CHAPTER 20

299 31 6
                                    

ALAS-SAIS na ng umaga nakauwi si Farrah. Naunang umuwi si Nanay Ising dahil baka magalit nanaman ang asawa niya. Pagkapasok pa lang niya sa mansiyon ay sumalubong na kaagad sa kaniya si Kael.

"Happy New Year, honey!" Masiglang bati nito na parang wala itong ginawa sa kaniya na hindi kanais-nais.

"Happy New Year, too Kael." Balik-bati niya rito at nagderederetso sa kaniyang kuwarto.

"Kain ka muna, nagpaluto ako kay Nanay Ising." Pinagbigyan naman niya ito nang hilahin siya sa dining area.

"I heard na kina Tito Hernan at Tita Feliz kayo nagbagong taon kagabi?" Tanong nito na ikinabigla niya pero 'di siya nagpahalata rito.

"Yah! They invited me and Nanay Ising. Ano'ng ginawa mo? Tinakot mo na naman ba si nanay kaya nalaman mo kung nasaan kami kagabi?" galit na tanong niya rito.

"Of course not. Why would I do that? It's okay honey, may tiwala ako sa 'yo." Sabi nito saka ngumisi sa kaniya.

"I don't trust you!" asik niya rito.

"Then don't trust me, it's your choice," sabi nito at umalis. "Nanay come here po, kainin po natin ito baka masira sayang po ang pagod ninyo sa pagluluto." Siya na ang kumuha ng pinggan nilang dalawa ni Nanay Ising.

"Nanay I have something to give you, pasensya ka na po kung ngayon ko lang ibibigay," nahihiyang sabi ni Farrah at iniabot ang isang maliit na sobre. Nang tingnan ito ng matanda ay bigla itong naluha.

"Ma'am sobrang laki naman po nito!"

"Nararapat lang po 'yan sa iyo, Nanay. Hindi po kayo umuwi sa pamilya n'yo kahit gusto n'yo dahil ayaw n'yo akong iwan na magisa. Kulang pa nga po 'yan sa lahat ng ginawa mo para sakin."Tuluyan na ring naiyak si Farrah. Tumayo siya saka niyakap ang
matanda.

"Thank you ma'am! Bukas na bukas din po ay ipapadala ko ito sa anak ko."

"Tinakot po ba kayo ni Kael, nanay?" tanong niya rito na ikinailing ng matanda. Naging malikot ang mata ng matanda.

"Naku, hindi po ma'am. Alam niya na raw kagabi pa na pupunta tayo sa bahay nina Sir Tristan.

"Si Sir Tristan daw po ang nagsabi na doon tayo magbabagong taon sa kanila ma'am," dagdag pa nito kaya natigil sa ere ang kaniyang pagsubo.

Wala siyang masabi kundi tanguan ang matanda. Matapos ubusin ang ipinahanda ni Kael ay nagpasya si Farrah na muling bumalik sa kuwarto. Pero habang papalapit siya sa hagdan, narinig niya ang asawa na may kausap sa telepono. Medyo mahina ito pero malinaw niyang naririnig ang boses ng isang babae
sa kabilang linya.

Dahil wala naman siyang pakialam sa asawa ay ipinagsawalangbahala niya ang narinig. Mabuti ng kahit papaano ay may kalambingan itong iba, bakasakaling mabaling ang pagtingin
nito doon.

"WHY are you here again?" nakakunot ang noong tanong ni Tristan sa bagong pasok na si Diane, his ex.

"I just want to say a happy new year!" magiliw na sabi nito na ikinangiwi niya.

"Okay, thank you! Makakaalis ka na." Malamyang sabi ng binata at hindi na ito binigyan ng pansin.

"Ouch! It hurts, you know?" pagiinarte nito. Lalapit pa sana ito kay Tristan pero sinighalan siya nito.

"'Wag mong subukan, Diane!"

"Okay fine! Nagpunta lang naman ako dito para sabihin sa 'yo na ngayong 2023 ay sisimulan ko na ang pang-aakit sa 'yo."

"Okay, good luck!"

"Sa mukha pa lang ay walang-wala ka nang binatbat kay Arrah." Bulong nito sa sarili.

Padabog na lumabas ng opisina si Diane. Agad namang tumawag sa intercom si Tristan.

"If someone wants to see me, tell them I'm busy at hindi puwedeng istorbohin. Kung magpupumilit, ipahuli mo sa security natin at huwag nang pabalikin habangbuhay. Got it?

"Oh, wait! Except for Ms. Farrah. Siya lang ang maaaring pumasok ng aking opisina kahit walang pahintulot ko okay. Bye."

Abalang-abala siya sa pinag-aaralan. Noong nakaraang linggo pa niya ito pinag-isipan. Buo na ang loob na ikonsulta ito sa espesyalista. Nakasalalay ang buhay nila rito ni Farrah.

One Night With Him (Marriage Series #1)  [ Self Published Under IMMAC PPH] Where stories live. Discover now