"SINABI KO naman kasi sa'yo na hindi katiwa-tiwala ang lalaking iyon. O ano ka ngayon? Nganga! Masyado ka kasing nagtiwala sa boyfriend mo na iyon e masyado namang babaero iyon."
"Stop it Beverly. Pakiabot nalang ng tissue please."
Si Beverly ay ang bagong hanap niyang kaibigan dito sa Singapore. She came from Philippines taking Fashion Designing at dito sa Singapore ay kumuha ng kursong Business Administration. Kung paano niya ito nakilala ay involved ang mga lalaking laman ang panaginip niya.
"Marami pang mga lalaki Pauleen. Kung gusto mo ay dalhin pa kita sa FVC eh—"
"Sige ba! Kailan? Saan?"
Iling-iling itong tinapal ng tissue ang noo niya. "Sino ba sa mga FVC members ang gusto mong makita?" Nawala na ang pagka-heart Broken niya ngayong binabanggit ni Beverly ang FVC. Sigurado siya na kilala ng kaibigan ang mga kalalakihang iyon. At syempre, palalagpasin niya ba iyon?
"Silang lahat."
"Paano na si Josh?" Si Josh ang boyfriend niya—ex-boyfriend na ipinalit siya sa babaeng mukhang Donsol.
"Mamatay na siya. Di hamak naman na mas kanasa-nasa ang mga taga FVC kaysa sa kanya no? Tse!" Itinapon niya sa kung saan ang hawak na tissue at malanding iwinasiwas ang buhok.
"Paano ka nainlove doon kung hindi iyon ka-gwapohan?"
"Hay, oo na nga! Oo na. Gwapo na si Josh pero mas gwapo pa rin talaga si Xorxell eh." Yes. Si Xorxell ang naging daan kung bakit nakilala niya ang iba't-ibang miyembro ng FVC. Kalat ang mga mukha nito sa internet ng minsang mapagawi siya sa pags-scroll roon at nakuha nito ang kanyang atensyon.
"O edi si Xorxell pala ang love mo sa kanila?"
"Silang lahat siyempre. Pero kakaiba ang alindog ni Xorxell eh."
"May girlfriend na iyon."
"Correction. Lahat sila may girlfriend na. Kakatapos lang nila sa College graduation—"
"Hindi. Si Xorxell lang ang may girlfriend. The rest. Single na!"
Pinanliitan niya ng mga mata si Beverly. "Bakit mas magaling ka pa sa'kin Bev?'
"Kasi kaibigan sila ng pinsan Kong si Cognac..."
"OMG! OMG!"
"Wengya! Maghunus-dili ka nga. Kung makasakal ito e. Gusto mo ba akong mamatay?"
"Hindi. Pero 'di nga. Totoo ba Bev? Pinsan mo si Cognac Wyatt?"
"Oo nga. Hindi ba halata?" Alam niya na hindi marunong magbiro ang kaibigan niya. Kaya ngayong nandito sila sa bench ng University na kanilang pinasukan dito sa Singapore. Nagulat na lamang si Pauleen ng marinig ang boses ng lalaki sa cellphone ni Beverly. And it was Cognac Wyatt. They are having a video call now.
Nagtitili si Pauleen na parang wala ng bukas nang marinig ang napaka-manly ng boses ni Cognac sa cellphone ni Beverly. Totoong magpinsan nga ang mga ito. Kaya nang pinatay ng kaibigan ang tawag ay dinakma na naman niya ng yakap ito. Tuloy ay mas lalong nanaig ang kagustuhan niyang makapunta sa Ferrer's Villages of Courts. Ang lugar kung saan naroon ang lahat ng kanyang sinisinta.
Beverly was her friend at mag-iisang taon niya ng kaibigan ito. Marami silang napagkasunduan sa lahat ng bagay kaya mabilis silang nagkagaanan ng loob. Hindi rin lingid sa kaalaman niya na may mga kaibigan itong naiwan sa Pilipinas na sina Cris, Devon at Zephanie na minsan niya na ring nakausap sa cellphone sa pamamagitan na rin ni Beverly.
Her father was a filipino and her mother was a Singaporean. Paminsan-minsan ay bumibisita sila sa Pilipinas pero kailanman ay hindi siya nakatapak sa FVC dahil mahirap itong pasukin lalo na at kung wala kang koneksyon.
BINABASA MO ANG
Hate You, Love You (Complete)
RomanceUmaasa si Pauleen na kahit isang beses lang. Makakasalamuha siya ng isang kalahi ni Adan after being tore down by her bastard college boyfriend na ipinalit siya sa babaeng Donsol sa Architectural Department. Humahanga na siya sa mga Blue Warrior per...