At kinabukasan nga ay umuwi nga si Jell. Ang aga aga nyang nambubulabog dito sa aking restaurant.
"Jell ang aga-aga pa oh, ayaw mo ba munang mag pahinga kakagaling mo lang sa flight mo ah." Ani ko sakaniya.
"Hay nako hindi pa naman ako pagod." Maikling sagot nya.
"Kahit na, ayaw mo ba munang imeet ang family mo? Hindi naman sa ayaw kitang makita pero ganun na nga," hinila nya ang buhok dahil doon.
"Gàga ka! Uuwi na nga lang muna ako since ayaw mo naman akong nandito!" Sagot nya at tumayo. I smiled sweetly on her at inilahad ang aking kamay papunta sa pintuan.
"Basta mamayang gabi bar tayo treat ko! Bye!" huling sabi nya at sumakay na sa kotse nya. Napailing ako, grabe hindi ba sya nagkakaron ng jetlag? At talagang inom pa ang gusto nyang gawin ah, imbes na kitain ang pamilya nya.
Pagdating ng tanghali ay dumami na ang mga customer namin kaya tumulong na din ako sa pagseserve ng pagkain. This is how business works hindi dapat palaging nakaupo ka lang at nag bibilang ng mga benta. Minsan ay kailangan mo din makita kung ano talaga ang nangyayari sa negosyo mo, dapat ikaw mismo ay alam ang negosyo mo para maging successful ito.
Halos puro student ang mga nakaupo at iba pa ding mga nag tatrabaho.
"Dapat di nyo na sinama si Abby wala naman syang parang pangkain." Napalingon ako don.
"Ililibre ko sya, wag kang mag alala Gail hindi naman sayo manggagaling yung parang ibibili ko." Sagot nung isa pa. Lima silang mga istudyante at tingin ko ay yung Abby na tinutukoy nila ay yung payat na babae at nakayuko.
"Kahit na hindi ba nakakahiya? Halos araw-araw muna ata syang nililibre."
"Yes, Abby hindi kaba nahihiya na palagi kana lang nililibre ni Angel?" natahimik silang lahat at inaantay ang sagot ni Abby.
"Nahihiya ako pero h-hindi k-ko kayang unahin ang h-hiya k-ko kesa sa g-gutom na n-nararamdaman k-ko." Humihikbing sagot nung Abby. Nilapitan ko ang lamesa nila, ayokong mangialam pero hindi kinakaya ng aking kalooban na makita yung mga ganitong bagay.
"Abby, tayo kana dyan ako na sasagot ng pagkain mo." Nag angat sila ng tingin sakin at gulat pa ang iba sakanila.
"B-bakit nyo naman po gagawin iyon Maam?" utal na tanong ni Abby.
"I can see myself to you. The time when I also have nothing to eat, at tuwing recess ay nanghihingi lang ako sa mga kaklase ko para lang mabusog ako." Sagot ko. "I said to myself na kapag nagkaron ako mamimigay ako and that's it. I want to give you." Tumayo sya at lumapit sakin. Pinapwesto ko sya sa isang lamesa at pinapili ng gusto niyang kainin. Matapos nyang pumili ay dinala kona iyon sa counter at tiburon ang table nya. I smiled when I glance on her.
Pagdating ng alas otso ng gabi ay umuwi ako sa condo ko at nag ayos bago pumunta sa bar na pag iinuman daw namin. Ano kayang magiging ending ko ngayong gabi, hindi pa naman ako sanay uminom. Unlike them na go na go sa mga hard drinks. Hinahanap ko ang puwesto namin at kumpleto na silang lahat doon. Isa iyong couch na nakapabilog.
"Hi good evening girl!" masayang sigaw ni Jade at bumeso sakin.
"Hello good evening!" sagot ko at umupo sakaniyang tabi. Mayron na silang iniinom agad at mga pulutan sa lamesa. "Kanina pa ba kayo? Sorry late," ani ko at mahinang tumawa.
BINABASA MO ANG
CAPTIVATED HEARTS SERIES 1: When Love Hits You
RomanceSTATUS: On-going Starting: September 13 Ending: Nang maka graduate si Jeyshee ng kolehiyo at pumasa sa board exam at naging isang ganap na guro. Walang ibang inintindi si Jeyshee kundi ang magtrabaho para sakaniyang pamilya, magtrabaho ng magtrabah...