Ako lang ba?
Ako lang ba yung sawang sawa na?
Ako lang ba yung naiinis na sa paulit ulit na nangyayari?
Hingi rito, hingi roon.
Bili rito, bili roon.
Nakakasawa.
Gusto kong sabihing "maawa naman kayo sa akin.. di ako nagtatae ng pera"
Daig ko pa ang aking ina at ibang ina na wari bang may sampung anak.
Nakakasawa na.
Pero kahit sawang sawa na, di mo parin sila matitiis.
Nakakasawa na.
Pero magbibigay ka pa rin kahit ubos na ubos ka na.
Nakakasawa na.
Pero alam mong ikaw lang ang may kayang magbigay sa iyong pamilya.
Wala e, patay na si papa.
May iba na rin si mama.
Di ko na alam.
Gusto ko magdagat pero wala rin akong kasama.
Gusto ko mag refresh pero wala rin akong pera.
Mas mabuting itabi ko nalang para kapag may nanghingi, may maibibigay pa.
Life is short, yes indeed. We have to enjoy life, pero paano maeenjoy kung ang problema ng bawat tao ay pera :)
YOU ARE READING
The Sunset
Cerita PendekLife is my source of happiness, but I don't always feel that way. Happiness is a choice. It depends on how you enjoy your life, either you have a positive or a negative mindset. Sometimes you decide which way to go, sometimes you regret it. But what...