Kabanata 13

151 3 6
                                        

Kabanata 13
Insulted

I can’t stop myself from smiling for whatever Rhomisor is talking about. Kanina pa ito nag-iingay at nakikipagsagutan kay Joysie nang makarating kami. Hindi ko maintindihan kong ano ang pinag-aawayan ng dalawa kasi kung saan-saan naman umabot ang bangayan nila.

"Lumayo ka nga sa akin, Rhom!" reklamo ni Joysie nang naupo si Rhomisor sa katabing sofa nito at may dalang juice.

"Like how far, Atom Ant?" inosenting tanong ni Rhomisor. Joysie’s eyes widened in a fraction because of what Rhomisor called her.

"Three meridians! Stay, at least, three meridians away!" Joysie hissed. Mas lalo akong natawa.

"May distansiya na ako sa iyo, Atom Ant, huwag ka ngang reklamo nang reklamo riyan."

"Huwag mo nga akong tawaging Atom Ant!" Joysie shouted irritably.

"Okay, I’ll call you lovey-dovey then." Nagkibit-balikat lang si Rhomisor, kaya nailing ko itong pinagmasdan. Mas lalong ikinairita iyon ni Joysie.

Kung hindi ko lang alam kung sino ang gusto ni Rhomisor ay iisipin kong may gusto ito kay Joysie kaya lagi nitong inaasar ang kaibigan namin.

"Huwag mo akong tatawagin ng ganyan!" kontra ulit ni Joysie, pero tinawanan lang iyon ni Rhomisor.

"Sa gwapo kong ito, ayaw mong tawagin kitang love? This world really needs beautiful genes such as mine."

Tinigil ni Joysie ang pagsubo ng cake at tiningnan si Rhomisor nang nakangiwi. The corner of her lips then rose in a smirk.

"Shut up, you low-budget Leonardo De Caprio," Joysie counterfired. Napanganga si Rhomisor at sabay kaming natawa ni Joysie dahil sa reaksiyon nito.

"W-What did you just call me?" ilang sandaling tanong ni Rhomisor nang nakabawi ito. Pareho kaming nagkibit ng balikat ni Joysie nang bumaling sa akin si Rhom, demanding an answer from me.

We spent our day talking. Wala namang masyadong ganap sa buhay ko since I was in the hospital. And Joysie, on the other hand, was busy with something else. Tapos si Rhomisor naman; as usual, he’s busy with his case. Mabuti nga at may panahon pa itong asikasuhin ako kahit na sobrang busy nito sa mga hinahawakang kaso.

I didn’t ask about Kheeno’s whereabouts. Alam ko naman kong saan ito naglalagi at kung saan nito binubuhos ang oras. I don’t want to ask and hurt myself.

Bukas pa ang balik ko sa condo ni Kheeno. Pero kung ako ang papipiliin, gusto ko na lang na dito lang sa bahay. Kaso ayaw ko rin naman na magtaka si Daddy kung bakit hindi ako umuwi sa condo ni Kheeno. I know that my father won’t mind, anyway; ayaw ko lang talagang dumagdag sa isipin nito. He’s busy in the company, and I don’t want to add to his problems. I don’t want him to worry about me.

Kinabukasan ay mag-isa lang ako sa condo ni Kheeno nang makauwi ako, at inaaliw ang sarili sa pagbabasa ng mga importanting papeles ng kompanya. Pinadala ko ito ng sadya dahil wala akong ibang gagawin at hindi pa ako pinapabalik ni Daddy sa plantasyon. At least I did something while resting here. Hindi ko na nga pinaalam kay Daddy na pinadala ko ang ibang mga papeles dito, dahil alam kong sisitahin na naman ako nito dahil sa pagbababad ko sa pagbabasa.

The doorbell rang kaya binaba ko muna ang binabasa ako at nag-angat ng tingin. I wonder if it is Joysie or Rhomisor, kasi wala namang sinabi ang dalawa na bibisita sa akin ngayon since we were together yesterday.
Tamad akong tumayo at naglakad palapit sa pinto. Nang buksan ko ito, mukha ni Dalia ang bumungad sa akin.

Hindi ko alam kong ano ang ginagawa nito rito. Wala na si Kheeno ngayon dahil maaga itong umalis. I don’t know where he is, and I don’t want to know either.

INTERNAL CRIES-COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon