Bookworm

63 2 0
                                    

"What are you doing here?" Alyssa asked. "How did you know my place?"

"Wow. Nice to see you too, little sis." her Kuya said.

"Shut up." sabi ni Alyssa.

"Hi, miss!" bati nito sa kasama ni Alyssa. "Ly, pakilala mo naman ako sa kasama mo."

"Dennise, this is my brother, DJ. Kuya, this is my girlfriend, Dennise..." pagpapakilala ni Alyssa.

Halatang nagulat naman ang kapatid nito sa sinabi niya. Hindi lang si DJ, pati rin si Den.

"Come on, sa loob na tayo magusap." sabi nito.

Hindi man halata, ang totoo kinakabahan din si Alyssa. Malamang marami na naman siyang sasaguting tanong galing sa kanyang kuya pero andito na to eh, wala na siyang magagawa. Siguro, oras na rin para kausapin niya ito.

"Ahh, Aly? sa kwarto lang ako if you need anything." paalam ni Den,

Ramdam ni Den na seryoso ang magiging paguusap ng dalawa that's why she decided to excuse herself para mabigyan ng space ang dalawa.

Tumango naman si Alyssa bilang tugon.

"So? Dennise huh?" sabi ng Kuya niya.

Nakaupo sila ngayon sa may couch sa living area ng apartment.

"What are you trying to say?" tanong pabalik ni Alyssa.

"Nothing really... I just thought na alam mo na, di ka na magkaka girlfriend ulit." DJ answered. "Kailan pa?"

"Change is constant. We'll never know what will happen in the future." Alyssa said. "and to answer you question, we've been together for like few months already."

"Nice catch, anyways." nakangiting sabi ni DJ.

"Enough about us already. Sagutin mo yung tanong ko sayo kanina." sabi ni Alyssa.

"Alright, alright! Ang init ng ulo agad ah." natatawang sabi ng Kuya niya. "Last flight ko kanina and I have 2 days off before balik sa trabaho. I decided to walk around the city and I remembered you are living here. And then, I bumped into Gretch kanina so ayon I invited her for some coffee and I ask her kung alam niya ba kung asan ka. Well, at first tumanggi siya pero pinilit ko hahaha, parang nakalimutan niyang kilalang kilala ko kayong dalawa at alam ko kung nagsisinungaling kayo sa akin so ayon, bumigay rin ang loko. Now I'm here kasi wala lang, gusto kitang bisitahin, bakit ba? Ilang taon ka rin hindi nagpakita sa amin ah."

Alyssa took a deep sigh after hearing her brother.

"Lagot ka talaga sa akin ang singkit na yon." sabi niya sa isip niya.

"How have you been? Gusto ko malaman kung okay ka, kung hindi mo pinapabayaan ang sarili mo, and everything..." mahinahon na sabi ni DJ.

"I'm doing fine, kuya." sagot nito saka tumingin kay DJ. "Well, at first it was hard of course but I got through it. I'm working on a cafe as a barista. Wala naman ako masyadong makaukwento kasi wala rin naman akong masyadong ganap dito."

DJ smiled. Natuwa siya nang marinig niyang tinawag siyang "Kuya" nito. Ibig sabihin, hindi ito galit sakanya o mainit ang ulo dahil andito siya.

"Why are you smiling?" Alyssa asked. "Stop it, Kuya. You're creepy."

"Wala lang. I just missed you calling me Kuya" DJ answered.

"Drama." Alyssa said which made them both chuckle.

Moonlight Over ParisWhere stories live. Discover now