BRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRROOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOMMMMMMMMMMMMMMMMMMMM . . . . . . . .
Humaharurot ang motor na pinapatakbo ni Toni sa buong highway . Lahat na ata ng sasakyan in-overtake niya . Hanggang ngayon naaalala niya pa din ang SOBRANG INIS na naramdaman niya ng malamang ipapasara na nang tuluyan ang LET's DO THE STUNT PLACE .
~FLASHBACK~
Tonis POV
"15 million ? ! ? ! ? ! " sabay naming gulat ni Jayson
" Saang bulsa ng pantalong butas na may sirang zipper natin huhugutin yun ? ! " sabi ni Jayson sabay kamot sa ulo
" Hindi ko din alam . . " mababang sagot ni Sir Joseph
" Ano bang akala nung unggoy na 'yun sa LDSP ? Bangko ? Bakit naman ganun kalaki ang hinihingi niya ? Luma naman na ang LDSP ah ! ? At isa pa, simula pa noon ang mga magulang mo na ang nag-alaga at nag-sa-ayos ng LDSP ! Kung tutuusin ni wala nga siyang karapatan para humingi ng kahit ano mula sa 'tin eh ! " inis na paliwanag ko .
" Kahit anong gawin nating reklamo . Wala tayong magagawa . . Wala sa atin ang mga papeles ng LDSP . The bottomline is , si Mr.Go pa din ang makakapag-decide kung ano'ng gagawin sa LDSP . " sabi ni Sir Joseph
" So, Ano nang gagawin natin niyan ? " tanong ko, medyo inis pa din
" We've got no choice . . Ipapasara na natin ng tuluyan ang LDSP , aalis tayo dito at ipapaubaya sa kanya ang pamamahala dito " sagot ni Sir Joseph
" Ano ?! ?! Isusuko na lang natin ang buong LDSP ng ganun-ganun na lang ?! Ang swerte naman ng chonggo na yun ! NO WAY ! ! ! " galit na talaga ako sa ngayon .
" .. Toni . Wala na tayong magagawa, masyadong malaki ang hinihingi niyang pera kapalit ng pananatili natin sa LDSP . " sabi ni Sir Joseph sa 'kin in calm voice pa din
" Sumusuko ka na ? " tanong ko na may pagka-sarcastic kay Sir Joseph
Hindi siya sumagot . Yumuko lang siya at tumango ng mabagal .
Parang umitim ang paligid ng makita ko ang pagtango niya . . Siya na, nagdala sa 'kin dito . Siya na nagturo ng lahat sa 'kin . Siya na laging . . . Tapos ngayon siya pa ang sumusuko sa laban na ito !? . Ano 'to ?
Huminga ako ng malalim . . Hinipan ang bangs ko at tinawag ko si Jayson .
"Jayson ! Sabihin mo nga sa 'kin kung totoong si Joseph Yoon ang nasa harap ko ngayon ? " tanong ko kay Jayson
" Uhhmm , Oo " sagot naman ni Jayson na parang nagtataka
" Kung siya nga . . Bakit parang hindi ? Pakisabihan na lang ako kapag bumalik na yung JOSEPH YOON na nakilala ko . Hindi kasi ako naniniwalang yung joseph yoon na nasa harap ko ngayon ay siya mismong si Joseph Yoon na HEAD ng LDSP . " sabi ko kay Jayson at naglakad na ko palabas ng LDSP
" Te-teka Toni, 'san ka pupunta ? " tanong ni Jayson sa 'kin
" Kahit saan . Pahiram motor " sabay suot ng helmet . Sabay HARUROT .
~PRESENT~
3rd person POV
Yun ang dahilan kung bakit sobrang bilis nang pagpapatakbo ni Toni ng motor . Hindi na nga niya alam kung gaano na kalayo ang natakbo ng motor sa inis . Nagsilbing STRESS RELIEVER ni Toni ang pagpapatakbo ng motor . Makaraan ang ilang minuto ng paghaharurot . . Nabawasan na ang bigat sa dibdib niya.So she decided na pabagalin na ang takbo niya at huminto sa isang park . . Para huminga at maglabas ng sama ng loob . Nang malapit na siya sa park . . pinindot na niya ang BREAK ng motor pero . . . AYAW NITONG HUMINTO . . AYAW GUMANA NG BREAK ! ! !
Toni's POV
Panginoong mahabagin! Ano pong nangyayari ?! ?! Kung kanina banas ako ngayon kabado na ko ! ! Waaaaaaa . . . Ang bilis pa din ng takbo ! ? Ano'ng gagawin ko ? ! Sa bilis ng pangyayari, wala na atang gumaganang neutron sa utak ko, para makapag-isip ng idea para maligtas ang buhay ko ! ! Waaaaaaa . . .
Niliko ko ang motor nagbabakasakaling hindi na ko makakadisgrasya pa ng tao .
Nang biglang may isang sasakyan going the opposite way ng motor at . . . . . .
BOOM ! BLAG ! KLASH ! WOOOSH !
At tumalsik ako mula sa motor papalayo. Pinagkaguluhan ng mga tao sa paligid at isang lalaki ang nasa tapat na halos kadikit na mukha ko ang nagsasalita at nakatitig sa 'kin . . Hindi ko siya marinig at dahil na din sa windshield ng helmet na suot ko kaya hindi ko siya masyadong makita .
Pagkatapos . . Pagkatapos . . .
- BLACKOUT -
-END OF CHAPTER :) -
A/N
*May klasmayt ako nagsabing gusto niya 'to basahin kaso hindi pa tapos at wala pang UD ni 1st chap . So i decided na i-update na ^^ , Kahit hindi ko pa tapos yung draft :P pero yung plot tapos na .
Salamat nga pala sa pagbabasa READER :) Salamat sa taym ! ^_^
Sana mag-comment ka din kung ano opinyon mo , that's fine and better for me !
Continue reading STOLEN KISSES ^_^ (SK)
- BlueBolpen :)

BINABASA MO ANG
Stolen Kisses
FanfictionAng pag - ibig nga naman , hindi INAASAHAN . Sa isang taong hindi pa kaaka - akalang MAMAHALIN mo ng lubusan . Sa LOVE dadating talaga yung panahon na kahit sino ka pa . Kahit gaano ka pa kataas sa buhay , magpapakababa ka , magpapakabaliw para lang...