Chapter 6 part 2

72 8 2
                                    

Christin Yravello's POV

Oh dear Lord! Saang lupalop po ako dadalhin ni Eldon ko? Sa lugar po ba na madilim tapos kami lang dalawa tapos malalaman ko naputolan pala sila ng kuryente kasi naghihirap na sila. Huhu hashtag UMAASA. Siyempre sina Eldon? Mapuputulan ng kuryente? Ang yaman nga nila eh. Sila kaya ang may ari ng Lorenzo University.

Pero seryoso, paano kung kikidnapin niya ako? Tapos baka e rape? O di kaya'y isa siyang sindikato. Hot na hot na sindikato. Naks! Swerte ko naman at napulot ako ng isang gwapong sindikato. Yieeee kinikilig ako. Hala! Yung munchkin ko pala T.T

Napailing na lang ako sa mga iniisip ko. Grabe talaga imagination ko hihi level 5 pa lang yan ah!

Huminto kami sa isang apartment. Holo! Apartment lang sila nakatira? Di kaya naghihirap na sila? O di kaya sa kanila din tong apartment dito? Yaman talaga nila! Nakakapangliit yung amin, boutique lang kasi pero high class din naman ano. Humble ko nuh?

Binuhat niya ako pang-kasal. Hanubeyen! Lakas talaga ng imagination ko. Hashtag IMAGINATION PA MORE!

Bumaba ako ng nakasimangot. Naman eh! Dapat buhatin niya ako kasi kasalanan niya naman to eh. Pero familiar talaga ang lugar nato.

Pumasok na kami sa apartment niya. Isa lang ang masasabi ko, MALINIS. Grabe, malinis talaga para siyang tinirhan ng daga, ipis at ahas. ANG LINIS GRABE!

"Linis ng bahay ah" sarcastic kong sabi. Diba dapat matu-turn off ako? Pero hindi talaga eh.

---------------------------------

After asajflkglf years nalinis din niya yung apartment niyang tinirhan ng daga,ipis at ahas. Pasensya siya masakit ang paa ko kung hindi tutulongan ko talaga siya.

Nanonoud kami ngayong ng Sundalo-Gyera movie. Tawa siya ng tawa tapos ako? Eto NGANGA. Ang gwapo niya talaga pag nakasmile. Sana lagi lang siyang nakasmile lalo na pagkasama niya ako. Wala naman sigurong masama kung ako yung gagawa ng paraan para magustohan niya ako diba? Single siya, single din ako so dapat KUMAIN NA KAMI!

Huhu kanina pa nagugutom bituka ko! Promise, close my heart and hope to die. Mabuti sana kung si Kath nandito rin para malaman niya na para kaming mga sundalo dito sa movie. Sa tuwing binabatukan kami para kaming na headshot ng baril.

Ugh! Ang gutom na talaga! Yung isa naman dito ang seryoso na naman niya. Dito na kasi sa part ng story nung napilayan yung bida dahil tinulungan niya yung kapwa sundalo niya. Nakow po! Sasakit na ulo ko dahil sa gutom.

Wala ba siyang balak na tanungin man lang ako like "Gusto mong kumain? Dinner date tayo!" o "Baby, gutom ka na?" Yung ganun! Leche!

Nilaro ko na lang yung buhok ko. Binilang ko talaga. Wow! Ang dami ko pa lang buhok.

"Gutom ka na?"

*DUG DUG DUG

Naririnig niyo ba yun? Tibok ng puso ko yun ha. Hindi yun tunog ng drums. Huwag kayong ano jan.

Umiling na lang ako. Aba dapat lang! Source from Mama J: Kailangan mong magpakipot kahit 2.361598010 seconds .

*Kruuuuuu kruuuu

"Ah, di pala gutom ah" tapos nagsmirk siya. Da ef! Ba't nagvibrate ka stomach? Bakit? Pinahiya mo ako! Traydor ka! Araw-araw naman kitang pinakain ng munchkin ah. Ba't ka ganyan? Bakit?!

Inirapan ko na lang siya. Tawa naman siya ng tawa papuntang kusina. Haha siya ng haha, eh kung HAHAlikan ko kaya siya? Naks! Pumipick up lines si Ate!

Napatingin naman ako sa suot ko. Akala niyo siguro t-shirt niya ano? Pwes, NAGKAKAMALI KAYO! Damit pambabae to eh! Feeling ko tuloy may girlfriend na siya. Wala naman diba? Sabi nila wala eh. Siguro kay Ate Faye, yung ate niya. Naks! Kung maka 'ate' ako akala talaga close kami.

*Sniff sniff

Hala ambango! Margarine *sniff Garlic bread *sniff

OMG! Ang lakas talaga ng pang-amoy ko. Sa pagkakaalam ko dinner ngayon, ba't parang breakfast yung hinanda niya?

Tapos na kaming kumain at nandito kami ngayon sa kwarto niya. Uy! Wala kaming ginagawang masama! Hihi ano kasi , yung wendolyn. Magse-search ako sa kanya. Alam niyo yung feeling na parang kilala mo siya tapos parang hindi rin.

Gusto niyo sabihin ko sa inyo yung kulay ng kwarto niya? PINK! Grabe, di naman siya mukhang bakla nito ano?

"Eldon , pwedeng magtanong?" tanong ko habang naglo-loading yung google. Bwiset! Ba't ang slow ng net nila? Naghihirap na ba talaga sila? Kawawang Eldon. Dito ka na lang sakin at patutulugin kita sa duyan, Anak. Haha! Sensya na naalala ko lang si Mama J.

"Nagtanong ka na nga diba?"

"Sungit" bulong ko. Psh! Ba't ba siya yung naging crush ko? Paki explain love ya!

"What?" What what mo yang mukha mo! Slow mo! Tulad ka ng internet connection niyo!

Hays, sa wakas di na siya loading. Sinearch ko ang pangalan niya. May FB, TWITTER , INSTA, ATBP.

"Kilala mo ba si Wendolyn Cabanes?" Bigla naman siyang natahimik. Hindi ko makita ang reaction niya kasi nakaharap ako sa computer eh. Nakaupo naman siya sa kama pero for sure natigilan siya sa tanong.

Sino ka ba talaga Wendy Cabanes?

BarkadistaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon