Kabanata 10

0 0 0
                                    

KINAGABIHAN AY nakatanggap ng tawag si Pauleen sa kapatid niya. Si Rancho.

"Paula. Mommy and daddy wanted to talk to you,"

"Ano 'daw ba kasi iyon?" Sinulyapan niya ang wall clock at alas syete y media pa lang naman ng gabi. Ganoon ba siya kapagod para makaidlip ng mahaba-habang oras?

"You'll be doomed."

Then at the end of the line ay umalingawngaw ang sigaw ng papa niya. Nailayo niya ang cellphone sa tainga dahil bahagyang nabingi siya.

"...ano itong naririnig naming may boyfriend ka na 'daw riyan sa FVC? Aba'y dalhin mo agad riyan dito sa Bahay para mabalatan ko ng buto."

"'pa!" Hininaan niya ang boses dahil baka magising iyong si Bruce sa kabilang kwarto.

"Why the hell are you whispering? Nasa tabi mo lang ba ang lalaki mo riyan sa FVC? At ano itong sinasabi ng kapatid mo na...isa daw ang lalaking iyan na boyfriend mo ngayon ang kinahuhumalingan mo?"

"Honey, calm down!" That's her mommy.

"How should I calm down?" Mababakas sa boses ng papa niya ang iritasyon. Kasabay ng pagbukas ng pinto ay ang pagpasok ni Bruce sa kwarto niya. Amoy alak ito pero mukhang normal pa naman kung maglakad. Bago pa man mabigyan ni Pauleen ng babala si Bruce ay nagsalita na ito.

"Bakit ka sumisigaw?" Wala na. Bagsak ang balikat ni Pauleen na baluntot na dumausdos pababa. Her father was screaming at the other end na mas lalong nagpalukot sa kanyang mukha.

"Pauleen...I am talking to you. Sino ba iyang kausap mo?" Pero wala kay Bruce ang atensyon niya. Nasa kanyang ama na kung ano-anong orasyon nalang ang sinasabi. After some time ay inabot niya kay Bruce ang cellphone.

"S-si papa. G-gustong makausap ka,"

Walang pag-aalangang tinanggap ni Bruce iyon. Pauleen felt she was in dazed with a lot of bullets slaughtering her body. Hindi nakikinig ang ama sa kung ano pa man ang irarason niya. Ngayon pa lang ay talagang frustrated na siya. Kilala niya ang mga magulang niya—particularly ang papa niya. Siya ang nakakatanda at babae kaya nasa kanya lahat ng expectations nito not to disappoint their clan. Pakiramdam ni Pauleen ay ang laki-laki ng kasalanan niya gayong for pete's sake ay malaking hindi pagkakaintindihan lamang iyon.

"...yes po. There's nothing to worry about that. Pauleen is with me, ah, we didn't share beds. Magkaiba kami ng kwarto. Opo. One of these days, you'll be able to see me and I am looking forward to meet you too. Yes. Thank you. Bye!"

Parang robot na sunod-sunuran si Pauleen ng tinanggap ang cellphone na inabot ni Bruce sa kanya.

"Your parents wants to meet me. After your one month vacation. We will fly together to Singapore."

"Bruce!" Tila ulan ang boses niyang bigla nalang bumagsak at umalingawngaw. "You don't have to meet them dahil wala naman talagang namamagitan sa'tin in the first place!" She wanted to cry. Kung bakit napunta siya sa ganitong sitwasyon ay si Bruce lang din ang dahilan.

Malinaw ang usapan na hanggang pretend lang. Bakit may pa-meeting her parents na?

"Pauleen. Hearing your father's tone in a total dismay. Ayaw kong pati ikaw ay malagay sa alanganin or worse may bakod na bigla nalang itinayo sa pagitan ninyo ng mga magulang mo. Alright I admit I am at fault. But I am not sorry. Paninindigan ko ang pagiging instant boyfriend mo kung iyon ang ikakagiginhawa ng mga magulang mo. But for the meantime, here in FVC. Ipinatag mo ang loob mo dahil malayo-layo pa ang isang buwang paglalagi mo rito. You can have my whole time. Why don't we hang out more often and start to know each other—"

Hate You, Love You (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon