Daiki's POV.
What's Your Plan?
-Ten Years Ago-
"Bakit ka ba umiiyak Troy?"
Ito pa lang ang unang beses na nakita ko siyang umiiyak. Umupo ako sa tabi niya habang nakalubog sa tubig ang aking mga paa. Umaagos pa ang tubig sa aking katawan dahil kakatapos ko lang maglangoy sa pool."You're not gonna believed it..tama nga ako. May other family si Dad." Bahagya pa nitong pinunasan ang pisnging basang basa habang nakatingin sa malinaw na tubig ng swimming pool.
Nakasabit parin sa leeg nito ang ginamit na gaggles.
Kung ganun tama nga ang mga pinag-uusapan ng mga ibang parents sa school namin.
Kahit si Mommy alam niya ang tungkol sa usap-usapan na may ibang pamilya ang tatay ni Troy at madalas na nakikipagkita ito sa anak nito sa labas. Ikinukwento niya iyon kay Daddy sa tuwing uuwi si Daddy galing work.
Hindi ko talaga alam kung anong sasabihin ko. Ano ba talagang sasabihin ko? May dapat ba akong sabihin?
Problemang pang matanda lang naman dapat iyon pero ano bang pumasok sa isip ni Troy at sinundan pa niya ang kanyang ama nung araw na 'yun.
"Sinungaling siya Daiki. Sabi niya love niya kami ni Mommy. Binilhan pa niya ng bulaklak si Mommy pagtapos niyang makipagkita sa anak niya" humahagulhol nitong sabi. Mabuti na lang at malayo ang mga ibang magulang ng mga batang nagte-training maglangoy at may kalakihan din ang pool area ng school kaya hindi gaanong dinig ang pag-iyak nito.
"Tunay ba na anak niya 'yung nakikitang kasama ng papa mo?" Napalingon ito sa akin dahil sa tanong ko.
"Oo. Narinig ko sila Daiki, tinawag pa niyang papa ang Daddy ko. Hindi ako bingi" Mariin niyang sabi.
"Kilala ka ba niya?"
"Hindi ako nagpakita sa kanila. Ayaw kong makita ang mga tulad ng babaeng iyon!"
"Pero kapatid mo din siya kung tutuosin?"
"Wala akong kapatid na basura Daiki. Naiintindihan mo ba 'yun?" Pasigaw nitong sabi dahilan para mapalingon ang ibang mga magulang na nagbabantay ng kanilang anak sa pool area.
"Okay." Kung tutuosin ate niya ang babaeng tinutukoy niyang iyon. Sabi ni mama mas matanda pa yung babae keysa kay Troy.
"Alam mo Daiki. Hindi ako papayag na agawin nila ang Daddy ko. Hindi pwedeng malaman ni Mommy na kabet lang siya ni Daddy." Halos mag-inusok na ang ilong nito sa sobrang galit.
Pamula pa noon ganito na talaga si Troy. Nagagalit kapag naaagawan o kaya hindi naiibigay ang gusto. Mabait si Troy, pero hindi niya gusto na may kahati sa mga bagay.
Siguro ganun talaga kapag- Oo nga pala..only child din ako. Hindi ko alam pero sigurado akong galit na galit siya sa kanyang ama ganun na rin sa ibang pamilya nito.
"Hindi ba nabanggit mo nung isang araw na pupunta kayo ng Daddy mo sa school na nasa labas ng city?"
"Oo..sana nga lang isama niya talaga ako. Madalas kasi trabaho lang ang ginagawa nun. Magbibigay lang siya ng scholarship at bibisita na din sa isang ka-work niya. Bakit?"
YOU ARE READING
One Way To Remember
FantasíaOne Way To Remember Losing someone was not the best feeling to experience, and that is what makes Iruwa blame himself every day. For Iruwa, seeing her late sister in someone else body with a different personality makes him long for more answers on...