Chapter 4

56 6 0
                                    

Christin's Pov

*Burp

Hihi . Ang sarap talaga ng burger steak! La la la la! Naisip ko na naman yung kissing scene namin ni Eldon ko .

Nandito na ako ngayon sa east wing at nakasakay na sa elevator. Naman oh! Bakit kasi hindi ko sila ka major sa TLE. Si Kath kasi nasa beauty care , si Micaela sa electricity samantalang sina Mama J, Mel , Marian at Gelian nasa foods.

HAHAHAHA ayan inunahan ko na kayo ! Eh kasi tong si Micaela nasa electricity ! Hello? Siya lang babae dun . May pa unique kasing nalalaman eh .

*Ting

Yumuko ako nung napansin kong si Eldon ang papasok dito. Huwaat?! Eldon ko.

"Ah...Eldon yung halik...."

"First , ayoko sa babaeng tulad mo ...DESPERADA. Second , forget that kiss. Walang nangyari.Period" Sinabi niya yun ng harap harapan sa akin. Ang hard nun ha! *clap clap*

One word to describe my feelings: Happy 

Happy ako kasi napansin din niya ako . Eh ano ngayon kung sinabi niya yun? Sabi nga ng Oh-so-famous line ni Kath na "The hell I care"

*Ting

Una na akong lumabas at nagpunta muna sa cr.

One question: Am I a Masochist?

--------------------

Gelian Dominguez POV

"Ang hirap naman nito oh" sinabunutan ko ang sarili ko .

Psh. Tapos na ang TLE namin at Math time na ngayon. Binigyan kami ng partner problem. At sa kasamaang palad , puro equations ang nandito sa pesteng papel nato ! Ugh , okay na sana yung addition at subtraction eh ! Tapos nilagyan pa ng letters ! Asan ang hustisya?! Dudugo na naman internal organs ko nito. Hashtag huhuhu

Narinig ko naman ang pag 'tss' ng alien kong kapartner .

"Hoy Alien! Ikaw mag-solve niyan" Nilapag ko ang papel sa armchair niya.

"Ba't ako?" Tinaasan niya ako ng kilay . Mataray , Maldita , Bakla!  In short , MBB!

"Kasi matalino ka" sabay akbay ko sa kanya at ang free hand ko ang ginamit ko para pisilin ang ilong niya. Naks !

"Ayeeee" Unison na pagbugaw nila sa akin sa MBB na Alien na'to ! Hmp !

Nagkatinginan naman kaming dalawa at parehong umiwas sa isa't isa. Anong akala niya na kawalan siya? Ew . Walang talo talo ! 

Aish! Ba't ba sa lahat ng classmate ko siya pa ang partner ko ? Si Kath may Mel , si Micaela may Mama J at si Christin may Marian . Eh ako?

Umupo ako ng maayos at tumingala sa kisame. Naalala ko tuloy yung sinabi ni Mel kanina sa Greenland . Haha ang weirdo talaga ni Micaela eh no? Naglakad daw habang tumitingin sa kisame. Bagong trip yun ah .

Pero tama nga si Micaela , ngayon ko lang na realize na maganda pa lang kisame. 

"Anong ngiti-ngiti mo jan?" Guess who? Edi si Alien slash Sean Bernal ng Lorenzo Universty ang Pogay ng Planetang Mars ! Inirapan ko siya bilang sagot. Tumayo naman siya at pinasa yung working sheet namin.

"Ian (Yan) ba't nakasimangot ka?" Kinilabit ako ni Mama J. Nasalikuran ko kasi siya.

"Yun , yun ! Yung Alien na yun !" Tinuro ko si Sean. Nakita naman niya yun at inirapan pa ako . Bwiset!

"Ba't ba galit ka sa kanya?" Sabi ni Mel. Ugh kung makatingin naman sila sa akin akala nila may something kami ni Alien.

"Basta. AYOKO . SA . LAHI . NIYA"

"Alam mo yang style mo bulok na yan eh." Sabi ni Kath tsaka may binulong kay Christin at Mel.

Bullies Alert ! Bullies Alert !

Psh , nagtawanan naman silang anim at umiling iling pa . Gets ko naman yung ibig nilang sabihin eh!

"Fine . Gwapo nga siya but di ko siya type! Mas conservative nga siya kesa sa mga babae eh ! And besides , AYOKO . AYOKO . AYOKO . SA . LAHI . NIYA"

"Ate! Papunta na siya rito" bulong sa amin ni Marian .

Agad naman kaming naging Transformers. Psh . Mga usi kasi ! Usisera !

Ako?! Magkakagusto kay Sean Bernal? No way ! High way ! Impossible ! 

Ako nga pala si Gelian Dominguez. NBSBST No boyfriend since break up sa text . May karelasyon kasi ako nung second year ako . Tawagin na lang natin siyang si Xtian (Ekshan). Ang relasyon namin nag last ng 5 months. Ewan ko pero possible kaya na ma-fall ka sa lalaking di mo naman nakita sa personal at sa text lang communication niyo? Ganun kasi nararamdaman ko eh , kahit text lang niya nagkakandarapa na ang mga ipis ko sa tiyan.

Ayaw niya naman magpakita sa akin pero I have this instinc na parang dito siya nag-aaral. But that doesn't matter anymore. Nagmomove-on na ako sa kanya. 

Dahilan kung bakit naghiwalay kami? Because naging busy na siya , minsan niya na lang ako tinetext . Sabi naman nila Kath na baka may iba na daw yun . Peste ! Iniyakan ko pa talaga siya ng 3 hours ! 

"Ba't ba ang ikli ng palda mo?" Ugh ! Pakialamera ! MBB!

"Eh anong paki mo ha?! Gusto mo palit na lang tayo?!" Tumayo ako at humarap sa kanya.

Kita ko naman ang pagkabigla nila . Psh .

"Ayeeeee" At ito na naman po sila . Binubugaw na naman ako sa isang uhugin na pakialamera na MBB na Alien na galing sa planetang Mars !

-------

BarkadistaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon