Story 5

1 0 0
                                    

Color: Orange

Word: Soul

Thing: Cellphone

It was a fine day, I guess. Iyan ang nasa isip ni Nate ng biglang bumukas ang pinto ng kanyang condo.

"I've been calling you since morning, love. Pero hindi ka sumasagot." Sabi ng babae habang papalapit kay Nate.

"I'm sorry, I was preparing for our dinner kasi kanina pa I don't know how to cook, you know that love" balik ni Nate sa kanya. Nang makalapit ang babae ay agad siya nitong niyakap at tumawa ng mahina.

"I told you, ako na lang kasi magluluto eh"

"Pero love, I promised right? Ako ang magluluto, ako na ang magluluto from now on" ngumiti si Nate sa kanyang kasintahan ngunit may luhang tumutulo sa kanyang mga pinge.

"Love, you don't have too naman eh. I'm here, I can cook for you." Binigyan siya nitong ng matamis na ngiti.

"I know its just, I promise this to you.. for us. I hate to break my promises." Kahit tila hindi na mahagilap ni Nate kung saan pa siya kukuha ng lakas para magsalita ay nasabi niya pa iyon sa kanyang kausap.

"If you insist so.. but look at your hands oh. Puro ka na sugat. Ang lalim ng mga cuts mo rito" turo nito sa kanan niyang kamay na puro hiwa dahil halos ilang linggo niya na ring inaaral ang putaheng adobo na gustong gusto ng babaeng kausap niya ngayon.

"I'm learning to cook adobo kasi Love, you love that right?" saad ni Nate at lumapit sa lababo para maghugas ng mga kamay niya. Kumirot ang mga sugat niya pero ininda niya iyon at muling humarap sa kausap.

"Really? That's my favorite. Thank you, Love. Excited na ako matikman luto mo." Isang napakatamis na ngiti ang bigay nito na mas lalong nakapagpaagos ng luha ni Nate.

"I wish I could... I wish we could cook together.. dine together... again Love."

Hindi na napigilan ni Nate at napasandal na lamang ang kanyang likod sa ref at siyang sumuporta sa kanya para muling titigan ang imaheng nasa harap niya.

"Love... I miss you."

Isang tunog mula sa telepono ang nakapagpagaw ng pansin ni Nate.

"Mom

Anak, are you going to Amy? Its her death anniversary. I hope you can make it."

I can't Mom, I am with her.

for creative juicesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon