Capítulo Tres

5.3K 368 178
                                    

"I could not tell you if I loved you the first moment I saw you, or if it was the second or third or fourth. But I remember the first moment I looked at you walking toward me and realized that somehow the rest of the world seemed to vanish when I was with you."


Aiyan POV


Ano daw?

Nalilitong napatitig ako sa maganda niyang mukha. Kung ganito palagi ang makikita ko sa tuwing umaga ay tiyak na magiging worthwhile ang pagtakas ko sa Branson's manor. Kahit pa siguro salubungin ako ni tito Martin ng sangkaterbang sermon ay hindi na ito ang pakikinggan ko kundi ang kaba ngayon sa dibdib ko.

"I'm asking you." Narinig kong sabi niya pero tila hindi ko siya naiintindihan. "Why? Did the cat eat your tongue?"

Wala sa sariling natawa ako. Wala nga rin yata sa sarili na nakalapit na pala ako sa kanya kanina at napatulala.

"Ikaw naman, kakikita pa lang natin, tongue na agad ang pinag-uusapan?" Makahulugang biro ko.

Pero mas lalo yata itong nagpakunot-noo sa kanya.

Ano ba kasi 'yong tinatanong niya? Wala naman kasi akong naintindihan sa mga sinabi niya kanina. Napadako ang tingin ko sa hawak niyang tasa ng kape.

Ah... baka tinatanong niya ako kung nagkape na ako at nag-breakfast. Ang sweet naman ng magiging amo ko!

"Nagkape na ako." Sagot ko. "Tsaka nag-agahan." Pagkatapos ay ngumisi ako sa kanya. "Tinapay at tsaka..." Inisip ko kung ano 'yong kinain namin kanina sa bahay nina lolo Andres. Doon kasi ako nag-almusal dahil madilim pa lang ay umalis na ako sa manor. "Pancit?" Hindi siguradong dugtong ko.

Ah basta, pancit 'yon. 'Yong tuyong-tuyo ang luto na pinakuluan lang nila tapos may inilagay na ewan pagkatapos ginawang palaman sa tinapay. I don't know.

Muli akong napatanga sa kanya. Ang ganda-ganda na niya kahit hindi pa ito ngumingiti, paano na lang kapag napangiti ko siya? Argh! I'll die!

Napameywang na siya sabay inilipat ang bigat sa isang binti. "Hey, kid -"

"Senorita Isabel." Mabilis na lumapit sa amin si lolo Andres. Napahawak ito sa balikat ko. "Magandang umaga ho."

Nag-iba lang yata ng bahagya ang ekspresyon sa kanyang mukha ngunit nananatili pa ring pormal. "Buenos días también, Mang Andres." Tugon nito kay lolo.

"Pasensya na ho, senorita." Hingi niya dito ng paumanhin. Parang may kaba pa sa tinig ni lolo. "Halika na, Aiyan." Sabay hinila ako ni lolo Andres sa kaliwang braso ngunit 'yong mga mata ko ay nakapako pa rin sa tinawag niyang Isabel.

Napakunot-noo siya ng mapansing nakatitig pa rin ako sa kanya. "Estúpida." Narinig kong bulong niya saka nakairap na tumalikod at nagmartsa pabalik sa loob ng bahay.

"Lolo -"

"Senorita," May diin ngunit mahinang putol ni lolo Andres sa sasabihin ko sana. "Kung gusto mong maging maayos at masaya ang buhay mo, umiwas ka kay senorita Isabel." Payo niya.

Naguluhan ako dito. Bahagyang nakakunot-noong napatitig ako kay lolo. "Ano naman hong ibig ninyong sabihin, 'lo? Ang ganda-ganda no'n e!" Tugon ko. "Tsaka ano ho ulit 'yong pangalan?"

"Maria Isabel ang buo niyang pangalan." Sagot niya.

Napatango-tango ako. "Maria Isabel." Tsaka napangiti.

Magsasalita na sana si lolo Andres ngunit isa na namang napakagandang babae ang lumapit dito. Mas mahaba ang kulay dirty blonde nitong buhok, nakasuot din ng silk spaghetti strap and string shorts nightwears. Hindi kagaya ni Maria Isabel, parang mas magiliw ito tignan. She gives me the aura of which is easy to get along with. Tipong nararamdaman mo na magkakasundo kayo in so many things.

Las Hermanas De Llobos Series (Maria Isabel De Llobos)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon