TONI’s POV
“Miss. Miss. ”
“Ah . Sir !Ano po ulit yung order niyo ?”
“Dalawang hotdog sandwich at dalawang softdrinks”
“Ok po ! Pasensya na po sir sa delay” . Andito ako at nagta-trabaho sa isang hotdog stand. PART TIME JOB ulit . Pagkatapos nung nangyari last week, bumalik ulit ako sa pag-pa-part time job.
Lagi akong kinukulit nila Jason at Joseph kung bakit ko pinakawalan ang isang magandang oppurtunity pero hindi ko sila sinasagot ng matino . Ayoko na kasing pag-usapan .Ayoko na rin pagudin ang utak ko sa kakaisip kung sino na ba ang nag-recommend sa ‘kin para sa trabahong iyon.
“Sir ito na po yung order niyo . 156 po lahat”
“Thank You ito yung bayad oh”
“Ok po sir . Thank You and Come again” . Napaupo ako bigla dun sa may upuan sa may tabi . Ewan ko pero bigla akong nanlambot . Kaninang umaga ko pa hindi gusto yung pakiramdam ng katawan ko. Paggising ko kanina mula sa 3 oras ng tulog mula sa isa pang part time job ko sa isa namang bistro, ang sakit ng ulo ko at likod . Pagod siguro , pero kaya ko pa naman eh.
“Toni . Ayos ka lang ba ?” tanong ni Gail , kasamahan ko dito sa Hotdog Stand
Tumango lang ako at nagbigay ng isang medyo awkward na ngiti .
“Ayos lang kung umuwi ka na para magpahinga. Masyado mo na atang sinasadista ang sarili mo eh. ”
“Hindi . Hindi ah . Kaya ko pa”
“Di ba may scholarship naman yung kapatid mong si Christian ? May trabaho din naman si Sheena. Bakit ka nagpapakasubsob sa pagtatrabaho ?” tanong ni Gail . . Medyo close kasi kami niyan kaya may mga alam na siya sa buhay ko .
Pero . Bakit ? Bakit nga ba ako nagpapakapagod ? Para mapatunayan kay YABANG na kaya kong kumita ng PERA ? .... hindi . . para matulungan si Joseph at buong LDSP . Kapag nakalikom ako ng sapat na pera , malaking tulong yun para matampal kay Mr.Chong Go yung perang hinihingi niya sa LDSP , oo tama . Yun nga ang dahilan . Yun nga....
“Gusto ko kasi matulungan ang LDSP ---” hindi ko napagpatuloy ang pagsasalita kasi bigla akong naubo , yung ubong wagas. Hinimas himas naman ni Gail yung likod ko at binigyan ako ng tubig.
“Hala ka ! Toni ! Ang init mo oh ! ” sabi niya ng mahawakan niya ko sa noo. “Umuwi ka na . Ako ng bahala dito ok ? Sige na . Umuwi ka na at magpahinga.” Sabi niya sa ‘kin halatang nag-a-alala siya.
Tumango lang ako . Pagkatapos kong kuhanin ang mga gamit ko , umalis na nga ako.
Pagbukas ko ng cellphone ko , nag-text yung manager ng bistro. 5:00 pm pa lang ngayon at ang pasok ko sa bistro ay 7:30 pm pa . Pwede pa nga akong magpahinga kahit papano. Kaso nung binuksan ko yung text nung Manager . . Napilitan akong pumunta sa bistro . Kailangan eh . I-do-DOUBLE PAY na lang daw niya ko sa araw na ‘to basta daw pumunta lang ako ng maaga , kinulang sila sa waitress dahil may mga absent daw na ilan .
Mga 1:30 ng umaga, pauwi na ako .
Medyo masama na ang pakiramdam ko ngayon , umiikot na kasi ang paligid ko . Nahihilo ako... Nilakad ko ang daan pauwi , kahit na medyo hindi malinaw ang pagtingin ko sa daan . . RED LIGHT na yung nasa STOP LIGHT . .
TATAWID na ko . . .
“BEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEP” naaninag ko ang ilaw ng isang sasakyang papalapit sa ‘kin , napapikit ako at kinabahan ng husto . . Dinilat ko ang mga mata ko at yakap-yakap ako ng isang tao , niligtas niya ata ako mula sa pagkakasagasa . .
“*MURMURMURMUR*” hindi ko maintindihan yung sinasabi niya , hindi din malinaw ang tingin ko sa kanya . Umiikot ang buong paligid.
At. . .
BLACK OUT
“Hmmm . . . ” nakita ko yung unan ko sa tabi ko . .
Bumangon ako at biglang sumakit yung ulo ko . . Nabigla ata sa bigla kong paggising .
Hindi ko matandaan kung pa’no ako nakauwi . Basta muntik na ata akong masagasaan tapos . . tapos may nagligtas sa ‘kin kaso di ko matandaan ang itsura niya . May sinasabi din siya sa ‘kin nung mga oras na yun kaso hindi ko maintindihan at marinig .
Yung taong yun kaya ang naghatid sa ‘kin dito pauwi ?
Lumabas ako ng kwarto at wala na si Sheena , pumasok na rin sa iskwelahan si Christian . Nakita ko yung wall clock . . 10:30 . . 10:30 na pala . . 10:30 am na . 10:30 na !? ?!? ?! ?? ?!?
Napabalikwas ako ng takbo para kunin yung tuwalya ko at para maligo dahil 10:30 na ! Ang pasok ko sa LDSP ngayong araw ay 10:00 am ! ! ! ! Late na late na ko ! ! ! >_<
Habang naliligo , naramdaman kong medyo humapdi yung bandang kanang paa ko pero di ko pinansin kung bakit dahil nagmamadali na nga ako !
Mabilis akong nagsuot ng damit at lumabas ng bahay .
Pagkatapak ko sa labas ng pinto ng bahay . .
Bumungad sa ‘kin ang tatlong lalaking naka-tuxedo at naka-shades na itim , yung mala –agent yung itsura at isang porsche na sasakyang itim .
Hindi ko sila pinansin at naglakad lang palayo kaso hinarangan nila ang dadaanan ko .
“SINO BA ‘TONG MGA TO ? WALA NAMAN AKO SA ISANG KOREANOVELA O ANO MANG ISTORYA PARA MYA MGA BIGLA-BIGLA NA LANG LALABAS NA MGA GANITONG URI NG CHARACTERS EH ! ”
A/N
Hi READER ! J Salamat ulit sa pagbabasa mo sa chap na ‘to . Ni-review ko yung last chap ng SK kaso , nganga ako , andaeng typos , sana maintindihan mo pa din kahit ganun :/ sensya na ah ! Medyo nagmamadali kasi ako nun eh . May taxi kasi sa labas hehehe . Medyo maiksi lang ang chap na ‘to ah . Wala lang may mga tuxedo man lang sa labas ng bahay nina Toni . Yun lang hehehe .
Sa susunod ulit !
= BLUEBOLPEN
BINABASA MO ANG
Stolen Kisses
FanfictionAng pag - ibig nga naman , hindi INAASAHAN . Sa isang taong hindi pa kaaka - akalang MAMAHALIN mo ng lubusan . Sa LOVE dadating talaga yung panahon na kahit sino ka pa . Kahit gaano ka pa kataas sa buhay , magpapakababa ka , magpapakabaliw para lang...