Chapter 4

1 0 0
                                    


Dahil sa nangyari eh tiningnan ako ni kara..Palagi kaming ganyan,kapag may papatulugin siya eh magpapaalam muna siya sakin..Pinapayagan ko naman siya kapag alam kong siya ang nasa tama. Nginitian ko siya at nag thumbs up kaya tumayo na siya at nagpunas ng damit.

"sinong pumatid sakin?" rinig kong tanong ni kara nang makaharap sa kanila at tinitigan niya ito isa isa. Halatang nagpipigil ng galit si kara ngayon,nakakuyom na kasi ang kamao niya ...

"Ako bakit?" sabi nung babae at tsaka tumayo..nakaagaw pansin na rin sila sa mga tao sa canteen at lahat ay tahimik na nanunuod lang sa kanila.

may sinabi lang sila saglit at hindi ko na narinig,maya maya lang ay nakita kong itinaas na ni Kara ang kanang kamay niya at sinuntok yung babae sa mukha. *boogsh* ,nakita ko namang nakahiga na sa sahig yung babae. Tssk,sadista talaga  si kara...

natulala lahat ng nakakita at maya maya pa ay may sumigaw..

"Boom tulog!!!" sigaw nung lalaking pula ang buhok. Nagtawanan naman ang mga tao ..Habang tinitingnan nila yung babaeng mahimbing ang tulog..

Si Kara naman ay may sinabi dun sa mga kasama nung babae na hindi ko narinig, at mabilis pa sa kidlat eh tumayo lahat ito at naglakad ng mabilis habang hila hila yung babaeng sleeping beauty.. tssk sweetdreams nalang dun sa babae...

Parang wala lang kay kara yung ginawa niya at lumapit na ito saakin.

"tara na"halatang wala sa mood niyang sabi.

"teka hindi pa tayo kumakain ah?"

"ayoko na dito, dun na lang tayo sa bahay niyo,nakakabwisit.halika na nga!" sabi niya at hinila na ako papalabas ng canteen ..

'tss,sadista kong bestfriend’..:) napangiti nalang ako sa naisip ko..

PROLOGUETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon