Ito talaga ang araw na hindi na ako natutuwa
Nandito na kami sa loob nung school, maganda naman malaki madaming tambayan
Nag lalakad kami ngayon sa hallway papunta sa office, medyo late na nga kami dahil traffic
Malawak yung school hanggang third floor lang, maganda yung paligid okay na sana kaso nakita ko yung mga upuan nila, yung gawa sa simyento? 6 lang for sure madaming students dito dapat dagdagan manlang nila para madami yung makakaupo pano kapag lunchtime? Saan yung iba?
"Huy vien may aircon ba dito?" Tanong ni irish kay vien
"Wala"
Napalingon sakanya sila hestia at Reese, si irish naman ay halatang na dismaya
"Okay hindi na ako mag rereklamo libre naman ako si vien e" sagot naman ni irish, mag rereklamo pa nga ba siya libre na siya sa tuition
-Pag pasok namin medyo madami na sila dito, hindi ko matingnan mabuti, hindi ko tuloy nakita kung may pogi, medyo na pressure kami late na e
"Ngayon, iisa-isahin natin ang mga rules sa school"
Kakaupo pa nga lang namin ay nag salita na agad yung admin dito medyo galit siya, nag aapura siguro to, baka may date.
Masungit, taas nung kilay niya hindi ko kinakaya
"Bawal mag dala ng outsiders ng walang permission"
Napalingon naman ako kay vien na halatang nag rereklamo na agad
"Bawal lumabas kapag hindi pa time, kung natapos ang klase niyo ng 3 pm tapos 5 pm pa yung labasan matuto kayo mag hintay"
Napakunot naman ang noo ko, grabe naman to! Walang awa, 2 hours mag hihintay?
10 minutes nga niyang reply di ko mahintay 2 hours pa kaya?
"Bawal kung ano ano nakalagay sa id"
"Bawal ang kulay sa buhok"
"Monday to Friday complete uniform"
Nakita ko ang pag kunot ng noo ni reese sabay reklamo kay vien
Grabe naman akala ko pa naman makakapag outfit check pa ako dito
"No, long nails!"
Luh tagal tagal ko to pinapahaba at inaalagaan tapos bawal? Bahala kayo di ko kayo susundin
"Bawal lumabas para bumili lang ng pagkain may mga pagkain at cafe, sa loob ng campus"
"Bawal i bayad ang pera, ipapapalit ito sa pera ng school"
Wow ha, may sariling pera yung school
"Bawal kayo pumunta sa mga elementary at mag laro sa playground don"
"No id, no entry"
"Required kayo mag simba palagi, at mag rosary every Wednesday "
Babait na talaga si irish
"Bawal mag pasok ng food sa prayer room"
"No tuition no exams"
"please! No to issues, scandals and others "
Hay, akala ko naman nasa matinong school na ako kase catholic school, gagi hell school pala
"iiwanan ko na kayo at hintayin niyo yung mga teacher, tatawagin nila kayo isa isa para malaman yung section niyo"
Umalis na nga yung masungit na admin, buti nalang, hindi ko talaga makalimutan yung kilay niya, taas grabe!
maya maya lang may pumasok ng teachers
8 sila, siguro dahil 8 yung subjects namin"Ako ang teacher niyo sa English, my name is jerome"
Matangkad, okay lang yung itsura mukhang mabait
"Ako naman si Catherine, ako ang teacher niyo sa Esp, tawagin niyo nalang akong ma'am cath"
Ang ganda nung boses niya
"At ito naman si ma'am kate, teacher niyo siya sa filipino"
Ipinakilala ni ma'am cath ang ibang teachers
"Si ma'am Marissa teacher niyo sa tle"
Ang ganda niya mas mukhang bata pa samin
"Ma'am rose teacher niyo sa history"
"Ito naman si ma'am Diane, teacher niyo sa math, nako nakakatakot ang subject niya, pero mabait naman si ma'am"
Mukhang masungit
"Ito si sir darell, teacher niyo sa mapeh"
Ay wow, bet ko to inirapan ba naman kami
"At si sir carlo, teacher niyo sa science"
Masungit to! Yung itsura e, opo judgemental ako
Pag katapos ipakilala ni ma'am cath lahat ng teacher ay nag tinginan muna kami
Mabait naman siguro?
Tiningnan ko nga ang mga itsura nila vien, tahimik lang habang si irish naman ay nakikipag bulungan kay reese habang nakatingin sa teacher namin sa mapeh
same room lang sana ayoko mahiwalay sakanila
"Meron tayong apat na section walang section 1 at section 2 pantay pantay lang ang lahat"
"Saint Pedro calungsod"
"Saint Lorenzo ruiz"
"Saint Marianne cope"
"Saint Maria goretti"
"Yan ang mga section sa first year highschool "
Malakas ang mga bulungan ng ibang students dito
May naririnig pa nga ako na ewan nalang daw nila kung hindi pa sila bumait kapag saint pedro yung section nila
Nagulat siguro sila na Pati yung section saints syempre noh, kaya nga catholic school e
"Teh, ewan ko nalang kung hindi pa ako bumait" dito bulong ni irish sakin
Talagang ewan ko nalang kung hindi pa siya bumait, ay pati pala ako
"Ito ang mga students sa Saint pedro calungsod"
Alvarez
Cues
Cuevo
Collins
Cortez
Corpuz
Dela cruz
Davison
Guevarra
Hermosa
Javier
Suarez
Perez"Ito palang ang nakalagay dito, hindi pa nalalagay yung mga nag enroll lang sa online"
-
Na distract ata ako masyado sa mga dumadaan na poging senior high dahil pag tingin ko kila irish mga nag rereklamo na, at wala na din yung mga teacher eh kase naman
Ang pogi kase
Ano ba yan
"Huy maria goretti kami" hindi makapaniwalang saad ni vien
"Ako at si reese"
"Pedro calungsod kami nila syd at yumi yehey"
Masayang balita naman ni kiara kay vien
"Lorenzo ruiz kami ni hestia"
masayang sambit ni irish
"May kokopyahan na ako" dugtong pa niya
Hay nako pinag hiwalay hiwalay pa kami ano ba yan ang panget ka bonding talaga
"Mag papabili na ako ng uniform isasabay ko na kayo, libre ko na"
"Grabe naman vien, baka naman ampunin mo na kami nito" sagot ni irish
Grabe ang yaman talaga ng bestie ko
"Necktie daw po" nagulat kami sa babae na lumapit na may dalang plastic na medyo malaki
"Kuha daw po ng dalawa"
Isa isa kaming kumuha, may pa necktie pa pala
An: may page na po ako sa Facebook imyourkeshia/ stories ehem ehem alam niyo na gagawin btw ang bilis niyo last time 750 palang ata nakakabasa nito ngayon 800 na thank you bery bery mats<333
BINABASA MO ANG
Secret Admirer (High School Series #1)
RomanceEvery reader is familiar with the typical fiction disclaimer. This is a work of fiction. Names, characters, business, events and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual eve...