Hi! How are you 'siz'?
Yeah'siz' ang tawag ko sayo kahit lalaki ka.
Wala kang kibo kahit na siz ang tawag ko sayo dahil yan din tawag mo sa akin. It is as if, our "call sign"
I remember, nung una ka nagchat sa akin ang gaan ng loob ko pero habang patagal ng patagal, nangqiqiqil ako sayo HAHAHA
Sa sobrang talino mo dami nating di pagkakasunduan na topic at feeling ko sa sarili ko ang bobo ko, che!
Naalala ko pa, sabi mo crush mo ako nung una kahit sa facebook mo lang ako nakita pero nawawala dahil nakikilala mo na ako. Dahil ba nalaman mong hindi tayo pareho ng pananaw sa buhay? Mataas IQ mo, ako masipag lang ako mag aral.
Dati kang naglilingkod kay Lord pero nawala lahat ng faith mo nung namulat ka sa buhay. Nung kumuha ka ng course na 'Psychology' at nagbasa basa ng mga books. Odiba tanda ko pa..
Naalala ko rin, nung nawala si papa. Sobrang alala ka sa akin. Kahit na online lang tayo magkausap, nararamdaman ko na may care ka sa akin. I recently read back our conversation and may message ka na "I want to hug you right now, dahil alam ko yung feeling nung nawala si mama" Pero di ako kinikilig, alam kong kaibigan lang tingin ko sayo at ganon ka din sa akin.
Nakwento ko pa yung masakit na nangyari sa akin nung may ginawa tito ko sa harapan mismo ng kabaong ng papa ko habang nagbabantay ako.
Ngayon ko lang napagtanto na ikaw lang pala sa mga friends ko ang napag sabihan ko about that and ikaw lang kachat ko non. Like sobrang gaan ng pakiramdam ko sayo.
Napakabait mo pero naiinis talaga ako sayo kapag may pinopoint out ka na nagmumukha akong tanga, bwisit haha
Eto pa, naalala ko pa non nung sinabi mo na kapag yumaman na ako or nagkajowa na ako wag na wag kita kakalimutan. Ichachat pa rin kita dapat at kukulitin mo ako. At ganon ka din dapat.
Oo, nagkagusto ka ulit sa ibang babae at nakwento mo na nakakachat mo siya.
Di ko na tanda kung naging kayo ba or hindi pero alam ko nastop na communication niyo.
Tumagal tayo ng ilang years sa pagchachat pero di pa rin tayo nagkikita, naalala ko pa non sabi ko na ililibre kita sa Mcdo ngunit di ko na nagawa at magagawa pa.
Di ko alam kung kailan nag umpisa pero sobrang busy ko lang talaga sa studies at tamad na ako mag reply sayo.
Nafeel ko rin na ganon ka sa akin hanggang mag seen ka nalang sa last reply ko sa chat mo.
Monday, February 27, 2022, out of nowhere, bigla kitang naalala.
I don't know, sa tagal na nating di nag uusap bigla kitang naalala at ini-stalked kita.
I felt sad.
You know why?
I've checked your profile, and I've seen that we are not fb friends anymore.
In short, tinapos mo na lahat ng ugnayan sa atin. Which I already expected naman na before pa tayo magtagal na magkachat. Agad ka nagsasawa, same with me :)
But I didn't expect that I would feel sad.
Don't get me wrong, I only like you as a friend talaga since sayo ako nakakapag open up ng mga bagay na di ko maopen sa ibang friends ko. Dahil sayo lang ako comfortable.
Pero, naiintindihan naman din kita. May jowa ka na e. Kahit naman siguro ako di na magchachat sayo kung may boyfriend na ako.
Pero di kita i-unfriend ha. Because I cherish those moments.. even though we only met online, I cherish you and still want to be connected to you kahit makita ko lang mga posts and updates mo sa facebook...
Anyway, I'm really glad that you found the girl that will make you happy. I wish you all the best, and I know that you will be successful in the future. Sa talino at mindset mo ba naman yan! I know you can. Praying for fulfillment in your journe, siz!!
- your siz
YOU ARE READING
The Sunset
Historia CortaLife is my source of happiness, but I don't always feel that way. Happiness is a choice. It depends on how you enjoy your life, either you have a positive or a negative mindset. Sometimes you decide which way to go, sometimes you regret it. But what...