Chapter 4

8 1 1
                                    

Lunch break.

papunta kaming tatlo nila Kelsi sa canteen. Tinanong ko narin kung ano ung special powers na sinasabi nila. Pero ang sagot lang lang nila ay "We dont know the full details about that powers. Naririnig lang namin sa kanila. Nakakacurious nga e kung ano nagagawa nun."

So, yeah. Wala pa rin akong alam about that.

Sa ngayon, nakapila kami para bumili ng food. Nang tapos na sila, pinauna ko na sila sa  mesa para hndi kami maubusan.

"ate pabili po yun,yun saka yun. Pati tubig po. "

pakatapos ko mabili un. Binitbit ko na ung tray papunta sa mesa namin. Nang sa di inaasahang pagkakataon ay may tumakbo at nabangga ako at sa di inaasahang pagkakataon ulet, tumalsik ung tray ko at matatapon sakin. Pero bago ako matapunan, naunahan ko ng ifreeze un sa taas para di tuluyang tumapon sakin un.

"hoy! Magingat ka naman! alam mong canteen to tas tumatakbo ka!" napatigil naman sya sa pagtakbo at lumingon sakin ng kunot ang noo. Dahan dahan syang lumapit sakin.

"Hindi mo ba ako kilala?"

"kilala kita! ikaw si Gerald Bolton! At narinig ko na ikaw ang may pinaka malakas na power dito." sabi ko sakanya habang medyo kinakabahan pero syempre di ko pinahalata.

"oh! Alam mo pala! kaya kung ayaw mong maging abo ngayon, wag mo akong sigaw sigawan. Stupid!"

Ginagalit talaga ako neto!

"hah! Hindi porket ikaw ang pinakamalakas dito, kailangan mo ng magyabang! At ako lang ang may karapatang magsabi ng stupid sa sarili ko! Saka hindi ka ba marunong magsorry?! tingnan mo muntik na akong matapunan!"

at mukhang nagalit ko na talaga sya at naglabas na siya ng fire ball sa mga palad nya. Hala! gagawin nya talaga akong abo? I cant believe this! At sa dami ng taong nanonood sa eksena namin, wala man lang gustong tumulong sakin! Pumikit nalang ako ng madiin at hinihintay ang kamatayan ko.

"Woah!"

"Ano nangyayari??"

yan ang mga naririnig kong mga bulungan kaya naman napadilat ako. Humihina ung apoy sa palad nya at parang hndi sya makapaniwala. Anong nangyayari?

At tuluyan na ngang nawala ang mga apoy sa palad nya. At lumapit sya sakin.

"pasalamat ka at lagi kang sineswerte pag gagawin na kitang abo." At tuluyan na syang umalis.

Nagshrug nalang ako at dun sa sinabi nya at dumeretso nalang sa mesa namin.

"huy! Gumawa kapa ng eksena dun!" sabi ni kelsi.

"e sya naman nauna eh!"

nagshrug nalang silang dalawa.

pakatapos namin kumain, pumunta na kami sa classroom namin. At maya maya lang ay dumating na ang teacher namin at nagdiscuss na sya.

Pero di ako maka concentrate dahil iniisip ko ung pagwala ng apoy sa kamay niya. pano kaya nangyari un? Ang dami talagang kaechosan dito sa academy na to. Ang creepy na nga e!

Magical LoveWhere stories live. Discover now