Kabanata 8

15 4 0
                                    

JEYSHEE

Paglapag ng eroplano sa Tokyo International Airport ay kitang kita ang pagkamangha ko. Ngayon pa lang ako nakarating sa Japan, mas napupuntahan ko pa ang mga bansa sa Europe, gaya ng Switzerland, Italy, Germany, at France. Nasa plano ko naman ang Japan ngunit hindi pa sa ngayon, pero ngayon narito na ako, kasama si Eros. Isang linggo lang ang mayroon kami, kaya susulitin kona ‘to.

“Are you excited?” Tanong nya. I smiled and answered him.

“Yes, this is my first time in Japan. I have listed what I want to do here while we are here.” Sagot ko at inilabas ang isang maliit na notebook.

“But we’re here for honeymoon,” sagot nya. Napahinto ako ng maalala na iyon nga pala ang dahilan kung bakit kami nandito, at kung bakit kami magkasama ngayon.

“Uh, kailangan ba honeymoon talaga? Like may mangyayari satin?” nag aalangang tanong ko sakaniya.

“No, I won’t force you if you don’t want it. If you want to explore here then so be it. I respect you Jeyshee, I want you to be happy while with me. Hindi ko ipipilit ang mga bagay na ayaw mo at masasaktan ka.” Oh god! What did I do to have this man? Napangiti ako at napanguso. Mabilis lang iyon at agad ding nawala ng may maalala ako. This is fake, I’m sure his also faking what he was saying! Bigla akong nairita at inirapan sya. Nakita ko ang pagkagulat sakaniyang itsura. Tinalikuran ko sya at naunang naglakad.

“Hey! What did I do wrong? Jeyshee, look I’m sorry,” sunod sunod na sabi nya. Huminto ako at nilingon sya. Pinameywangan ko sya at tinaasan ng kilay.

“Inuuto mo lang ako Eros!” sagot ko.

“What? Anong inuuto? Bakit kita uutuin? I’m saying the truth Jeyshee.” Ngumuso ako nag pipigil ng ngiti.

“Talaga?” masayang tanong ko.

“Yes my love.” I smiled and hugged him. Ang rufok mo girl! Bahala na enjoyin na lang kung anong meron kami ngayon.

“First, kakain muna tayo sa Ichiran Shibuya! I want to try their ramen, it looks so yummy and its also perfect for the weather.” Sagot ko. Naka suot ako ngayon ng trousers ar isang long sleeve na may thermal at pinatungan kona din ito ng isang makapal na jacket. Ganun din ang suot nya long sleeve na black at may suot ding makapal na jacket.

Hindi iyon ganun kalayo sa hotel na pinag iistayan namin kaya nilakad na lang namin iyon. Kung sasakay kami ay baka hindi ko maenjoy ang nag gagandahang building at mga puno. Madami din silang mga karaoke at kung ano ano pang mga tindahan ng souvenirs.

“May gusto ko bang bilhin?” tanong niya. Nilingon ko sya at tyaka umiling.

“Wala pa naman ngayon, gusto ko munang makakain ng ramen bago mamili ng kung ano ano.” Pagdating namin doon ay maraming tao, hindi ko alam kung anong ramen ang pipiliin ko, kaya namili na lang ako kung anong masarap sa paningin ko. Sana ay pasok iyon sa panlasa ko. Si Eros ay may pinili ding kaniya. Infairness ang laki ng bowl ng ramen nila at siguradong sulit talaga ang bayad mo. Hindi naman ako binigo ng ramen na napili ko. Masarap nga ito at talagang nakakabusog. Katahimikan ang namayani sa aming dalawa habang kumakain kami. Napansin ko na kanina pa sya tahimik.

“Eros are you okay? Ayaw mo ba ng ramen? May hindi kaba gustong puntahan?” nag aalalang tanong ko sakaniya.

“I’m okay, and I like ramen, sa mga gustong puntahan? We have no problem with that as long as I’m with you.” Napangiti ako at inubos na ang ramen ko. After naming kumain ay naglakad lakad ulit kami.

CAPTIVATED HEARTS SERIES 1: When Love Hits YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon