Kabanata 15

0 0 0
                                    

PATAPOS NA si Pauleen sa pinanood niyang segment ng documentary ng maulinigan niya ang di-tiyak na ingay mula sa labas. Kakagising niya pa lang at diretsong sumalampak siya ng upo sa
pinanood ng documentary segment ng marinig niya ang tila ba ay nabasag na gamit mula sa labas. Sure si Bruce ang nagkarga sa kanya mula sa helipad kaya napatanong siya sa sarili kung ganoon nga ba siya kapagod para hindi man lang magising?

Not to mention she was perfectly relax pero iyon na nga. Hindi siya mapakali sa ingay na iyon kaya bumaba na siya.

Hawak pa niya ang walis tambo na pinuslit niya lang sa ilalim ng hagdan para ipukpok sa ulo ng siguro ay kawatan. But she came into a halt when she saw Bruce. Parang hindi nito alam ang gagawin kung pupulutin ba ang nabasag na plato o unahin ang sangkalan sa stove na kung may anong niluto doon.

"Bruce!" She hissed at mabilis na nilapitan ang binata. "Ano ba ang ginagawa mo at nakabasag ka pa?"

"Nagluluto."

"Alam ko pero bakit—"

"Nadulas sa kamay ko iyang plato. Masyado kasing mamantikain ang niluto ko kaya ayan nga."

Humugot si Pauleen ng malalim na hininga ng sinipat ni Bruce ang hawak niyang walis tambo. "Ano naman ang gagawin mo riyan?"

"Ipamukpok ko sana kung sakaling magnanakaw ang nandito sa kusina. E ikaw lang naman pala."

"Walang kawatan dito Pauleen."

"I know, ikaw na nga mismo ang ebidensya di'ba? Oh well, ako na ang tatapos sa ginawa mo. Masyado ka bang gutom kaya mo naisipang mag-luto?" Sinilip niya ang chicken leg sa sangkalan pero napangiwi ng nagmukhang uling na iyon. Pinameywangan na hinarap niya si Bruce.

"You don't even know how to..."

"Alam ko naman. Sadyang nalilito lang ako kung ano ang dapat kung unahin since nabasag nga ang Plato na hawak ko."

"Oh baby. Alam mo bang ang guwapo mong tingnan kahit pinagpapawisan na?" Ang ikinagulat niya ay itinaas nito ang mga kamay na parang sumusuko sa kanya. "Alright! I concede. Hindi nga ako marunong magluto." Gotcha! Sa wakas ay umamin din. "Gusto lang kitang ipagluto ng paborito mong chicken leg para may makain ka na pagkagising mo, but I think I failed."

"Hay naku! Paano nalang kung manganganak ang asawa mo e kailangan niyang humigop ng mainit na sabaw. O teka, marunong ka bang magluto ng tinola?"

"A little. Pero hindi naman kita pababayaan kung sakaling manganganak ka na."

"I see...pero hindi ko sinabi na ako ang babaeng iyon!"

"Anong magagawa mo kung ikaw ang gusto kong maging ina ng isangdosenang anak ko?" Hindi nalang niya pinahalatang natutuwa siya pero balik na tayo sa niluto nitong hindi na maitsura.

"Malaki lang iyang ano mo pero wala kang alam sa gawaing bahay."

"Atleast in bed I am good." Pilyo pa siyang kinindatan nito.

"Tse! Ikaw na ang bahalang ligpitin iyang nabasag mo ha?"

"Opo, but give me a kiss for an advance lunchtime."

"Heh!"

"Pauleen! I want it now!" Nakanguso siyang lumapit dito at hinalikan ito sa pisngi. "Sa lips." Aba't masyadong demanding ang buwitre. Gayunpaman ay kinintalan na rin niya ito ng halik sa labi. "That's good. Sige, tapusin mo na ang niluto ko. Liligpitin ko lang rin itong bubog."

Ang hindi nila alam pareho ay nasa sala lang sina Beverly at Xander since bukas ang maindoor kaya walang ingay na pumasok ang dalawa at huling-huli ng mga ito ang halikan portion nila.

Hate You, Love You (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon