Iruwa's POV.
It's You
Dala-dala ang aking mga gamit galing sa locker pati na ang mga papers na galing kay sir Tazuri habang nakaupo sa loob ng bus.
Ilang sandali din akong nakatitig sa picture na nakuha ko kay sir Tazuri.Kung ganun sa tulay na ito nangyari 'yun.
"Sobrang lalim siguro ng iniisip mo"
Napalingon ako kung sino ang biglang nagsalita sa aking tabi.Tumama ang aking paningin sa maaamong mga mata at sa bahagyang nakangiting labi.
Nanatili akong nakatitig sa kanyang maanong mukha kahit nabahagya itong nahaharangan ng ilang hibla ng buhok.
"Azumi.." hindi ko napigilan ang pagtulo ng aking luha.
"Ayos ka lang ba Iruwa?" Para bang nabingi ako ng sandali.
Bakit hanggang ngayon..hindi ko parin kilala kung sino ka ba talaga?
"Bakit? Anong ba ang nangyari sayo?" bakas sa boses niya ang pagkataranta. Saka lang ako natauhan.
"A-Allisa? P-pasensya na" at agad akong napatayo sa kinauupuan.
"Ayos lang. Umupo ka na" malumanay na wika nito sabay ngiti.
Bakit kamukha niya si Azumi? Bakit hindi na lang siya si Azumi?
"Huwag kang mag-alala, hindi mo naman ako natakot. Nagtaka lang ako kasi tinawag mo akong Azumi?"
Bakit hindi na lang si Azumi ang katabi ko ngayon?Nanatili lang akong nakatingin sa kanya dahil kahit saang banda ay kamukha niya talaga si Azumi. Agad akong tumango ng mapakalma ang sarili.
"Sa totoo lang sinandya ko talagang sumabay at tumabi sayo ngayon dahil dun sa inasal ko nung nakaraan. Pasensya ka na talaga" paliwanag nito at bahagya pang yumuko.
"D-Dapat ako nga ang humingi ng dispensa sayo kasi na-offend kita p-pati ngayon na tinawag kita sa ibang pangalan." Kung pwede lang kainin na ako ng lupa.
Wala naman akong balak na mag-iskandalo at umiyak na lang basta basta sa kung kani-kanino.
"Ahmm Iruwa? Kung sakali lang..b-baka lang may nakita kang mga bato. Siguro kasing laki lang ito ng sentimo o holen. Tatlo 'yun na ma-" putol ko ng ma-realized kung ano ang tinutukoy niya."Oo pero hindi ba naibigay ko na sa 'iyo kahapon?" Kunot noo kong tanong.
"Kahapon?" Tanong niya na parang naguguluhan.
"Oo. Hinintay mo pa nga ako sa unloading station 'diba? Tapos iniabot ko sayo pagkababa na pagkababa ko" paliwanag ko na dahilan para mas lalong kumunot ang noo niya habang nakatingin sa akin.
"Kahapon. May nakausap pa ng akaong matanda na ang sabi bulol daw iyon or lucky charm..na mag-ingat ka daw dahil hindi madali ang maging-" natigilan ako ng mas lalong rumehistro sa mukha niya ang pagkalito.
Imposibleng nasa akin pa iyon. Malinaw sa isip kong ibinigay ko iyon sa kanya.
"Ayos ka lang ba talaga?" Tanong nito na halatang walang ideya sa sinasabi ko. Mga tingin na palagi kong nakikita sa ibang tao, ang takot at ang pagkalito.
YOU ARE READING
One Way To Remember
FantasyOne Way To Remember Losing someone was not the best feeling to experience, and that is what makes Iruwa blame himself every day. For Iruwa, seeing her late sister in someone else body with a different personality makes him long for more answers on...