"Yes finally high school na tayo" tumatalon sa tuwa si irish kakatapos lang ng graduation namin"Ano nakakatawa don mag aaral parin naman tayo, dapat nga umiyak kapa mas mas mahihirapan na tayo nito" sabi ni kiara habang abala sa pag aayos na buhok niya nag lalakad kami ngayon, papunta sa sakayan nang jeep nag ka yayaan kami kumain sa labas dahil celebrate daw
"Sawang sawa na ako sa mukha mo irish mag kaklase nanaman kaya tayo?" sabi ko naman, umirap lang siya sakin
"Saan kayo mag babakasyon?" Tanong ni Hestia saamin
"Sa bahay" sabay sagot ni irish at kiara,
"Sis kaya pa ba today?" Tanong ni irish kay yumi pumipikit na kase ang mga mata niya halatang antok na antok
"Kakayanin" sagot ni yumi
"Sa bahay lang din ako" sagot ni vien
"Ako din, saan ka hestia?" Tanong ko
"1 week lang ako mawawala boracay daw" sagot ni Hestia
"Sana all" sabi ni irish
"Hala what if umitim ka" sabi ni kiara, takot kasi si hestia umitim
"Hindi naman siguro, di nalang ako mag sswimming ng matagal" sabi ni hestia
Maya maya lang ay nandito na kami sa sakayan nakaka antok pala ka pag ganito kainit,sumakay na agad kami sa jeep hindi ko nga alam kung bakit nag jeep kami, may service naman si vien na van pwde naman don mas malamig pa, mag katabi kami ni hestia at yumi habang mag katabi naman sila irish, vien at kiara hindi naman nag kakalayo ang mga upuan namin mag ka harap lang hindi na kami nag tabi tabi dahil puno na sa side namin nila hestia, madami din kasi ang naka sakay hindi lang kami, inaantok na sana ako kaso nabubuhay ang kaluluwa ko sa lakas ng tawa ni irish naka tingin tuloy sakanya ang mga pasahero.
"Shhh don't laugh to loud irish" pag bawal ni vien kay irish
"Okay okay BWHAHAHAHA" hindi mapigilan ni irish ang kanyang tawa
Natatawa nalang din ako sakanya minsan, seryoso kase palagi ang usapan namin tapos tatawa siya, minsan iniisip ko kung may nakikita ba siya na hindi namin nakikita, maya maya lang ay andito na kami sa Jollibee
"Yesss andito na tayo" sabi ni irish kanina pa daw siya gutom, pumasok agad kami sa entrance, humanap ng upuan si irish,kiara,vien habang ako sasamahan ko si hestia pumila
"Syd, pa-tanong naman kung ano order nila"
"Sige" sagot ko hinanap ko agad ang table na napili nila, hindi ko ito makita sa first floor baka nasa second floor, ng makita ko nilapitan ko sila at tinanong kung ano ang order nila
"Kahit ano nalang akin" sabay sabi ni kiara at vien
"Akin din basta gusto ko mag rice" sabi ni irish
"Oh, okay"
Pinuntahan ko si hestia at sinabi ang gusto nila
"Hestia cr lang ako"
"Okay" ngumiti siya saakin
Napahinto ako sa pag lalakad ng may nakasalubong ako na grupo ng mga lalaki, may kanya kanyang hawak na order, nakaka agaw pansin ang itsura ng isang lalaki na naka plain white shirt at black pants, may hawak na drinks, hindi ko alam kung gaano ako katagal naka hinto at naka tingin
"Miss?" Tanong ng isang lalaki na mukhang playboy na ewan, nataranta ako bigla
"Sorry" sabi ko at mabilis na lumakad pa punta sa cr humarap ako sa salamin para makita kung ano ang itsura ko kanina
![](https://img.wattpad.com/cover/325616226-288-k195431.jpg)
BINABASA MO ANG
Secret Admirer (High School Series #1)
РомантикаEvery reader is familiar with the typical fiction disclaimer. This is a work of fiction. Names, characters, business, events and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual eve...