PHBDT: KABANATA 23

4.4K 88 6
                                    

KABANATA 23

INAANTOK pa si Angel pero nagising na siya ng alas tres ng hapon dahil sa init. She found out that she forgot to open the air conditioner kaya tumayo siya upang buksan iyon. Sadly, hindi naman kaagad lalamig ang buong kuwarto kaya nanatili pa din na mainit sa loob ng ilang minuto.

Kasalukuyan lang siyang nakahiga at nakatingin sa kisame. Pinilit niya na pumikit noong maramdaman na medyo lumalamig na kaya lang ay masyado ng gising ang kanyang diwa. She can't go back to sleep and she hated it! Her body want to rest but her mind did not cooperate.

Gusto ko pang matulog!

Tumagilid siya, kinuha ang isang unan at niyakap ito. Gusto niyang maiyak! Ganitong oras na alanganin ang mahirap sa mga taong kagaya niyang pumapasok sa gabi. Sobrang aga pa para sa alas diyes na shift.

"Ah! Kahit isang oras pa!" tili ni Angel. Hinigpitan niya pa ang pagkakayakap sa unan at isiniksik ang mukha dito. Hindi siya gumalaw habang nakapikit. Nag concentrate siya, pero hindi na talaga siya makatulog. Ang tanging nagawa lang niya ay amuyin ang unan na yakap at mabango ito. Amoy lalaki.

Kaamoy ni Pilgrim!

Naiwan pala ang amoy nito sa unan. Bigla niya tuloy na-missed ang lalaki. She imagine that pillow is Pilgrim, but it's too soft to be like him. She groaned. Nasira ang imahinasyon niya. Buwiset kasi na unan at bakit ang lambot? Walang-walang sa matikas na katawan ni Pilgrim. Lalo na ang mga braso nito na yumakap sa kanya noong nakaraan?

Nako, baka kahit si Hershey, eh magbabalik loob at magpapakababae! Tukoy niya sa ka-team na lesbian. Braso at dibdib pa lang ni Pilgrim ay matigas na! Paano pa kaya kung 'yong ano—nevermind.

Kaya ayaw niya din na pinagkakausap ang kaibigang si Francine habang ka join force si Ariel, eh! Kung anu-anong makamundo ang pumapasok sa kanyang isipan. Bago pa tuluyan na ma-invade at maging berde ang naiisip ay napag desisyonan niya na maglibang na lang.

Tinanggap na lang niya na gising na gising na talaga siya. Wala na din naman sense kung pipilitin pang matulog. Kinapa na lang ni Angel kanyang cell phone doon sa may ilalim ng unan. Nag open siya ng data at sunod-sunod na nag pop-up ang mga notification.

Tila may kung anong kaguluhan sa group chat nila ng team kaya naman ito ang una niyang binuksan.

Dear Team Matthew,

Hope all is well.

Please be advised that we will have a focus group discussion (FGD) one hour before your shift tomorrow. This will be tagged as overtime.

Best Regards,

Jiro Miguel C. Gamboa
Sales Operation Manager

That's the electronic mail from their OM Jiro na nabasa ni Angel. Si Minerva ang nag send niyon sa kanilang group chat sa pamamagitan ng screen shot. Nag email pala ito sa kanilang distro pero nakapag out na sila kaninang umaga.

Minerva Dionisio: Team, nag calendar invite na din si OM Jiro regarding diyan sa ss na sinend ko sa inyo. Pa inform na din 'yong iba sa team natin na hindi pa nakakapagbukas.

Ariel Ganda: So meaning mamaya ng gabi 'yan, 'no? Ano kayang mayroon at bakit biglaan? @Matthew—TL what's happening?

Jonas Dela Fuente: Ako na mag inform sa iba.

Hershey Geronimo: TL @Matthew bakit may pa ganito si OM Jiro? Nakakakaba, ha!

Ian Francis: Oo nga, TL! Ano meron? Dahil ba 'to sa stats ng team natin?

Practicing His Best Damn ThingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon