CHAPTER 8

134 3 0
                                    

2 weeks have passed. Ang bilis lang talaga. Huhu!

Saturday ngayon, at sa Monday, sa kasamaang palad ay pasukan na.


Sabay kaming nag-enroll ni Phoebs. At as usual, classmates kami, pati na rin si Chill, first section. Actually, we're almost perfect. Joke! We do have our flaws.


We just both have beauty and brains. Kaya nga di makatanggi samin ang parents namin dahil wala na silang masasabi pa sa grades namin. Hah!


Sunday, kasama ko si Phoebe. Oo, kasama ko nanaman siya. Sabay kaming nagsimba at after nito ay pupunta kami sa mall para bumili ng stuffs.

Matapos lahat ng dapat gawin, we bid goodbye to each other at umuwi na ako sa bahay. 7pm na. 7am ang pasok namin bukas. Pagtapos ko kumain ay nagpahinga muna ako saglit at natulog na.


zZzZzZzZ

zZzZzZzZ

zZzZzZzZ


Nag alarm ako mga 5:30.


Bumangon naman agad ako dahil nga first day of school. Sa first day ka lang naman talaga nae'excite diba? The rest of the days ay parang usual nalang.


I did my thing, nag-almusal, nag-toothbrush, nagligo, nagbihis at nag-ayos. Although di ko na kailangan mag-ayos dahil maganda naman na ako. Haha.


6:30 na at ready na ako. Ang bagal ba? Maganda eh. Di ko na tinignan ang sarili ko sa salamin dahil I'm perfectly sure na maayos naman na ang sarili ko.


Lumabas na ako ng bahay. At dahil first day, natural na magpapahatid ako sa driver. Pero dahil maganda ako, eh, hindi nalang. Tumawid ako ng kalsada at nag-door bell sa bahay ni Chill. Binuksan naman agad at bumungad sa harap ko ang Oh-so-hot na si Chilly ko. Napanganga na ako sa isip isip ko lang, pero dahil nga maganda ako, eh hindi ko ginawa yun dahil bawas sa points ko yun kay Chill.


Qouta na ako sa kagandahan ko. Magsorry kayo.


"What are your doing here?" Kaaga aga mukhang badtrip. Nakita niya lang ba ako? Sus! If I know lumulundag na puso niya dahil ako ang nasa harap niya.

"We'll go together. Pareho naman tayo ng school, ng classroom, at sa future pati surname. So, why not?" Bago pa siya magsalita ay sumakay na ako sa car niya. As if naman may magagawa pa siya no.



15 minutes lang naman ang biyahe from our house to our school eh. Tahimik lang si Chill sa biyahe, what do I expect? Hindi na rin ako nagsalita, himala ba? I just love the idea na sabay kaming papasok ngayong first day. Well, dati pa naman sabay na kami, ako nga lang parati ang nagi-insist. How sweet of me.

10 minutes before 7am, nakarating na kami ni Chill, nag park na siya. I wait for him para naman sabay talaga kami. All eyes were glued on us. Aba? Perfect couple kaya kami, we both have attractive faces dagdag mo na ang pagiging matalino naming. Hah.


"Friend! Wow, sabay talaga ha. Kayo na!" Kami nalang pala ang kulang sa room, I guess? Himala at ang aga nila ngayon.


"Not yet Phoebe." Ngumiti lang siya, malamang siya lang naka gets ng sinabi ko.

"Anyway, guys, pumunta na kayo sa field, mags'start na ang flag ceremony." President ng school ang bestfriend ko, kaya naman kahit papaano siya na ang nagle'lead ng students.


Nakaalis na halos lahat ng classmates naming pati na rin siguro yung ibang students at nasa field na, except me, Chill and Phoebe.



Akala niyo purket school president eh pupunta si Phoebe? Haha! She is the president that breaks her own rules. Hypocrite? Somehow. Tatlo na kami ang laging magkasama tuwing may flag, every Monday lang din naman kasi eh.  Simula grade 7 ay hindi na nagf'flag si Chill, hindi ko naman siya hahayaang mag-isa. Edi sinamahan ko siya. Hindi rin kasi puwedeng hayaan ko silang magsolo ni Phoebe, flirt pa rin naman kahit papaano ang bestfriend kong yan.

TAKING CHANCESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon