Chapter 6

72 7 0
                                    

Christin Yravello's POV

"Ang tagal naman ni Mikay" Psh. Ingay talaga nitong si Mel . Palibhasa bantay sarado asawa niya . Hashtag huhu

"Sabi ni Joemaica napunta daw yun sa hukuman" Sabi naman ni Kath na halatang tuwang tuwa sa nasagip niyang balita. Nemen ! Hindi naman perstime na napunta sa hukuman este sa SAO si Micaela pero sino kaya kasama niya? At bakit siya napunta dun?

Nakow naman. Ang hirap talaga mag-isip nakakagutom!

"T-teka si Micaela yun ah!" Turo ni Mama J sa may ---- OMG! Arvin?! Yung captain ng basketball dito sa LU! Naks. Ang galing pumili ni Micaela ah . Hanep .

Agad-agad kaming pumunta sa clinic . Ewan ko ba pero napahinto na lang ako dito sa dating faculty room ng filipino department. Wala naman akong naamoy na pagkain pero feeling ko may mali. Ano nga ba ang nangyari dito?

"Hoy ! Food Monster ! Tara na!" Ang sarap sapakin ni Gelian promise! Huhu ang saklap talaga pag may kaibigan kang may kakayahan sa pagsigaw . Di ba siya mapapaos niyan? Hashtag gutom na ako ulit

Nandito kami ngayon sa clinic. Sinundan kasi namin si Arvin na buhat si Micaela . Ano naman kayang kadramahan tong naisip ni Micaela. Hala di kaya e susurprise niya ako na bibigyan niya ako ng munchkin dahil napunta siya sa hukuman? Lame ng reason no? Pero ice lang basta may munchkin may pag-asa naks !

"A-anong nangyari sa kanya?" - Mama J

"Ba't nakatulala siya?!" Gelian

"Bilinisan mo na yang drama mo girl . Hinahanap na ako samin" -Mel

"Weh? Ngayon lang yan ah ! Sure ka Mel hinahanap ka sa inyo? O di kayay ang asawa mo lang naghahanap sayo?" -Kath

"Gutom na po ako !" Aish. Kainis! Gutom na ako please kain na tayo ! Please ! Baka mabawasan timbang ko sayang naman . Hashtag munchkin

Sa halip na sagutin kami ni Micaela , nakatulala lang siya . ANO BANG PROBLEMA NIYA?! Pwede naman siyang magpadala ng sulat sa MMK . Eh sa dinadamay niya kami sa drama ng buhay niya. Ano ba yan nagugutom na talaga ako !

"Okay na po , Miss" Sabi ng nurse at iniwan na kami . Ano bang nangyari sa kamay niya? Daig pa ang taong naglaslas eh . Amazing ! Siguro naisipan niya maglaslas dahil namatay na naman siguro yung bida sa binabasa niyang story . Anak ng ! Ang talino ko na ! Improving . At dahil matalino ako mayroon akong 100 munchkins na kakainin ngayon . Yipeee

"Arvin ba't ganyan si Micaela huh? Anong ginawa mo? Alam mo ba na kahit minsan hindi namin siya nagawang masaktan huh? Konting batok lang kaya maabot niya kay Kath tapos ikaw? Ba't mo hinayaan may mangyari sa kanya?" Sabi ni Mama J . Nakapamewang pa talaga siya samantalang si Arvin umupo sa harapan ni Micaela .

"Tss" Napa-irap naman si Kath sa statement ni Mama J . Haha! Ang hilig niya kasing mambatok . Aba'y dapat tularan ang batang ito . Naks . Ano? Para na ba akong si Mama J?

"Kyaaaaa! I-ikaw! Si-siguro ano uhm. Nirape mo si Ate Micaela?!" Tinuro ni Marian si Arvin na para bang pinapatay niya ito .

Sayang naman wala akong popcorn teka anong spelling ng popcorn? Pop-corn? Pop corn o popcorn? Ano ba talaga? Ahuhu

"No no no . Mali ang iniisip niyo" Umiling iling si Arvin . Psh. Di kaya malaglag ulo niya?

"Then spill it" Holo ! Ayan na umi-english na naman si Kath . Patay kang bata ka! Bigti ka na Arvin. Ay bigyan mo muna ako ng Munchkin o di kaya pag sa libingan na imbes na biscuits kakainin namin munchkin na lang . Hashtag Nom nom nom

Sinabi naman ni Arvin yung side niya. Naglinis daw kasi sila sa faculty room at yun na nga , siya ang naglinis sa cr at si Micaela naman sa classroom.

BarkadistaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon