PHBDT: KABANATA 5

8.8K 200 15
                                    

KABANATA 5

ANG BUONG akala ni Angel ay 'ayos na ang lahat. Walang disgrasya, peligro o kung anuman ang nangyari sa kanya noong mga nakalipas. Pero nagkamali siya at mas matinde pa ang dumating.

Kung kailan sinubukan ni Angel upang mag move on kay Calvin sa katauhan ni Joaquin ay nawala naman ito at namatay. Hindi na umabot ang binata papunta sa ospital at deklaradong Dead on Arrival o DOA.

Base sa pag-iimbestiga ay nawalan daw ng break ang sinasakyang UBER ni Joaquin at bumangga ito sa kasalubong na sasakyan. Dahil sa unahan nakaupo at hindi naka-seatbelt ay malakas ang naging impact at humampas daw ang ulo ng binata sa dashboard.

Hindi maiwasan ni Angel na sisihin ang kanyang sarili. Pero pinaalala sa kanya ni Francine na hindi dapat.

"Hindi mo iyon kasalanan. Maybe, it's Joaquin's time." ayon ang eksatong sinabi ni Francine sa kanya. Wala naman daw may gustong mangyari iyon at wag daw isisi at gawing dahilan ang sumpa sa pamilya nila.

"Kung 'ayon man ang dahilan. Ikaw ang hinahabol ng kamatayan. Hindi ang ibang tao." tama naman ito. Sa kanya dapat mayroong nangyari at hindi sa iba.

Sa labis na depresyon mula sa pagkaka-break kay Calvin at pagkamatay ni Joaquin. Nagpadesisyonan ni Angel na pumunta sa ospital at magpa-konsulta sa isang physiatrist. After all, hindi naman lahat ng nagpupunta doon ay may problema sa pag-iisip.

Nagkaroon sila ng dalawang session kada isang linggo na umabot ng halos isang buwan. Niresetahan din si Angel ng antidepressant na iniinom niya sa tuwing makakaramdam siya nang labis na pangamba.

Dahil sa pagiging determinado, pagiging malakas, pag-aalaga sa katawan at tulong ng kaibigang si Francine ay nalampasan ni Angel ang dagok iyon na nangyari sa nakalipas.

She's back on her track. Her life goes on. She must continue her normal life. However, she's running out of time. Mayroon na lamang siyang limang buwan bago sumapit ang kanyang ika-25 kaarawan.

Sinubukan nilang magpunta sa bar ni Francine noong isang beses na magkasabay sila ng rest day. Ang plano, makikipag one night stand siya sa lalaking magkakainteres sa kanya. Ganoon pa man ay umurong si Angel at natakot.

"Bes, bakit?" tanong ni Francine noong mag-alinlangan siya.

"Natatakot ako. Baka mamaya ay HIV positive pa ang maka-one night stand ko." pagdadahilan niya. Ayon naman ang totoo. Kung araw-araw na nagpupunta ang mga lalaki sa bar at dumadale ng babae tuwing gabi. Paniguradong hindi malabo na may sakit na ito.

"Bes, kaya nga naimbento ang condom, di ba?"

"Uminom na lang tayo." tanging nasabi niya. Hindi naman na kumibo pa si Francine at tumuloy na silang pumasok sa bar. Katulad ng inaasahan, madilim, maingay at maraming taong nagsasaya ang nandoon.

Humanap lang silang dalawa ng puwesto, at saka naupo. Nag-inuman at nagkuwentuhan na lang silang dalawa. Inalis ang mga stressed na nararamdaman sa trabaho.

"Hindi ba, number one sa listahan mo si Kenneth?" medyo lasing na sila no'n ni Francine dahil nakaubos na sila ng ilang baso ng vodka. Kakatapos lang din nilang sumayaw sa dance floor.

"Oo, bakit?" tanong niya dito habang marahan na hinahalo-halo ang yelo sa inumin na inorder.

"Bakit hindi mo subukan na makipag hook up sa kanya?"

"Ayoko na, bes." pag tanggi ni Angel sa ideya na iyon ng kaibigan. "Saka masyadong mabait si Kenneth."

"Sabagay, may point ka. Baka kung maghubad ka man sa harapan no'n ay damitan ka lang ulit." sa sinabing iyon ng kaibigan ay pareho silang natawa sa ideya.

Practicing His Best Damn ThingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon