Chapter 1

24 2 2
                                    

"Kuya.. ahmm pwede ba kong sumama sa lakad niyo? "

tanong ko dito habang nakaupo sa sofa at nagbabasa ng magazine.

" Nah, Hindi ka pwede dun!" sagot nito habang may kinakalikot sa cellphone nito.

"Sige na kuya pleeease, isama mo na ako promise behave lang ako dun."

"NO! Wint. wag kang makulit! sabi nito habang hindi parin inaalis ang tingin sa cellphone na hawak nito.

napanguso ako sa sinabi niya.

"KUYA NAMAN EH! look, malaki na ako im 19 years old now kaya isama mo na ko dun sa bar na pupuntahan niyo 'tsaka mas ok na sa inyo ako sumama kesa dun sa mga classmate ko na nagyayaya din mag-bar." sabi ko dito ng nakatayo sa harap niya habang nakalagay ang dalawang kamay sa bewang ko.

Well, hindi naman talaga totoong nagyaya yung mga classmate ko.

Sinabi ko lang 'yun para isama niya ako, dahil kasama nila kuya ang pinakamamahal kung si Zest na Bestfriend ng kuya ko.

"Winter Prizz Cooper, gumagawa ka talaga lagi ng paraan."

Nakatingin saking sabi nito habang nakataas ang isang kilay at umiling-uling.

"FINE! pero 'wag mong kukulitin si Z dahil kasama niya yung girlfriend nya.

at saka bunso pwede ba tigilan mo na nga 'yang pagsunod-sunod mo kay Z kababae mong tao ang pangit tingnan." sermon sakin nito na ikinaikot lang ng mata ko.

"Watevah, mas maganda naman ako 'dun sa gf niyang mukhang clown." pabulong na sabi ko habang naglakad pabalik sa sofang inuupan ko.

"What do you said?" tanong nito.

"I said yea' magbebehave ako and yea' hindi ako mangungulit." sabi ko dito na binuklat na ulit ang binabasa ko kaninang magazine.

*****

9:00 pm ng umalis kami ni kuya papuntang Alco-Hole Bar sumabay na'ko dito dahil hindi naman siya pumayag na dalhin ko ang kotse ko.

"baby, you look gorgeous beautiful!" nakangiting puri sakin ni kuya.

"thanks kuya." sabi ko din dito ng nakangiti.

"you too, ang pogi mo d'yan sa suot mo" balik papuri ko dito na ikinangisi lang niya.

Isang simple black dress na kita ang likod at hindi umabot sa tuhod ang suot ko na pinaresan ng white open toe pump na may 3 inches heels at silver na purse.

my curly golden brown hairs was tied in a messy bun.

Pagdating namin halos marami ng tao dahil siguro sa week end ngayon.

Nakahawak ako sa braso ni kuya habang papasok kami ng bar nakita ko kung paano napalingon samin yung iba habang sinusuyod kami ng tingin. My kuya was a very handsome man para itong isang modelo na may magandang pangangatawan na binagayan ng maamong mukha a pointy nose, a perfect red lips and a mezmerizing blue green orbs. Kaya hindi ko ito masisisi kung kabi-kabila ang babae nito.

"Just remembered what ive'd said earlier, at 'wag kang lalayo samin and hinay hinay lang sa pag-inom okay?" bulong nito sakin na sinuklian ko lang ng tango.

Dumiretso kami sa 2nd floor kung saan nakapwesto ang barkada ni kuya.

"Hey dude, ang tagal niyo naman?" salubong samin ni Coast ang pinakabata sa barkada ni kuya. Kuya was 23 habang si Coast naman ay 18 lang.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 21, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Naughty GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon