Hi! I'm Luna.
Papunta ako ngayon sa office kung saan ako nagtatrabaho before dahil may iniutos sila sa akin. Since medyo malayo ang sakayan ng jeep from our house, sumakay ako ng jeep and bumaba sa may kanto kung saan may sakayan. Pagkapara ko sa Jeep, may nakasakay na lalaki sa may likod and akala ko siya yung crush ko nung Highschool nagkatitigan kami actually kaya akala ko talaga siya yon HAHA at I assumed na namukhaan niya ako since alam niyang crush ko siya.
So ayun na nga, sumakay na ako and nagbayad. Uupo sana ako sa may bandang harap (passenger seat) kaso may nakaupo na don na nakahoodie Jacket. Red din ang suot.
Ano kaya meron sa red haha
Pagkababa sa SM, naglakad na ako ulit papunta naman sa isang sakayan pa na Jeep. Medyo magastos sa lugar namin sa pamasahi di ko alam anong naisip ng mga namumuno dito bakit pinahinto yung deretso Angeles.
Pagkadating ko sa isa pa sakayan sobrang init bhie. Mga 3:30 pm na yon pero yung araw kasi nakaharap talaga sa may pwesto naming mga naghihintay ng jeep so tinakpan ko ang eyes ko to cover yung init and silaw.
Ilang minuto lang ay nakita ko ulit yung akala ko crush ko, tinitignan ko siya pero medyo malabo mata ko and alam ko nakatingin din siya sa gawi ko tapos yung nakahoodie na nasafront jeep kanina tumabi siya sa akin. Kasi nga parang nakapila kami pero siya talaga tumabi sa akin. Instead na sa likod ko siya pumila ay tumabi siya sa may right side ko.
Kita ko sa gilid ng mata ko na tumingin sa akin si kuyang nakahoodie and medyo kinilig ako sa ginawa niya HAHAHA
Paano ba naman...
Una, kinuha niya backbag niya tapos isinangga sa araw, so natakpan yung sunlight at di na naaarawan ang mukha ko kaso bigla niya ring ibinaba ulit.
(Tagal ng Jeep, actually)
Pagkabalik niya sa bag niya sa likod, sinuot niya yung hood niya and tumapat siya sa akin. Like as in tapat doon ko lang napansin na ang tangkad pala niya at narealize ko na tinatakpan niya yung sunlight gamit ang katawan niya. Nasa may hanggang balikat lang kasi niya ako kaya nakapagsilong ako sakanya.
Sinalo niya yung sunlight for me >3 like as in. So ako naman tumingin sa kanya and nagsmile to thank him pero di ko alam if nakita niya yon. (Baka assuming lang talaga ako na tinatakpan niya yung sunlight for me HAHAHA)
Ang cool niya tignan bhie I mean, look. Iilan nalang yung mga lalaking ganon and minsan nalang talaga tayo makakaencounter ng ganong klaseng lalaki. Kaya sobrang naaappreciate ko yung mga ganong bagay.
To Red Hoodie guy,
Thank you! 🫶 That small thing you did makes me feel special and worthy. I mean, I'm continually losing confidence at the moment, and what you did made me cheer up. May you find happiness in life 💜
YOU ARE READING
The Sunset
ContoLife is my source of happiness, but I don't always feel that way. Happiness is a choice. It depends on how you enjoy your life, either you have a positive or a negative mindset. Sometimes you decide which way to go, sometimes you regret it. But what...