Chapter 7: Guardian

8 1 0
                                    

Iruwa's POV.

Guardian


"Maraming salamat po!" Paalam ko matapos matanggap ang bayad sa tomato paste na ginawa ko. Huling deliver na ito at uuwi na ako. Kailangan kong magmadali para habulin ang huling byahe ng bus papauwi sa amin.

Ang hirap kasing hanapin ang mga address ng bahay ng mga customer ko at medyo malalayo din kaya natagalan ako.

"Sana naabutan ko ang last trip."
Bulong ko sa isip ko habang hawak hawak ang mga bato. Keychain kaya ito?

At sa patatlong pagkakataon ay muli kong pinagmasdan ang mga batong hawak habang nakasakay sa bus.

Maliban sa mga simbolo na nakaukit dito ay may isa pa akong bagay na napansin. May bahagya hati ang isa sa mga bato.

May hati na ba ito kanina?

"Isa iyang anito, tama ba ako hijo?" Wika ng isang matandang babae sa harapan ko sabay turo sa bagay na hawak ko.

"Anito?" Naguguluhang kong sabi.

"Kung hindi ako nagkakamali parte yan ng ulo o bahagi ng anito o kung tawagin sa amin ay 'bu-lol'. Istatwang dinadasalan ng mga ninuno namin sa pagniniwalang nakakapagdala ito sa swerte sa kanilang mga ani at pangkabuhayan o kaya naman ay mga bantay at taga gabay sa mga ispiritu. Nakakamangha na ang isang batang katulad mo ay mahilig sa mga ganyan" nakangiti nitong sabi sabay turo sa bato.

"Kung ganun po..isa po itong lucky charm?" Kung tama ang pagkakaintindi ko sa mga sinabi ng ale.

"Parang ganun na nga maliban sa kailangan mong magdasal o mag-alay para sa pasasalamat. Bihira na lamang ang may ganyan. " tugon nito habang nakahawak sa baston nito.

"Bakit may ganito si Allisa?" Malakas kong sambit.

"Kung ganun ay hindi sa iyo ang bagay na iyan?" Tanong muli ng matanda.

"Opo. Bale sa kakilala ko po. Nahulog n'ya habang naglalakad. Nagkataong ako ang nakakita kaya ibabalik ko na rin po kinabukasan." Paliwanag ko.
Bahagya itong tumango sa mga sinabi ko.

"Kung gayun-"wika nito habang dahan dahang tumayo "-siyang sabihin mong mag-iingat sapagkat hindi biro ang maging tagapagbantay. Malamang pamana o ipinasa sa kanya ang mga bul-ol. Ganun na rin sa iyo hijo" at agad na itong naglakad at bumaba sa bus.

Sinundan ko ito ng tingin hanggang sa makababa. Bahagya pa itong lumingon at kumaway sa akin bago muling umandar ang sasakyan.

"Tagapagbantay? Ng ano?"
Hindi ko alam kung matatawa ako o kikilabutan sa mga narinig.

Para sa isang matandang katulad n'ya, hindi na bagay ang manakot ng mga bata o magsinungaling pero kung sasabihin ko kay Allisa, makakatawa kaya siya o matatakot?

Ewan ko basta nakakapagod ang araw na ito.. Pinoproblema ko ang isang ordinaryong keychain.

Ilang mituno pa ay malapit na akong bumaba. Itinago ko na ang keychain ni Allisa at tumayo na sa tapat ng pintuan para sa pagbukas nito.

Kahit na madilim na ang paligid ay nakikita ako ang pamilyar na pigura mula sa distansya.

Kung wala ako sa tamang kaisipian aakalaing kong muling nabuhay si Azumi dahil nakatayo si Allisa sa unloading station.

One Way To RememberWhere stories live. Discover now