Prologue

1.5K 77 4
                                    

"Bakit kasi hindi ka pa pumasok sa trabaho kong ito? Mas malaki ang kikitain mo rito kumpara sa pagiging waitress mo lang dito sa bar Charlie." Pangungumbinsi sa akin ni Red. Kaklase ko siya at kagaya ko ay hindi rin pinalad sa buhay. Kagaya ko ay ulila na rin siya at siya na lamang ang bumubuhay sa kaniyang sarili. Kung sa iba ay lubos-lubos ang biyayang natatanggap sa amin naman ay kakarampot lamang. Para kaming nangangalakal sa basurahan ng biyaya. Ang hirap hanapin.

"Gusto mo i-try? Isang beses lang. Kahit ngayong gabi lang. Tapos kung ayaw mo ay pwede ka namang umalis at magwaitress nalang." Tinignan ko lamang siya. Sa totoo lang ay matagal na niyang sinasabi sa akin ang tungkol sa bagay na ito. Ang hirap isipin na ibebenta mo ang sarili mo para lang kumita ng pera. Tinalo mo pa ang karne sa palengke.

Sabay kaming pumasok ni Red sa trabahong ito. Noong una ay waitress lamang ito ngunit nang tumagal ay napapayag siyang magentertain nang iba't ibang klase ng tao. One night stand, sex, at kung swineserte ay binabalik-balikan. Dahil doon ay marami na ring napundar si Red at kung minsan ay inililibre ako nito at nireregaluhan ng kung ano-ano. Minsan ay naiisip ko na ring pumasok sa ganon.

Napalunok ako at napaisip sa sinasabi ni Red. Para bang may nagtutulak sa akin ngayon na gawin ang bagay na iyon. Bukod sa kinakabahan ako ron ay kinakabahan din ako dahil wala pa akong karanasan sa sex na iyan. Hindi ko mawari kung bakit adik na adik sila roon.

"Ano?" Huminga akong malalim at tumango. Malapit na rin ang second sem at wala pa akong maibabayad sa tuition fee ko. Kailangan kong dumoble sa kayod pero kahit magovertime ako rito ay hindi ko pa rin mababayaran ang tuition fee ko.

"Talaga? Talagang-talaga?" Tumango ako muli at napakagat sa labi.

Sa tinagal-tagal nang panahon na inalok ako ni Red ay ngayon lang ata ako nito napapayag. Hindi ko na rin talaga alam kung paano ako magbabayad ng tuition. Ayoko namang kung kailan malapit na akong makapagtapos ay doon pa ako magkakaproblema.

"Huwag kang mag-alala. Wala namang mawawala sayo kumpara sa akin. Sa dami ng lalaking nakatikim sa akin ay hindi ko na ata maalalang babae ako." Napatingin naman ako sa kaniya. Bakas sa mga mata nito ang luhang gustong kumawala. Tila wala naman kasing pagpipilian ang isang katulad naming dukha kundi kunin ang bawat oportunidad na lalapit sa amin. Kahit ilang trabaho o raket ata ang pasukan namin ay kulang pa para sa buwan-buwan na gastusin namin.

"Oh siya, maiwan na kita riyan. Kakausapin ko muna ang manager natin tungkol sayo. Para bago pa ang out natin ay makakuha ka na ng customer mo. Galingan mo! Pahiyawin mo ang babaeng ikakama mo." Saka ako nito kinindatan.

Kakaiba rin itong si Red. Inayos ko na ang maskara ko at muling nagserve ng alak sa ibang table.

Napapalatak na lamang ako habang tinitignan ang ilan sa mga customer namin. Halata kasing may kaya ang mga ito kaya naman napakaraming babae ang tinitable. Kahit ata kolehiyong mga estudyante ay naririto at makikita mong nakikipagmake out sa tabi-tabi.

Bigla na lamang akong nagulat nang may bumangga sa likod ko. Kaya naman nawala ako sa balanse at natapon ko ang iba't ibang inumin sa malapit na grupo.

"Oh my gosh!" Reklamo ng isang babae kaya napatingin ako sa kaniya. Ang bumangga sa akin ay hindi ko na nakita kung sino. Sa dami ba naman ng tao rito. Tsk.

"I'm sorry ma'am." Kumuha ako agad ng tissue upang punasan siya ngunit agad ding napaatras nang makitang sa cleavage pala nito natapon ang drinks.

Bigla naman sumulpot ang manager namin at sinenyasan akong umalis na. Phew.

Our Little SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon