Maaga akong gumising ngayong araw dahil ngayon ang unang araw ng huling semestre namin. Sa dami ng pagbebreakdown ko dahil sa tambak na plates namin mula first year hanggang ngayon ay sa wakas malapit na rin akong makapagtapos.
Worth it kahit papaano ang sleepless night ko at ang pagkakayod kabayo. Napakahirap para sa akin na mag-aral at the same time ay magtrabaho. Napakahirap mag-time management ngunit kinaya ko dahil para sa akin din ito.
Kahit ata anong aga ko ay malilate pa rin ako. Napatingin ako sa orasang pambisig ko at trenta minutos nalang ay 8 a.m na ngunit heto at pumipila pa rin ako rito sa jeep. Kanina pa ako rito ngunit ang daming pasahero at wala pa ang ibang jeep. Gusto ko nalang magmura nonstop. Ngunit bago pa ako mainis nang tuluyan ay may dumating na muling isa pang jeep kaya naman sumakay na kami. Muntik pa akong mawalan ng upuan pero ipinagsiksikan ko nalang ang aking sarili sa maliit na jeep.
Abala ako sa pagkakalkal ng baryang ipambabayad ko sa jeep nang makaamoy ako nang hindi kanais-nais na amoy. Parang nananampal kaya naman napatingin ako sa katabi ko. Nakataas ang kamay nito at nakahawak sa hawakan at napakalapit ng kili-kili nito sa pagmumukha ko. Gusto ko nalang mahimatay sa amoy imburnal niyang kili-kili. Napakaaga pa pero pang-uwian na ang kili-kili ni kuya mo. Gwapo na sana pero may putok lang. Ipinagdarasal kong makarating ako sa campus na buhay at hindi sumusuka.
Pasimple kong itinakip ang panyo sa aking ilong at inabot ang bayad. Hindi pa gaanong nakakalayo ang jeep ay para bang gusto ko nalang bumaba.
"Magpapagasolina muna tayo." Sigaw ng driver na halos ikalupasay ko. What the fuck? Bakit ngayon pa? Bukod sa nagmamadali ako ay tila nagmamadali rin ang katabi kong patayin ako sa amoy ng kili-kili niya.
Napatingin na naman ako sa relong pambisig ko na nabili ko lang sa bangketa sa murang halaga. Sampong minuto nalang ay alas otso na. Mukhang tatakbuhin ko pa ang papunta sa room namin. Sa ikatlong palapag pa iyon jusko. Paano ako tatakbo nang mabilis kung hilong-hilo ako at tila ba magkakahangover ako na wala man lang iniinom.
"Kuya matagal pa po ba? Late na kami!" Anang isang pasahero na sa tingin ko ay nagmamadali rin katulad ko.
"Hindi ko hawak ang gasolinahang ito hija. May nakapila pa oh." Sagot naman ni manong.
Kung pwede lang na bumaba na at maglakad nalang ay ginawa ko na ngunit malayo-layo pa ako sa eskuwelahan. Mas lalo lang akong malilate. Nauubusan na ako ng pasensiya. Mabuti na lamang ay umandar na rin ang jeep pagkaraang ng limang minuto. Malilate na talaga ako kaya tinext ko nalang si Red na sabihing late ako.
Bago pa man ako tuluyang masuka ay nakababa na ako ng jeep. Agad akong dumiretso sa CR dahil ano mang oras ay lalabas na lahat ng kinain ko kaninang umaga. Kung bakit ba naman kasi sa dinami-rami ng makakatabi ko ay may putok pa.
Para akong lantang gulay na naglalakad sa hagdan dahil sa labis na pagkahilo. Gusto ko mang magmadali ay late na rin naman ako ng sampong minuto. Pagkarating ko sa third floor ay agad na akong dumiretso sa aming klase. Ako nalang nag-iisang naglalakad dito. Hayst.
Pagkapasok ko sa room ay pinagtinginan pa ako ng mga kaklase ko ngunit hindi na sila nagulat pa dahil madalas naman talaga akong nalilate. Hindi dahil tamad akong bumangon ng maaga kundi dahil sa letseng jeep. Si Red kasi kung minsan ay nakikisabay sa kapitbahay nilang may tricycle at nagtitinda sa bayan malapit dito sa campus kaya naman maaga itong nakakarating kung minsan.
"You!" Biglang sigaw sa akin ng prof kaya napatingin ako. Biglang bumalik lahat ng kulay sa namumutla kong balat nang makita ko kung sino ang nasa harapan. Natigilan pa ito ng panandalian nang makita ako ngunit agad ding nakabawi.
"Students who arrive late to my class are what I detest the most." Maawtoridad nitong sabi. Hindi ko alam na professor pala ang babaeng ito.
"I'm sorry." Ramdam ko ang titig sa akin ngayon ng mga kaklase ko ngunit mas malala ang titig ni Red at tila nanunudyo.
BINABASA MO ANG
Our Little Secret
Roman d'amourHindi lahat ng tao ay binibiyayaan ng marangyang buhay. Kung ang iba ay kayang lustayin ang kanilang pera sa mga bagay na gusto lang nila, ang iba naman ay hindi. Kagaya na lamang ni Charlie. Kahit piso ay kaniyang itinatabi dahil hindi naman siya l...