Crushmate

13 0 0
                                    

"uy! busy ka ata?" -tanong ni cherish.

"Ang dami nagtetext eh. Sino kayang namigay ng number ko? tsk. lagot sakin yun"  sabay kamot sa ulo.

"patingin nga!" kinuha niya yung cellphone ko. adik talaga to'

"alam mo daig mo pa snatcher!" Inaagaw ko sa kanya yung phone ko.

"wait lang. bess tingnan mo to" tinapat niya sakin yung phone.

From: Unknown number

 Hello Jade. Cena to. :)

  Nanlaki naman yung mata ko sa nabasa ko. Shocking revelation of the philippines :o

OA ko -_- pero kasi si Cena nagtext? saan niya nakuha number ko? kinuha kaya niya sa mga friends ko? psh. ang assuming ko. Anyway, I texted her back tapos sinave ko na yung number niya.

 Si cena, Volleyball Player siya dito sa school. Headturner yan, ang cute niya kasi sobra! :3 Mabait siya tsaka Gentleman. Ang ayoko lang sa kanya, madami na siyang naging girlfriend dito sa school. there's nothing wrong with that but it seems like he's not that serious when it comes to a relationship. Mas seryoso pa nga ata yan sa paglalaro ng volleyball eh.

"uy bess, baka himatayin ka sa kilig niyan?" pang-aasar ni cherish sakin. nakita ko namang nagsmile si Alec.

"Excuse me? Ako hihimatayin sa kilig? No way!" -tinuro ko yung sarili. hinampas naman ako ni cherish sa braso.

"Asus! kunyari ka pa" -natatawang sabi niya.

"An-----

 Napatigil naman ako sa pagsasalita kasi biglang dumating yung teacher namin sa English. Adviser namin siya. Sa lahat ng teacher siya lang ang hindi ko inaaway mabait kasi siya, Sobra.

"GoodAfternoon Class" -bati ni Mam Raquel samin.

"GoodAfternoon Mam" -sabi nila. hindi ako nag-ggreet sa mga teacher eh, nakakatamad. sayang effort. :p

"Bess may assignment ka?" -tanong ni cherish.

"Sakin ka pa nagtanong ha?" -sabi ko sakanya ng hindi nakatingin. narinig ko siyang tumawa ng mahina.

"Class I have an Announcement, Bukas na ang awarding para sa mga Players natin sa lahat ng sports. So be here at 9am. Deretcho kayo sa Gym. Okay? Any Questions?" sabi ni  Mam.

"Does that mean walang klase bukas?" sabi nung escort namin na chikboy.

"asus. siguro may date ka na naman no?" pang-aasar naman sa kanya ng classmate namin.

I looked at him then rolled my eyes. Ang daming Chikboy na hindi Gwapo no? -_-

"Yes, wala tayong klase bukas but you still have to wear your proper uniform.okay?" sagot naman ni Mam. Oh di ba? Awarding lang wala agad klase, hindi pa nga ata tatagal ng 3hours yun eh? Oh well, ayoko rin naman ng may klase eh. hahaha

Tiningnan ko yung phone ko, patago syempre. baka kunin ni Mam eh. HAHA.

Hindi na nagreply si Cena. -_- Busy? Mas importante pa ba sakin yung ginagawa niya? haha. chos lang. :p Ang dami talgang nagtetext sakin >.< Delete ko na nga lang, bahala sila,.

" ayyiiiiiee! " Nagulat ako biglang sumigaw yung mga kaklase ko. Anong meron? Tumingin ako sa likod ko, sa unahan kasi ako nakaupo pag English time. Lahat sila nakangiti. tapos............. Nakatingin sakin na parang nang-aasar?

"Mam Excuse po kay Jade Valdez" Napatingin naman ako sa pinto nung narinig ko yung pangalan ko.

"S-si...." nagulat ako. Bakit siya andito? Hinahanap niya ko? O_O

"Uy bess tanga wag kang pahalata" mahinang sabi ni cherish na natatawa sa reaction ko. Natauhan naman ako dun. Inayos ko yung sarili ko tapos lumabas ako ng room.

"Bakit?" sabi ko sa kanya. Nakapang Volleyball Attire pa siya.

"A-ahm." -napakamot siya sa ulo niya. nahihiya ba siya? Magtatapat na ba siya sakin? Omo! O_O Hindi pa ko ready.

"Sorry, hindi na ko nakapagreply. Nalowbat kasi yung phone ko" sabi niya.

Pumunta siya dito dahil lang dun? Seriously? Effort ah? :""""""">

"Ah. yun ba? Ok lang yun ^_^" I smiled at him.

"Awarding bukas, punta ka ha?" sabi niya sakin.

"Oo ba, Goodluck" tapos tumalikod na ko. Pag talikod ko, napasmile ako.

Pumunta siya dito para lang sabihin sakin yun? Ganun niya ba ko kamahal? :D

Pagpasok ko ng room, lahat sila nakatingin. Problema nitong mga to?

"Ms. Jade! wala ka pa sa langit" sigaw nung kaklase kong lalake.

"sa itsura mo halatang wala pa ko sa langit" Nagtawanan naman sila. Umupo na ko.

"Bakit siya pumunta dito?" tanong sakin ni Cherish,

"Nagpropose siya bess" kinikilig na sagot ko.

Reaction ni Cherish. >> O_O ------- ^_^

Bago pa siya magtanong inunahan ko na siya.

"HAHAHAHAHA joke lang" sabi ko sa kanya habang nakaPeace sign.

Nagstraight face naman siya. tapos hinampas ako. Aba! Sumosobra na to ah? Tiningnan ko siya ng masama tapos nagpacute lang siya. -_-

~

COMMENT and VOTE :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 03, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unexpected.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon