Kabanata 9

7 4 0
                                    

JEYSHEE

Maayos naman ang nagin pagsasama naming dalawa ni Eros bilang mag asawa. Ang hindi ko lang alam ay bakit parang dumidistansya sya sa akin ngayon. Sa bahay nya na ako nakatira, nung mga unang araw ay naninibago ako, kalaunan ay nasanay na din ako. Ngunit parang pakiramdam ko ay may kulang na hindi ko maintindihan, mga katulong lang ang kasama ko dito at ang isang driver. Kahit na umaga ay ramdam ko ang lungkot dito sa bahay.

“Maam nagugutom po ba kayo?” Tanong ni Ate Celia.

“Uh hindi naman pero ate may tanong ako.” Sabi ko.

“Sige ano po ba iyon Maam?” nakangiting sabi ni Ate Celia. Si Ate Celia at ang kaniyang anak na si Louise at ang isa pangkatulong lang ang nandito.

“Lagi po bang ganito sa bahay? Parang ang lungkot kasi dito.” Nag aalangang sabi ko.

“Ah Opo Maam mag isa lang po dito lagi si Sir Eros, tapos kapag minsan po ay uuwi na lang sya dito para matulog gigising at mag tatrabaho na ulit. Natuwa nga ako Maam kasi dumating kayo may makakasama na si Sir.” Napatango ako at napa tahimik.

“Wag kayong mag alala Maam wala pong dinadalang babae dito si Sir kayo nga po ang pinaka una eh.” Sagot nya. Napakagat ako ng labi at tumango ulit.

“Sige ate thank you, asan nga po pala ang anak nyo ngayon?” tanong ko sakaniya.

“Ah nasa mga kuya nya po, iginala nila dyan sa may parik Maam pero maya-maya babalik na din yon Maam.” Sagot nito.

“Sige ate, kapag nandito kasi si Louise hindi ako nakakaramdam ng lungkot. Natutuwa ako sa kadaldalan nya.” Nakangiting sagot ko.

“Mag anak na kasi kayo Maam,” sagot ni Ate Celia nanlaki naman ang mata ko dahil doon.

“Si Ate naman!” ani ko.

Pagdating ng alas singko ng hapon ay naghanda ako ng gagamitin para sa pag bibake ng cake. Kumpleto naman ang mga gamit na nandito sa bahay dinala kona din ang ibang gamit ko.

“Maam ganda ano pong ginawa nyo?” nilingon ko si Louise at ngumiti.

“Hello baby, I’m making a cake now.” Nakangiting sabi ko at binasag ang itlog.

“Wow, cake! Gusto ko po niyan, penge po ako pagyari nyo.” Nakangiting sabi nya.

“Oo naman hindi ko naman ‘to kakainin lahat, pero tingin mo magugustuhan to ni Sir Pogi mo?” tanong ko at pinaghalo halo ang mga ingredients.

“Oo naman po, bakit hindi eh ang sarap po kaya ng cake!” masiglang sabi nya.

“Talaga eh paano kapag hindi nya nagustuhan?” tanong ko at inilagay na sa oven. Sinimulan ko naman ang pag gawa ng icing, nagbati ulit ako ng itlong at iniligaya iyon sa mixer.

“Eh?” sagot nya at naka kunot na ang noo nya. “Edi ako na lang po kakain tatawagin ko din po sila kuya, kami na po ang bahala.” Louise is a 7 years old girl, nasa grade 3 na sya ngayon.

“Louise kailan ang birthday mo?” tanong ko sakaniya habang nilalagyan ng food color ang icing na ginawa ko.

“Sa October na po,”

“October ano? Gusto mo ba ng cake sa birthday mo?” hinango ko naman ang nasa oven at pinalamig muna iyon.

“Opo naman,” tumango ako at inilagay ang tinapan sa cake board. Isang vanilla cake ang gagawin ko pagtapos ay strawberry cake naman at ang huli ay drip cake na caramel flavor. Sinusubukan ko din mag gawa ng minimal design ng cake. Nang matapos ang vanilla cake ay sinumulan ko naman ang strawberry cake. Inabutan ko si Louise ng isang strawberry, pakirdam ko ay naiinip na sya sa kakaantay sakin.

CAPTIVATED HEARTS SERIES 1: When Love Hits YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon