Chapter 2

790 75 7
                                    

"Kumusta pala iyong kagabi? Ang ganda nong babaeng naikama mo ah." Anang Red. Tinapik ko pa ito dahil baka may makarinig sa amin.

Kakatapos lang naming magbayad ng tuition at palabas na rin kami ng campus ngunit sa laki nito ay aabutin pa kami nang bente minuto bago tuluyang makalabas. Pababa pa lang kami ng hagdan at halos mapagod na ako. Ramdam ko pa ang sakit ng katawan ko sa nangyare kagabi pero heto at pinipilit makababa sa hagdan.

"Napakaingay mo. Mamaya ay may makarinig sa atin. Mamaya ay kung ano pang sabihin at isipin nila." Suway ko rito.

Ngayon ko lamang naisip na may posibilidad na malantad pala na may iba kaming ginagawa sa buhay. Ayoko namang masira ang pangalan ko at baka mamaya ay mapatalsik pa ako sa eskuwelahang ito kapag nagkataon. Ramdam ko tuloy ang kaba sa aking dibdib.

"Sa tagal kong nagtratrabaho sa kalakalan na iyon hindi pa naman ako nalantad. Basta't waiter ka sa bar na iyon ay hindi ka malalantad. Maaari mo namang sabihing iyon lang ang ginagawa mo ron." Pagkukumbinsi pa nito sa akin.

"Kinakabahan lang ako."

"So? How was it?" Muling pangungulit nito.

"Well, noong una ay kinakabahan ako. Pero kalaunan ay nawala rin ang kaba ko. Kaninang umaga nga habang naliligo ay naiisip ko ang babaeng iyon." Sagot ko sa tanong niyang paulit-ulit at tila walang balak na tantanan ako sa tanong na iyon.

"Ganyan din ako noon. Pero wala ee. Ang laki rin ng bigayan. Noong una sabi ko isang beses lang dahil pinakiusapan ako ni Bree at dahil sa laki ng kikitain ko ay pumayag din ako. Pero tignan mo naman ngayon. Ilang lalaki na ang nakatikim sa akin. Ilang espada na ang nakita ko at isinubo para lang kumita ng pera." Napatingin muli ako sa mga tao.

"Kailan mo ba balak huminto sa trabahong iyan?" Tanong ko.

"Sa totoo lang hindi ko alam. Siguro kapag nakapagtapos na ako at nakahanap ng magandang trabaho bakit hindi? Hindi ko naman ninanais na manatili sa maduming trabaho na katulad nito. Pwede ring kung may sasalba sa akin mula sa pagiging pokpok pero napakalabo na non gayong madumi na akong babae." Nalungkot naman ako sa huling sinabi nito. Halata naman kasing hindi siya masaya sa pinasok niyang trabaho at ginagawa niya lang ito upang mabuhay.

"Hindi naman siguro iyon basehan. May magmamahal pa rin naman siguro sayo kahit na ganon. Hindi mo naman ginusto. Sadyang wala ka lang choice." Pagpapalubag loob ko rito.

"Ikaw? Tutuloy ka pa ba? Naiisip ko kagabi na sana hindi nalang din kita inaya. Ayokong magaya ka sakin."

"Kailangan ko lang din talaga ng pera. Hindi sa pangaaya mo kaya ako pumayag. Tignan mo nga at naningil na kanina si aling Dolores. Ang aga-aga pero kumatok na agad sa pinto ko." Hingal kong sabi dahil sa wakas ay wala na kami sa hagdan. Ang daming estudyante ngayong araw.

Minsan ay kinaiinggitan ko pa ang ilan dahil halata naman sa kanilang mga kasuotan na mayaman sila. Totoo naman. Halos lahat ng estudyante na nag-aaral dito ay may kaya. Ang ilan nga ay nakakotse pa kaya hindi nalilate. Samantalang kami ay nagjijeep lang.

Bigla namang may nahagip ang mga mata ko. Isang babaeng nakaputing dress at pasakay sa kotse. Kumalabog pa ang puso ko dahil mukhang siya iyong babae kagabi. Kinusot ko pa ang mata ko upang masiguro ngunit nakasakay na ito sa kotse niya.

"Ano 'yon?"

"Wala. May nakita lang ako. Namalikmata lang siguro."

Ilang araw na rin ang nagdaan at todo kayod pa rin ako bago magpasukan. Sa susunod na linggo ay umpisa na ulit ng klase.

"Kanina ka pa hindi mapakali. I mean ilang araw na. Inaabangan mo iyong magandang babae na nakaone night stand mo noh?" Tanong ni Red.

"Gago! Bakit ko naman aabangan?" Pagtanggi ko. Ang totoo niyan ay inaabangan ko talaga ito. Hindi ko alam kung bakit. Paulit-ulit siyang nagpapakita sa panaginip ko at madalas lumutang ang utak ko at siya ang naiisip ko.

Our Little SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon