Kakatapos ko lamang magserve ng drinks kaya pumunta muna ako rito sa likod para magpahangin. Walang gaanong tao rito. Hindi kagaya sa loob. Pagod na pagod na ang katawan ko at napakasakit na ng katawan ko. Kayod kalabaw para sa nahuhuling semestre ko. Gragraduate na rin ako. Kaunti nalang.
Napatingin ako sa langit at napakaaliwalas non. Ang mga bituwin ay tila kumikindat sa akin. Hindi ko na namalayan na tumutulo na pala ang aking mga luha.
"Ma, pa, kaunti nalang magkakaroon na kayo ng anak na engineer. Pagod na pagod na ako pero ayokong sumuko. Nangako ako na magkakaroon tayo ng malaking bahay hindi ba? Tutuparin ko iyon kahit wala na kayo." Pinunasan ko ang luha ko at muling ngumiti.
Pumasok na rin ako at muling nagserve ng drinks.
"Hey! Miss, may available ba kayong lalaki rito?" Tanong sa akin ng isang babae. She's wearing a black satin dress. Maganda ito at mukhang artistahin ang dating. Mukhang mayaman dahil sa mga suot nitong alahas.
Tatatlo lamang sila sa table na ito pero kanina pa sila umiinom. Tinignan ko pa ang dalawang kasama niya. Lahat sila ay magaganda. Ang isa sa kanila ay tila lasing na. Napakaganda niya at hindi ko maitatanggi na sa kanilang tatlo ay siya ang pinakamaganda.
"Miss?" Hindi ko ito nasagot agad ngunit bigla na lamang dumating si Red at siya na ang nakipag-usap sa babaeng kumakausap sa akin. Hindi ko marinig ang kanilang usapan at napako na ang tingin ko sa babaeng kaunti nalang ay parang mawawalan na nang ulirat.
Bigla akong hinila ni Red kaya naman napasunod nalang ako. Ipinunta niya ako sa dressing room at nandoon ang manager namin maging ang iba pang mga babaeng nagpaparenta para sa isang gabing kasiyahan.
"Bakit mo ako dinala rito?" Tanong ko kay Red.
"Tsk! May unang customer ka na." Bulong nito sa akin kaya agad na umakyat ang kaba ko mula talampakan paakyat.
"Manager! Isa lang at susubok muna ang bata ko." Pakiusap ni Red sa manager namin na si Bree. Napatingin pa ito taas baba sa akin.
"Marunong ka ba? Nasabi mo ba sa customer Red na hindi iyan lalake pero may espada?" Tanong nito.
"Oo naman manager! Naghahantay na nga oh! At may paunang bayad na. Iwinagayway pa nito ang libo-libong pera." Inakbayan pa ni Red si Bree. Mabait si Bree at naging kaibigan na rin namin siya. Sa limang taon ba naman naming pagtatrabaho rito. Malaki rin ang tiwala niya sa amin kaya naman hindi na rin kami umaalis. Kahit papaano ay maayos naman ito magpasahod at kung minsan ay nauutangan pa namin.
"Oh siya! Alisin mo nalang iyang apron at maskara mo at umakyat ka na sa room niyo. Ikaw na maghatid Red. Walang atrasan dahil nakuha ka na." Tumango nalang ako. Umakyat na kami sa third floor. Ito pa lamang ang unang beses na makakapunta ako roon. Sa second floor kasi ay mga VIP rooms para sa mga bisita na gusto ng privacy. At sa third floor naman ay ang kalakalan ng katawan.
"R-Red, baka hindi ko kayanin."
"Nabayaran ka na Charlie kaya hindi ka na pwedeng umatras. Oh dito ka na." Binuksan nito ang pinto at hindi ko makita kung sino ang tao sa loob dahil malawak naman ang kwarto at ang kama ay hindi agad bumubungad. Para lang siyang kwarto ng mga sosyal na tao. Para bang ginawa talagang bahay ang style.
"Pasok na." Itinulak pa ako ni Red sa loob.
"Good luck!" Kinindatan pa ako nito at isinarado na ang pinto. Mas lalo akong nilamig dahil sa hangin na lumalabas sa aircon. Parang gusto ko nalang magsisi.
"W-What are you doing there?" Nagulat ako sa nagsalita kaya pumasok pa ako lalo. Tumambad sa akin ang babae kanina na para bang mawawalan na ng ulirat dahil sa mga alak na ininom. Nakahiga na ito ngayon sa kama at nakatingin sa akin.
BINABASA MO ANG
Our Little Secret
RomanceHindi lahat ng tao ay binibiyayaan ng marangyang buhay. Kung ang iba ay kayang lustayin ang kanilang pera sa mga bagay na gusto lang nila, ang iba naman ay hindi. Kagaya na lamang ni Charlie. Kahit piso ay kaniyang itinatabi dahil hindi naman siya l...