"Hindi ka ba muna kakain?" tanong nung lola ko.
"Sa school na lang, magdadala na lang ako ng brownies" -sabi ko. kinuha ko yung brownies tapos nilagay sa Bag at umalis na. Oo nga pala, hindi ako nagsasabi ng "PO" at "OPO". hindi ako sanay :3
Paglabas ko ng gate andun si Harry. Again? -_- Siya nga pala yung stalker ko na muntik ko na mapatay. Sumusunod kasi sakin nung isang gabi na pauwi na ko. Malay ko bang kapit-bahay ko pala siya? ayun, medyo nabugbog ko siya. akala ko kasi rapist, delikado kasi kapag maganda, prone ka sa ganun.
"Goodmorning" masayang bati niya sakin. mukang hinintay niya ko.
Hindi ko siya pinansin, Hindi ko naman siya kilala no' nalaman ko lang yung name niya kasi siya pala yung "HARRY" na nagpapadala sakin ng chocolate at letter everyday. tss -_-
"Sabay na tayong pumasok ha?" sinabayan niya ko sa paglalakad. hindi ko pa rin siya pinapansin.
"Nakita kita kahapon, kinakain mo yung chocolate na pinadala ko, kaso tinapon mo yung letter ng hindi binabasa." nakayuko lang siya tapos nakapout. tss!
Nilabas ko yung phone ko, ittext ko si Cherish.
To: Bess Cherish
"Bess san na kayo?"
Sent
From: Bess Cherish
"Dito sa canteen"
Canteen? Eh 15 ang canteen sa buong school. Paano ko naman malalaman kung asan sila dun? hay nako. bahala sila.
"Pahingi naman ng number mo Idol" -I glared at him.
"sabi ko nga tatahimik na ko" -napakamot naman siya sa ulo.
Pagdating ko sa school, hindi ko na hinanap sina cherish, dederetcho na lang ako sa room.
Bakit ang daming tao dito sa corridor? May artista ba? Impossible! wala namang program eh.
"EHEM" -sigaw ko. Tumingin naman sila sakin.
"Nakaharang kayo sa dadaanan ko." I glared at them.
Mataray lang naman ako kapag naiinis or wala sa mood. Kaya lang naman nila ako tinawag na Black Heart Princess kasi nga kapag galit ako wala akong sinasanto pero mabait naman talaga ko. sabi nga nina cherish pagkain lang daw katapat ko. HAHAHA!
Tumabi sila tapos nakita si Michelle hawak hawak niya yung buhok nung isang babae. Tumingin siya sakin with a shock face? Tiningnan ko lang siya. Hello? nakaharang kaya siya sa dadaanan ko.
"J-jade" -nauutal na sabi niya. Anong nangyayari sknya?
"Anong ginagawa mo?" I raised my eyebrow.
"Eto kasing babaeng to! Nilalandi yung boyfriend ko" tinuturo niya yung babaeng nakaupo sa sahig. Tiningnan ko lang yung babae.
"Excuse me, BOYFRIEND ko ang nilalandi mo" -sabi nung babae.
So nag-aaway sila dahil sa lalake? Psh.
"Babe" -biglang may sumulpot na lalake, hinihingal siya. tumakbo ata papunta dito.
"Babe tulungan mo ko, inaaway ako niyang michelle na yan" tinulungan naman nung lalake na makatayo si girl. tss. Anong role ko dito?
"Babe bitawan mo na siya, nilalandi ka lang niya" hinila ni mich yung braso nung guy.
Tiningnan ko yung guy, tss. di naman gwapo. mukang guard! sabagay hindi rin naman maganda si michelle at yung girl. hahaha.
Anyway, wala pa ako sa mood makipag-away. Hindi pa ako nagbbreakfast :3
Paalis na sana ako nang bigla akong tinawag nina Alec.
"Bess!" sabi ni cherish. tumatakbo sila. takbo din kaya ako? HAHA.
"kanina ka pa namin hinahanap. andito ka lang pala, anong ginagawa mo dito?" -che.
"eto kasing tatlo, umeeksena dito sa corridor, pinag-aagawan nina michelle yung lalakeng mukang security guard" natawa naman sila sa sinabi ko. totoo naman eh!
"watch this" -sabi ni Alec.
"Hi pogi. Sino bang girlfriend mo sa dalawang yan?" There she is! Nagpapacute dun sa lalake.
NGA-NGA naman si Michelle tsaka yung girl. Si boy naman nagulat kay alec. well, kami sanay na.
"a-ahm. ha? hindi ko nga kilala tong mga to eh. t-tinulungan ko lang sila. nag-aaway kasi" palusot nung lalake. tss! parang kanina lang may pa babe babe pa siyang nalalaman. Ang panget na nga niya babaero pa. -_-
"ah. wala? di na ko nagtataka" sabi ni alec dun sa lalake tapos bumalik na siya samin. Yung dalawang babae naman pinagtulungan yung lalake. hahaha
"Puro kalokohan ka din eh no?" sabi ni cherish, nagsmile lang si alec. tuwang tuwa talaga siya kapag may nag-aaway dahil sa kanya.
"wala yang magawa sa buhay niya eh" sabi ko tapos pumasok na ko sa room.
~
Harry on the Side >>>>>>>>>>>>>>>
COMMENT and VOTE :)
BINABASA MO ANG
Unexpected.
Teen FictionThis is Based on a True Story about a Happy-go-lucky Girl. She's brave, tough and a Loving Friend. A Girl who believes that her only family is her FRIENDS. What makes her say that? Let's find out. Im sure we can relate on this story.