Kabanata 7

8 4 0
                                    

JEYSHEE

Maaga akong gumising para maghanda at mag ayos. Kumain muna ako at naligo, hindi ko alam ang nararamdaman ko ngayon. Anumang oras ay magbabago ang buhay ko from single to married. Kagabi ay tinawagan ko din si Mama para ipaalam sakaniya.

“Hello Ma,” salubong ko pag sagot niya ng tawag.

“Hello Anak napatawag ka.” Sagot ni Mama

“Ma, wag kang magugulat ah dapat kalmado ka lang.” Sunod na sabi ko.

“Oo sige anak, ano ba yang sasabihin mo? Hindi ba kayang ipag pabukas yan?”

“Ma, ikakasal na po ako.”

“Oh ikakasal lang naman pala eh,”

“Oo nga Ma ikakasal na po ak–“

“ANO? ANONG IKAKASAL?! KANINO? SAAN? KAILAN? HA?! BAKIT NAMAN BIGLAAN?!” nailayo ko ang cellphone sa aking tainga dahil sa sigaw ni Mama.

“Ma diba sabi ko wag kayong mabibigla. Kumalma nga muna po kayo.” Sabi ko. Lumipas ang ilang minuto bago ako ulit nagsalita at sinabi.

“Ikakasal na po ako Ma, pero fake lang po ito si Eros kasi Ma nung nakaraan binayaran nya yung lupa na tinatayuan ng restaurant ko. Paano nadelayed kami ng hulog tapos yung may ari gustong ibenta agad. Sabi ni Eros bilang kapalit kailangan kong mag panggap na asawa nya. Ang sabi nya para daw tumigil na ang mga magulang nya sa pag reto sakaniya sa iba’t ibang babae.” Ilang minuto bago naka sagot si Mama.

“Eh kung ayaw nya lang pala na ireto sya ng magulang nya sa iba’t ibang babae eh bakit kailangan pa na mag panggap ka bilang asawa niya? Bakit hindi na girlfriend o bakit ikaw pa ang napili niyang babae? Malaki ka naman na anak, alam muna ang ginagawa mo. Pero sana maayos nyo muna ang nangyari sainyo no bago kayo magsimula ulit.”




“By the authority vested in me. I now pronounce you husband and wife.” I smiled and looked at him. He smiled and kissed me.

“Congratulations to the newlyweds!” Sabi ni Attorney may inilahad syang papel doon na kailangan naming pirmahan. Pinirmahan namin iyong dalawa at tyaka nagkaroon ng kaunting picture picture at salo salo. Apat lima lang kaming nandito sa office. Si Attorney si Jade, Logan, ako at si Eros lang. Si Jade ang sinama ko dahil sya lang din naman ang nakaka alam. Si Mama naman ay nasa restaurant sya muna ang sinabihan kong mag handle nito hangga’t hindi ako nakakabalik.

“Congratulations Jeyshee!” ani ni Logan. I simply smiled at him.

“Congratulations Jeyshee!” bati ni Jade at tyaka bumeso sakin at yinakap ako. “Kung ako sayo girl, hihilingin ko na totoo na ‘tong kasal na ‘to. Hindi kona papakawalan si Papi Eros kung ako sayo.” Bulong nya kinurot ko ang tagiliran nya at sumagot.

“Gàgá ka!” bulong ko.


Mamayang alas dyes pa ng gabi ang flight namin papuntang Japan para sa honeymoon. Saglit akong natigilan at napa isip, honeymoon ito so posibleng may mangyari sa amin!

“Why are you so quiet? What are you thinking?” tanong ni Eros sa aking likuran.

“Nothing.” Tipid na sagot ko.

“Are you regretting it now?” tanong nya ulit. Humarap ako sakaniya at umiling.

“No, I agreed to do this. I’m just thinking that bakit ako sa dami naman ng babae na pwedeng mag panggap na asawa mo?”

“Because I know you, hindi mo ako peperahan gaya ng ibang babae.”

“Paano kung perahan na nga lang kita?”

“I saved a lot, and I have my company to support us.”

“Akala ko ba ako yung pinili mo kasi kilala mo ako, na hindi ako mukhang pera?”

“I know you’re not, sinasabi mo lang yan hoping that something might change. Nothing will change, Jeyshee. You’re still my wife.”

“Sinabi mo din yan noon, pero may nagbago pa din.” Bulong ko. At tinalikuran sya, lumabas ako sa balkonahe ng condo nya. Dahil pakiramdam ko ay may masasabi ako sakaniya kapag nag usap pa kami ng matagal.

“Look Jeyshee I’m sorry for what I did 10 years ago. Sorry kung bigla na lang kitang iniwan. Hindi ko gustong iwan ka my Mom forced me and were still studying that time. Handa na akong itanan ka o lumayo kasama ka pero alam ko yung pangarap mo. Ayokong sirain yung pangarap mo para sa pamilya mo at para sa sarili mo. Hindi kita macontact noon dahil pinagbawalan ako ni Mom. I understand that she wants the best for me and for us, so I did what she wanted. I’m sorry for leaving you, my love.” Akala ko hindi na ako masasaktan kapag narinig kona ang paliwanag nya dahil sampong taon na man na ang nakalipas. Hindi ko akalain na hahagulhol ako dahil doon. Naiintindihan ko sya pero sana nagsabi sya sakin para hindi ako nagmukhang tanga na kung kani kanino nakikibalita tungkol sakaniya

Pareho kaming may pangarap at hindi nya kayang sirain ang pangarap ko. Siguro, kung ako din ang nasa ganoong sitwasyon ay pipiliin kong sumama at umalis na lang kesa masira ang pangarap na sinusubukang matupad At natupad na nga ngayon, I have my restaurant may bahay na si Mama na maayos. Nakapag turo ako, I’m living my life into the fullest because of him.

Pinunasan nya ang luha ko at mahigpit akong yinakap.

“I’m sorry for leaving you.” We stayed like this for a minutes bago ako kumawala sa yakap nya. I guess okay na, makakapag simula na ba kami ng panibago? Pero paano kung peke naman ang magiging pagsasama namin? I guess I just need to go with the flow



Pagdating ng alas nuebe ng gabi ay bitbit na namin palabas ang  mga bag. Inilagay nya iyon sakaniyang sasakyan at tyaka kami umalis sa condo nya. Dumaan muna kami sa drive thru ng Jollibee bago dumiretso sa airport. Hindi naman kalayuaan ang airport mula sakaniyang condo kaya mga bandang 9:30 ng gabi ay nakarating na kami. Kumain muna kami at sakto pagtapos naming kumain ay tinawag na ang flight namin. Pagkaupo namin ay nagsuot ako ng headphones at tyaka sinandal ang ulo ko.

“Are you sleepy?” tanong nya. At nilagyan ang neck pillow saking leeg. Tumango ako sakaniya, may kinuha syang blanket at inilagay din iyon sakin. Kahit naka suot na ako ng jacket at pants ay nilalamig pa din ako, ganun din ang suot nya pero hindi sya giniginaw.

Ipinikit ko ang mata ko at tyaka sumandal sakaniya. I hoped I'll have a good sleep and a safe flight.

InkOvernight

Sana magtuloy tuloy na 'tong kasipagan na 'to. Hello everyone how are you?


CAPTIVATED HEARTS SERIES 1: When Love Hits YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon