PHBDT: KABANATA 15

5.3K 177 17
                                    

KABANATA 15

TUWANG-TUWA si Francine noong makita siya nitong suot ang dress. Kaagad na hinawakan ng kaibigan ang kanyang kamay at hinila papasok sa loob ng bahay nito. Dumiretso sila sa kuwarto ang pinaupo siya doon sa harapan ng malaking salamin.

Tahimik lang si Angel at hindi kumibo. Sinundan lang niya nang tingin ang kaibigan na aligaga at akala mo'y may kung ano. Excited na excited si Francine sa hindi niya malaman na dahilan. Lumapit sa aparador ang dalaga at may kung anu-anong mga kinuha.

Nakita na lang ni Angel na mabilis pa sa alas kuwatro nitong inayos ang mga gamit. Isinaksak ni Francine ang plantsa sa buhok at inilabas din ang make-up kit na nandoon bago nagsalita.

"Tamo mo! Ang arte-arte mo pa, eh, bagay na bagay nga sa 'yo 'yang dress na suot mo!" sabi ni Francine. Kasalukuyan nitong sinusuklay ang mahaba niyang buhok na lagpas sa balikat.

Hindi naman kumibo si Angel. Tahimik lang siya habang nakikiramdam sa ginagawa ng kaibigan at nakatutok lang ang kanyang atensyon doon sa repleksyon niya sa salamin.

Hindi na gaanong sumasakit ang kanyang mga mata pero namumula pa iyon. Ganoon pa man ay malinaw pa din ang kanyang nakikita at tama lang ang sukat ng grado na nabile. Papatakan na lang niya mamaya ng solution para hindi matuyo ang contact lens na suot.

"I did not expect na maayusan kita ng ganito." inipit ni Francine lahat ng buhok niya paitaas. Sunod ay hinila nito ang isa pang upuan at inayos ang kanilang puwesto para maging magkaharapan.

"Ako nga din. Hindi ko alam kung paano mo kong nabudol." ani Angel, tumawa pa ng mahina.

"Ewan ko sa 'yo, Bes!" sinimulan na lagyan ni Francine ng face powder ang kanyang mukha, sunod ay kung anu-ano pang mga make-up na hindi niya na nasundan at alam ang tawag.

Noong inutos nitong ngumiti siya, ginawa niya. Noong sinabing pumikit ay pumipikit nga siya. Lahat nang sinabi ni Francine ay sinunod lang ni Angel hanggang sa matapos.

"Tignan mo, bes!" masayang sabi ng kaibigan, saka inikot ang kanyang upuan sa harapan ng malaking salamin. Doon ay muling nakita ni Angel ang kanyang sarili.

Mabilis na bumaling siya kay Francine. "Hala! Bes, ako ba talaga 'to?"

"Oo! Hindi ka nanaginip, wag kang OA!" natatawang sabi ng kaibigan sa kanya. Todo ngiti pa ito na proud na proud sa ginawa at kinalabasan sa ginawa nito kanyang mukha.

"Ang ganda ko!" hindi makapaniwalang sabi niya. Ang laki ng pinagbago ng itsura niya kumpara kanina. Light make-up lang ang ginawa ng kaibigan. Inayos nito ang kanyang kilay, inalis ang kalat-kalat at nilagyan ng korte. Ang kanyang labi naman ay nilagyan nito ng tamang kapal ng kulay dark brown na lipstick.

"Ikaw, eh! 'Ayaw mo kasing mag-ayos! Maganda ka naman talaga, bes!" tugon ni Francine at kinuha ang plantsa sa buhok na nandoon sa may gilid. Medyo mainit na kaya puwede ng gamitin sa kanyang straight na buhok.

"Nakakatamad kasi mag-ayos." pag-amin niya. Hindi naman kasi siya mapormang tao. Kung anong mayroon o saan siya komportable ay 'ayos na. Bibilang lang sa daliri ng baboy kung mag-ayos si Angel.

"Nako! Kung makikita ka ni Calvin ngayon, for sure ay maglalaway ang loko-loko na 'yon!" muling sabi ni Francine sa kanya. Kumuha ito ng kaunting piraso ng buhok na sapat. Sunod ay marahan nitong inikot sa may plantsa ang bandang dulo, nilagyan ng spray net at saka inipit.

"Nako, I already moved on kay Calvin, 'no!" sagot niya naman. May tatlong buwan na din mahigit. Apat na buwan na nga 'ata simula noong maghiwalay sila? Well, hindi niya na matandaan pa kung kailan.

Practicing His Best Damn ThingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon