Chapter 16

33 3 0
                                    

Gelian Domiguez POV



Pumunta ako ng school habang nakabusangot ang mukha. Halata sa aking mga eyebags na umiiyak ako. Huhu, first pov pa sana ni author sakin to. (Achievement)


Back to reality, naglalakad ako ngayon sa hallway at ako lang mag-isa. Masyado yata akong aga ngayon kaya halos sampu lang siguro na estudyante ang nakikita ko simula sa front gate. Pumunta ako sa study area at doon ako nag stand by. Ang tagal naman nila, psh.


Naramdaman ko na nagvibrate ang phone ko. Pumikit ako ng mariin at kinagat ang labi ko. Please, sana hindi siya to. Agad kong kinuha ang phone sa bag ko at binasa ang message ni Xtian sakin. Bwiset, Isang hi lang naman yun pero yung puso ko naghuhuramentado na. Yung totoo, bakit ako kinakabahan? Nakamove on nako, nakamove on na talaga.


"Girl, breaking news! Si Joseph Largo matagal na pa lang taken!" Sabi nung babaeng bangag ang mukha. Psh, sige pag-usapan niyo pa yang asawa ng bestfriend ko at talagang uuwi ka sa sementeryo!


"Huh? Matagal na nga sila nung Wendy diba? Pfft nung second day ata." Sabi nung isang babaeng tinubuan ng pimples sa mukha.


Kinuyom ko ang aking mga kamay at bumaling sa kanila. Nanlaki ang mga mata nila at halatang nagulat sila sa presensya ko. "Ano? Gusto niyo pa bang pag-usapan ang buhay ng bestfriend ko?" Umiiling sila at umalis.


Sumimangot ako nung nag vibrate ang phone ko. Para akong sinaksak ng kutsilyo nung nabasa ko ang text ni Xtian. Isang malungkot na emoticon lang naman yun pero bakit ako nasasaktan, ha? Nababaliw na yata ako.


Nag reply ako ng "get lost" sa kanya. Huminga ako ng malalim at binasa ang lahat ng conversation namin simula nung una. Nanliit ang mga mata ko dahil sa text noon ni Xtian. Feeling ko talaga dito siya nag aaral eh, lalo lang akong nagduda dahil sa text niya noon na sinabihan niya ako na uminom ng maraming tubig. Tinanong ko kung bakit pero hindi na siya ng reply.


P.E din kasi namin nung time na yun at running pa ang activity namin. Bawal nga ang magdala nung gadgets pero sinikap ko talagang e tago yung cellphone ko para sa kanya. Hmmm, possible kayang dito siya nag-aaral? Umiling ako at ngumiti, "Impossible yata."


"Anong impossible?"


"Ay! Ginoo ko!" Napatayo ako sa gulat at napagtantong si Sean lang naman yun. Sinapak ko siya at pinanlakihan ng mata. "Bwiset ka Sean, akala ko kung sino!" Umupo ako ulit at inayos ang bag ko.


"Pfft. Matakutin ka masyado. Oh anong nangyari sa eyebags mo? Niluklok mo ba lahat ng kape sa inyo at di ka nakatulog?" Pinisil niya ang ilong ko at umupo sa tabi ko. Inirapan ko siya at sinapak sa braso. "Eh ano ngayon? Pinaghirapan ko tong eyebags ko at maganda pa rin ako!"


"Teka" Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at pinaharap sa kanya. Agad-agad namang lumipad ang aking utak at kinakabahan ang aking puso. Shit lang. "Umiyak ka ba?" Galit niyang utas.


Umiwas ako ng tingin at umiling. "Hindi ah, niluklok ko lang talaga yung kape namin!" Sabay tawa ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 18, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BarkadistaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon