bigla siyang pinagpawisas ng malamig. Halo halo ang nararamdaman niya.

Napakaseryoso ng titig sa kaniya ni Rance na kinaiilang niya. Matagal siya nitong tinitigan at kinailangan niya pang tumikhim para natauhan si Rance.

"Are you, avoiding me?" Ramdam sa boses ni Rance ang lungkot. Biglang limikot ang mata ni Erol.

"H-Hindi ano. Bakit ko naman gagawin iyon. Wala ka namang ginawa para iwasan kita. Ikaw talaga." Erol awkwardly pat Rance's shoulder na kunwari wala lang ang mga pag iwas niya. Tumalikod na siya kay Rance at humakbang ng isang hakbang palayo.

"I'm missing you so bad!" Halos pabulong na wika ni Rance. Nakapaloob sa mga katagang iyon ang mga hindi niya mapakawalang emosyon para kay Erol. His longing and care for him. Ngunit gaya ng boses nito. Sobrang hina. At hindi nito naabot ang puso ng binata. Napapikit na lang siya ng magsimulang lumakad palayo si Erol sa kaniya habang nakataas ang isang kamay na sumesenyas ng paalam.

"I like you, Erol!"

"Why are those words won't come out me I'm with him!" Nanghihinayang na lumakad si Rance pabalik ng SSG Office.

Captivating Mr. SSG President (Boys Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon