Chapter 2 ( meet the boys )

101 22 3
                                    

Pauline's POV

"uhm .. Pauline .. Pauline tama?" napatingin ako kay carlo at nakangiting nag nod.

"pano mo pala nagging kaibigan si ma'am angel?"

"uhm .. mabait kasi si angel kaya hindi imposibleng magkaron siya ng maraming kaibigan, mahabang storya kung pano e" sagot ko. Medyo nakakailang magkwento lalo't kahapon ko lang nakilala si angel.

"ah ganun ba? Alam mo kasi tahimik na tao yan si ma'am angel e, hindi sya mahilig makisalamuha sa ibang tao kaya laking gulat namin ng sinabi niyang may kaibigan siya na kailangan ng trabaho" napapatango nalang ako. Muka naman talagang tahimik si angel pero ba't naman sakin may pagka masiyahin at madaldal siya?

"carlo pwede bang magtanong?" tumingin siya sakin sandali pero binalik niya din yun sadaan.

"nagtatanong ka na nga e" pamimilosopo niya.

"biro lang. sige" natatawa niyang sabi.

"anong true name mo? I mean diba ano ka?" napapakamot ulo na sabi ko. Medyo weird kasi yung tanong ko. E sa nacurious ako sa true name niya.

"hahahaha Carla yung true name ko Pauline. Ba't mo naitanong?" tumawa lang ako ng mahina. Carla carlo? Hahaha cute naman. itinugma talaga niya ha.

"pau nalang. Medyo nacurious lang" nag nod nalang siya kaya tumingin nalang ako sa bintana sa side ko ng may maalala na naman ako.

"sabi ni ma'am kanina bukas pa daw tayo makakarating dun? Grabe naman? ganun ba kahaba ang byahe at aabutin tayo hanggang bukas? E 11:48 am palang" tanong ko. Ganun ba kalayo yun? Sobra naman.

"baklang yun talaga. Naku baka nagkamali lang baka ang ibig niyang sabihin makabalik agad ako dun bukas may dadaanan pa kasi ako pagbalik ko" nag nod nalang ako. Akala ko talaga aabutin kami ng bukas..

"nga pala anong oras tayo makakarating dun?"

"apat hanggang limang oras ang biyahe kaya siguro 4 o 5 tayo makakarating dun" napapatango nalang ako. So hapon na pala kami makakrating dun? Hay, mahaba habang biyahe pala talaga to.

Nakaramdam naman ako bigla ng ginaw pero etong si carlos mukang init na init pa. mahina kasi talaga ko sa lamig. Kinuha at isinuot ko na yung pinaka cute at favorite kong jacket na mickey mouse, nagiisang regalo sakin to ni nanay tinay.

"ayy nilalamig ka ba? Gusto mong hinaan ko nalang yung aircon?" umiling na lang ako.

"okay lang" sagot ko.

Ilang minuto puro tawanan ang lumipas ng marinig kong tumunog ang tiyan ni carlo. 12:37 na pala, hindi pa kami nana nanghalian.

"stop over muna tayo carlo? Mukang gutom kana e gutom na din ako, di pa tayo kumakain ng tanghalian." Nakangiti naman siyang nag nod.

Nadaanann namin ang gilligans restaurant kaya pinark niya yung mini van sa parking lot at dali dali na kaming pumasok sa loob. Umorder na agad kami at nagpaka busog. Woooh! Ang sarap naman ng mga pagkain dito.

Hindi na din kami nag tagal sa pagla lunch para mabilis kaming makarating dun, sobrang haba pa ng ibabyahe namin. Dahil busog ako, nakaramdam na ko ng antok kaya hinayaan ko na ang sarili kong matulog.

...

"pau .. uyy pau nandito na tayo" unti unti kong minulat ang mata ko. Nakita ko si carlo na todo ang pag alog sakin.

"oo eto na. gising na ko" nag stop sign pa ko. Nakakahilo naman mang gising tong isang to.

*riiiiiiiing* *riiiiiiiing*

Maid For Hire [ Exo FF story ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon