Allisa's Origin
Third Person's POV.
"S-salamat.. hindi ko alam kung paano ka susuklian sa pagligtas mo sa amin." Umiiyak na wika ni Rika habang hawak ang batang babae sa kanyang mga braso.
Nanatili lamang siyang nakatingin sa labas ng kweba na kanyang pinanggalingan. Wala siyang ibang alam na pupuntahan o pwedeng pagtaguan. Hindi niya alam kung nakaalis na sa bitag o may nakakita na ba kay Mikowa sa gitna ng gubat. Ang inaalala na lamang niya ay ang kaligtasan nila habang nagpapalakas pa sina Rika at ang bata. Alam niyang hindi din sila ligtas habang nasa loob pa sila ng bayan.
Masyadong pagdudusa na ang naranasan ni Rika sa kamay ng mga taga bayan. Hindi niya akalaing tatlo na lima ang mga anak nito na bunga ng panghahalay sa kanya at tatlo sa mga ito ay kinuha at pinatay. Naiisip palang niya ay gusto niyang takbuhin ang lugar kung saan naiwan si Mikowa at ipaghiganti si Rika pero mas mahalaga ngayon ang kaligtasan ng mag-ina para sa kanya.
"Aiko.."humagulhol muli ang babae habang abala sa pagpapadede ng kanyang anak.
"Aiko?"
"Si Aiko ang isa ko pang anak na babae. Kasama ko siyang umalis sa bayan. Nagkahiwalay kami sa gitna ng gubat habang tumatakas. Hindi ko alam kung ayos lang ba siya ..paano kung nakuha na siya ng mga tagabayan? Paano kung sinaktan siya ng mga ito o.." napahagulhol muli ang babae habang naiisip kung ano ang pwedeng kahinatnan ng anak sa kamay ng mga tagabayan. "Hindi ko kayang mawalan muli ng anak Iruwa"
Mga katagang tumatak sa isip niya. Alam niyang narinig na niya ang mga salitang iyon. Narinig na niya ito mula sa kanyang ina. Noong araw na nasa hospital siya dahil sa kanyang sakit.
Iyon din ang maiituring niyang pinakamadilim na parte ng buhay niya. Nalaman na lamang niyang wala na ang kanyang kapatid mula sa humahagulhol na ina.
"Hindi ko kayang mawala ka pa sa akin Iruwa. Wala na si Azumi, hindi ko kayang mawalan pa ng anak Iruwa."
Hindi niya namalayan ang pagpatak ng luha s a kanyang mga mata. Iyon ang unang pagkakataong nakita niyang umiyak ang kanyang ina.
"Ipapangako ko po sa inyo na hahanapin ko si Aiko. Ibabalik ko siya sa inyo ng ligtas" pilit niyang pinalakas ang loob ng babae.
"Maganda siyang bata. May itim at puti siyang buhok. Sa kaliwa ang itim at sa kanan naman ang puti. Alam kong ibabalik mo siya sa akin Iruwa. Salamat" nakangiti nitong sabi habang walang tigil ang pagtulo ng luha.
"Paano po ba maiihinto ang lahat ng ito?"
"Iyan din ang tanong ko sa loob ng mahabang panahon. Kung alam ko lang ay matagal ko nang ginawa, sanay kasama ko pa ang mga anak ko, ang pamilya ko"
Isa lang ang naisip niya, ang sagot ay nasa mga tao sa bayan. Kung tunay man na sila ang nagsimula ng lahat ng ito, alam din dila kung paano ito tatapusin.
Ilang oras pa siyang nanatili sa loob ng kweba. Sinigurado niyang may sapat na liwanag at init ng apoy ang mga ito kahit sa gitna ng madilim na kweba.
Hindi na niya ginising ang natutulog na babae at umalis na. Alam niyang hindi lamang ang oras ang kalaban niya, maging ang mga tao sa buong baryo pero ang sayangin ang pagkakataon na makita si Aiko ay isang kapabayaan na niya.
YOU ARE READING
One Way To Remember
FantasyOne Way To Remember Losing someone was not the best feeling to experience, and that is what makes Iruwa blame himself every day. For Iruwa, seeing her late sister in someone else body with a different personality makes him long for more answers on...