"Gago ka sinolo mo" hindi makapaniwalang saad ni seb
Nalaman nila na nandito na kami, sinabi siguro ni kori, pag ka balik nga namin nung umihi ni kiara siguro 2 minutes lang nag uunahan na si ck at si seb na bumaba dito
Natawa nga ako sa reaction ni ck noong nakita niya na wala si yumi, parang pinag bagsakan ng langit at lupa ang mukha daig pa sinalo ang problema sa buong mundo
Habang ang kaibigan naman niyang bugok nag tatatalon sa tuwa ewan ko ba kay seb akala mo may 100% energy palagi nag tataka na nga ako normal lang ba na masaya kapag nakita yung kaibigan? Palagi naman niya nakikita yung kaibigan niya pero parang hindi naman siya masaya
weird diba parang iba samin o feeler lang ako? Baka may sakit talaga siya
Silang dalawa palang ang bumababa syempre may hinahantay pa ako, ehem baba kana please
"Nagugutom ba kayo?" Tanong ni ck samin habang ang mukha niya ay hindi maipinta
Umiling lang kami sakanya
"Edi okay tinatamad ako mag luto"
"Bakit marunong kaba" sagot ni irish sakanya
"Gusto mo makatikim ng sunog?"
Pag katapos ng sinabi niya natahimik na ang lahat nakaupo si seb sa tabi ni irish nag aasaran sumasama din si vien sa asaran nila
si ck naman ay nasa tabi ni kiara pareho silang nakatulala lang may hinihintay din kaya yung babaeng to?
at si sean nasa tabi ko tahimik lang
si kori, seth, shan, at ian nalang ang nasa taas
"Gusto ko pala kumain order tayo, gusto niyo?" Tanong ni vien
"Sige" sagot naman ni seb
"Ano gusto niyo?" Tanong ulit niya
"Lahat ng menu sa Jollibee" bored na sagot ni ck
"Okay"
"Hoy vien alam ko naman na mayaman ka pero di naman mauubos yon" pag pagil ni kiara sa kanya alam niya kase na bibilin nga ni vien yon
"Kung ano nalang makita mo okay na yon pero wag naman sobra sobra" dugtong pa niya
Naiinip na ko dito maya maya pa dadating sila hestia tagal naman kase bumaba ni seth e hindi ba niya na miss yung best friend niya? tinanong tanong niya ako tapos ayaw naman niya ako babain dito, konti nalang talaga aakyatin ko na siya don
Muli akong napatingin sa hagdan, at ayon wala parin, nakita ko ulit si ck na malungkot na malungkot, kawawang bata
"Ang panget mo ka bonding vien akala ko ba sasama si yumi" reklamo nito napatingin ako sa mata niya nakita ko ang pula na iiyak na ata
Yung bataTinawanan lang siya ni vien nakakatawa naman talaga kase walang kamalay malay na susunod sila yumi
Susunod ang mga 'strict parents' edi sana all strict parents diba, kesa naman sa parents na walang pake sayo may pa favorite child pa gusto ko with high honor, gusto ko with highest, ulol with highest katamaran lang kaya ng anak niyo highest highest kayo jan!
Mga magulang nga naman.
Kaya ayoko na umuwi samin e mamaya nga matanong si vien kung pwede ampunin niya nalang ako papayag naman yun
nakakapagod umuwi sa bahay, hindi ka naman talaga pagod pero pag kinausap kana?
tapos kapag ka sabay mo kumain iba yung pagod kahit walang ginagawa
feeling ko tatagal ako ng 1 month hindi kumakain kapag kasabay ko sila, susubo ka palang sasabihin na agad "buti pa yung anak ni ano marunong mag ganito" tapos "ang galing ng anak ni ano" pano naman ako hahahahaha
BINABASA MO ANG
Secret Admirer (High School Series #1)
RomansEvery reader is familiar with the typical fiction disclaimer. This is a work of fiction. Names, characters, business, events and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual eve...