Chapter 6 ( meet the truth )

74 12 2
                                    

Pauline's POV

"dito ba yun?"

"*nod* kaso mukang napaaga tayo?" Pag aalangan ko.

Talaga naman kasing napaaga kami. Wala pa nga si kundens, kahiya tuloy dito kay janna.

"*smiiiiile* okay lang yan, antayin nalang natin?" Nag nod nalang ako at bumaba ng sasakyan, ganun din si janna.

"Nasan ka na bang babae ka?!" Bulong ko sa sarili ko. Nakakahiya naman kasing pag antayin to si janna. Aish!

"Chill, easyhan mo lang *wink*" ngumiti nalang ako sa kanya ng may pag aalangan. Buti nalang talaga at mabait tong si janna.

*call me baby~*

Napatingin ako kay janna. Mukang nagri-ring kasi yung cellphone niya, hahaha ang cute nung ringtone niya tsaka pagkakaalam ko, isa yan sa kanta nila gramps.

"Aish. Di ko pala na isilent, tss. Excuse muna pau ha" nakangiti lang akong nag nod sakanya kaya tumayo na siya at lumakad palayo.

Nagmuni muni nalang muna ko dito sa kinauupuan ko habang inaantay yung VIP kong bestfriend.

Nagulat nalang ako ng may tumabi saking lalaki, malaki yung katawan niya tsaka uhm .. mukang monster? Hehehe hard.

"Bigay mo sakin lahat ng pera at alahas mo miss kung gusto mo pang mabuhay?" A-ano d-daw?

Napatingin ako sa tagiliran ko at kitang kita ko ang pagkatalim-talim na swiss knife na nakatutok dito. Konting galaw ko lang pwedeng pwede na bumaon yun sa tagiliran ko.

Wengya! Di ko pa nga nakukuha yung sweldo ko mamumulubi na ko agad? Or worst mamatay pa ko.
Waaaaaah! HELP HELP HELP! batman, superman, spiderman, nasan na ba kayo? Iligtas niyo ko please.. huhu.

Kung tumayo kaya ako sabay takbo? Marami namang tao dito kaya posibleng mawala agad ako sa paningin niya. O kaya sumigaw ako para maagaw ko lahat ng atensyon ng mga tao dito.

"Bilisan mo! At wag ka ng magbalak na tumakas kung gusto mo pang mabuhay!" Bulong pero may halong pang gigigil na sabi niya.

Sheeeeeteeee! Anong gagawin ko?
Alam ko winish ko nuon na sana mamatay nalang ako pero iba na ngayon e. Huhuhu kung kelan nakabangon na ko! Waaaah! Watudu?!

Luhan's POV

Mula dito sa kinatatayuan ko, kitang kita ko yung lalaking malaki ang katawan na mukang halimaw, basta kadiri ang face nya. Yuuucck! So gross.

Para namang nanginginig si daga nung tumabi yunh halimaw sakan ya pumunta ko sa pwestong matatanaw ko siya ng maayos.

At .. a-at a-at .. bakit may nakatutok na swiss knife sa tagiliran niya? Potapete! Hinoholdap ba siya nung mukang halimaw na sobrang kadiri ang pagmumuka? Aish. Sa muka palang halatang masamang tao na ang isang to e.

Ano bang dapat kong gawin?
Tss, pag tinulungan ko yang babae na yan mapapasama din ako. Kung hahayaan ko syang mamatay, kargo konsensya naman. Geez, lapitan ko nga lang yung panget na yun di ko ata magagawa e. Haayy! Pahamak talaga tong daga na to.

*TIIIIIING*

Tsk! Buti nalang talaga matalino ako.

Sinuot ko ang mask ko at tumakbo papunta sa pwesto nila daga at nung halimaw. Wala pang isang segundo ng mahila ko si daga mula sa kinauupuan niya. Tumakbo lang ako ng tumakbo habang hinihila siya.

Maid For Hire [ Exo FF story ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon