Elaiza
"I don't want him as my partner, Sir. Please, I'm begging you.."
"Anong ginagawa mo diyan?" Napatayo ako sa kinalalagyan ko at tiningnan siya ng masama.
"Pakialam mo? Umalis ka nga. Mag practice ako sa acting skills ko para hindi tayo pagsamahin ni Sir sa project nato." Kumuha ako ng tubig at uminom. Nauuhaw na ako, kanina pa akong iyak nang iyak.
"You should be thankful because I'm your partner." Pumunta siya sa harapan ko at umupo don sa vacant seat. "Ang OA mo nga eh, may iyak iyak ka pang nalalaman diyan."
I crossed my arms at my chest and looked at him straight towards his eyes. "Hoy, anong thankful? Hindi ako thankful, naawa pa nga ako sa sarili ko." I flipped my hair. "I'm an actress kaya nga umiyak ako."
Narinig ko ang tawa niya. "Tara na nga, kumain na nga tayo. Mamaya na natin sisimulan ang project natin." Aalis na sana siya nang hinila ko ang kamay niya.
Ngumisi naman ang pating. "Don't get the wrong idea of stopping you." Tumawa siya kaya naging seryoso na ako, naramdaman naman niya na seryoso na ako kaya tumahimik na siya. "Ang project? Sure ka na mamaya natin sisimulan? Ang aga naman non." Napakamot tuloy ako sa ulo ko. Minsan kasi huli na ako papasa but still got a perfect score. Or that's what I believe.
"Hoy, may pa iyak iyak ka pa diyan kaya nga maaga para hindi tayo mastress. Tutulungan naman kita." Siya na naman ang humila sakin.
"Kain na tayo. Gutom na ako." He pouted to make himself look unbelievably...ugly. Not cute.
"Oo na. Tara na. Stop pouting, you look-"
"Handsome?" Wow ha, proud pang sabi.
I looked at him as he looked at me. "Disgusting." Patapos kong sabi.
Tinulak niya ako kaya muntik na akong madapa. "Ang sama mo." Sabi niya sabay labas nang kanyang dila.
I glared at him. "Ang OA mo." Sabi ko sabay ganti nang tulak sa kanya.
Napaupo siya sa sahig. Woah, ang lakas ko. Hindi ko alam may lakas pala akong tinatago. "So mean.." Nakita ko siyang nakahiga na sa sahig and move his arms like he was on the snow.
"Tsk. So childish." Tumayo na siya at ipinalabas na naman ang kanyang dila.
"I'm hungry." Edi kumain. Iniwan ko na siya don. Hindi ko gusto makasama ang mga bata na katulad niya. Except sa totoo na mga bata, ang saya makasama.
Bumili lang ako ng pagkain at napagdesisyonan na don nalang sa garden kumain. Sa ganitong oras, wala nang masyadong tao don.
"Hoy," Tiningnan ko kung sino ang tumawag ng hoy nang makita ko ang isang tao na hindi ko na gustong makita muli. Bakit pa kaya nandito siya, eh gutom siya diba? Dapat nandun nayon sa Caf.
"Pahingi." I rolled my eyes, nagmumukha akong maid kasi parang dinalhan ko siya ng pagkain. I decided to eat my lunch beside him. Umupo ako at marahas na binigay sa kanya. "O." Sabi ko sabay pakita sa kanya ang dala kong pagkain. Buti at madami akong binili.
"The idea of you being nice to me never really cross my mind. Not until now." Tinuro niya ako at tinuro niya rin ang kaniyang sarili.
Tumawa ako. "Mabait naman talaga ang isang Elaiza Ellaine Santos. Hindi mo lang alam. We're not close, you know." Sabi ko sa kanya sabay kuha ng pagkain sa lalagyan. Buti at walang tao dito na hallway. Dito pa naman kami kumain, sa sahig nga lang.
"Ah, Elaiza pala ang pangalan mo Santos?" Bingi ba siya?
May kinuha ako sa bag ko at binigay sa kanya. Buti at palagi akong handa. Scout kaya ako.
BINABASA MO ANG
He's A Dictionary
Teen FictionMarami talaga akong hindi naiintindihan. Bakit ba may Love? Bakit ba may Hate? Ano ba talaga ang Forever? Does True Love really exists? Bakit ba sa Love, dapat dalawang tao lang ang nagmamahalan? Pwede naman siguro isa, yung sarili mo. O di kaya, ma...