"Gusto mo ba?" Inalok ko si sean sa pagkain na kinuha niya sakin nakatingin kase siya don parang gusto din
"No"
"Wag kana mahiya hindi naman ako nangangagat kukuha lang ako ng plato mo"
tatayo na ako para ikuha siya pero hinawakan niya ang kamay ko, pinipigilan akong umalis, baka ayaw nga.
"Wag na Sydine"
"Okay"
Nginitian ko lang siya at pinag patuloy na ang pagkain siya naman ay ganon parin nakatingin lang sakin hinihintay ako matapos
"Ayoko na" sahinang sabi ko medyo madami din kase ang kinuha ni sean na pagkain may natira pa ako
Tumango lang siya habang seryoso na nakatingin saakin, iniisip ko tuloy nagagalit siya kase hindi ko inubos yung kinuha niya
"Huy sorry hind ko naubos ang dami kase"
Tumango lang siya
"Tara na" aya niya sakin hawak pa niya ang kamay ko habang ang kabila naman niyang kamay ay hawak ang pinag kainan ko
Binaba lang niya saglit yung plato na kinainan ko sa dirty kitchen nila vien tapos pumunta na rin kami agad sa pool hawak parin niya ang kamay ko
"Ehem ehem" peke ang pag ubo ni seb habang nakatingin sa kamay ko seryoso naman na nakatingin sakanya si ck at kori
Nakita ko pa ang pag galaw ng labi niya sa pwesto namin tinuturo ata kami, agad namang tumingin si ck at kori samin para makita kung ano ang sinasabi ni sebMaya maya lang may pekeng pag ubo na din si ck at si kori naman ay tumatawa
"Gagi pre! ang lamig na ata! inubo ako bigla ehem ehem!"
Bumitaw na din ako sa hawak ni sean bago pa ako makita ni irish kilala ko ang isang yon aasarin ako ng aasarin non
actually hindi ko alam kung bakit hindi ko inalis agad yung hawak niya sakin kahit may nakapansin na saamin
Unti unti akong bumaba sa pool, hindi naman pala malamig nakita ko nga agad si irish, kiara at ian nag uusap kaya pinuntahan ko sila dahil hindi ako pwede mahuli sa chismis may love triangle na bang nagaganap? Joke bata pa kami
"Hello guys ano ganap" masayang bati ko sakanila
"Wala lang challenge lang to samin ni kiara gagi English-speaking" oa na sabi ni irish siguro nakikipag englishan sila
"Girl dumudugo naba yung ilong ko?" Tanong ni kiara saakin habang nakaturo sa ilong niya
"Hey ian How much your age?" Pakikipag usap ni irish kay ian narinig ko naman na tumawa si ian pinag tatawanan na siya
"Hindi pa naman, kaya niyo na yan wag niyo na ako idamay bye!" Kumakaway ako sakanila habang lumalakad papalayo, nandito naman ako kay hestia at Reese makiki chismis lang
"So, ano ganap"tanong ko
"Ikaw dapat sumagot niyan" inis na sabi ni Reese sakin
Gets ko agad yung ibig sabihin niya kay sean to napaka issue nito sa buhay
"Wala lang yon, friends lang issue niyo"
Sagot ko naman"Friends? Holding hands?" Nag tatakang sabi ni Reese
"Gaga ka kinikilabutan ako sayo anong holding hands ka jan hindi naman ah bingi ata yung mata mo eh" defensive na sabi ko
"Basta hindi Holding hands yon napaka issue"
Dugtong ko paNapatingin ako kay hestia dahil alam ko hindi ito naniniwala nakakunot pa nga ang noo
"Okay Ms defensive" bulong ni hestia
"Bahala nga kayo jan akala kopa naman may chismis ako pala topic niyo" inirapan ko lang sila at lumayas na ang next na pupuntahan ko ay si vien kausap niya si euro ngayon silang dalawa lang
Parang ang hirap naman nito puntahan pakiramdam ko third wheel ako
Sa huli hindi na ako natuloy na puntahan si vien nahiya ako nag tatawanan pa sila moment na nila yon hindi ko dapat guluhin
Naisipan ko nalang lapitan si seth kaya nag madali akong pumunta sa side niya nandoon parin siya sa dati niyang inupuan sa tiles ng hagdan
"Hi" mahinang sabi ko at umupo sa tabi niya
"Hi" mahinang sabi niya, parang kanina lang ang soft ng boses niya kapag kausap ako pero ngayon parang wala lang
"Nanlalamig kana sa aakin hindi mo na ako mahal katulad ng dati"mahinang bulong ko
alam ko hindi niya na to maririnig dahil parang wala na ngang boses na lumabas saakin impossible na marinig niya
"Bakit ayaw mo makipag usap sakanila?" Seryosong tanong ko, kanina ko pa rin napapansin hindi siya nakikipag usap sa mga kaibigan niya
"Inaasar lang nila ako" masungit na sabi niya parang may hinanakit sa mga kaibigan niya
"Nakakainis din sila minsan diba?" Tanong ko
"Always" sagot naman niya habang nakatingin ng masama kay ck at seb
"Close pala kayo' ni sean?" Tanong niya
walang naman pinag bago pero bakit ganon parang sanay na kami sa isa't isa wala akong nararamdaman na awkwardness saamin
"Oo siguro" sagot ko habang nakatingin sakanya sinusuklay niya pataas ang kanyang buhok gamit ang kamay niya naka yuko siya kaya hindi ko kita ang mukha
"Siguro?" Seryosong sabi niya
Tinanguan ko lang siya bakit ganon, kaya ko pala makipag usap nakanya ng ganon? Bakit hindi manlang ako nahihiya or kinakabahan shet ang tapang ko
"Sydine"
"Yes?" Nilingon ko siya nakita ko seryoso siyang nakatingin sakin
"Can we be friends?"
"Tinatanong paba yan"
He offered his hand "Seth Rivero"
"Cassandra Sydine Hermosa" i smiled at him
BINABASA MO ANG
Secret Admirer (High School Series #1)
RomansEvery reader is familiar with the typical fiction disclaimer. This is a work of fiction. Names, characters, business, events and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual eve...