Sabado ngayon pero si Den trabaho pa rin ang inaatupag. Sabi niya, wala naman daw siyang ginagawa pag weekends kaya magtatrabaho na lang siya, pwede naman daw magpahinga sa Sunday. Hindi naman sa gipit siya, ayaw niya lang talaga maging unproductive. She works as a babysitter every Saturday. Hindi naman na iba ang turing niya sa bata, anak naman ito ng boss niya sa cafe na pinagtatrabahuhan niya. Siya ang nagaalaga sa bata tuwing sabado kasi off naman nung nanny niya habang ang mga boss niya naman pumupunta ng cafe to check the stocks and everything para ready ulit sa Sunday. She goes to there place before 8am and will be out at 5pm. See? Sandali lang naman at hindi rin pasaway ang bata kaya okay na okay siya dito. Usually, nageextend pa nga siya hanggang 7 o hanggang makatulog alaga niya kasi request ng bata at hindi niya rin naman matanggihan but not until today.
"Iyah, I'm gonna leave early today." sabi ni Den sa bata at bigla naman napatingin ito sa kanya. "I really have an important thing to do, baby, sorry."
"What is it, Mimi?" medyo malungkot na tanong ng bata.
"I can't tell you yet but I promise to let you know soon, okay?" pagpapaliwanang ni Den. "And I also promise that I'll extend next weekend."
"Pinky promise?"
"Pinky promise."
Si Aly naman, nagmamadali siyang nagaayos ngayon kasi for sure sermon na naman ang aabutin niya kay Gretch kapag malelate siya, not to mention that it's 6:05pm already, so patay talaga siya. Nang matapos magayos, nagring naman bigla ang kanya phone and she's sure as hell that it's Gretch who's calling kaya sinagot niya agad.
"Save your sermon, I'm already on my way!" mabilis niyang sabi pagkasagot ng tawag. Mabuti nang unahan niya ang kaibigan kaysa sa mabingi na naman siya sa reklamo.
Naglakad lang siya kasi medyo malapit lang naman kaya hindi naman nagtagal at nakarating din siya sa resto kung saan sila magkikita. Pagkapasok niya, nakita niya agad ang kanyang kaibigan na kumaway sa kanya at pinuntahan niya na ito.
"I thought you're not gonna show up again." bungad sa kanya ng kaibigan at agad siyang niyakap. "GAGO KA TALAGA!"
"I know you missed me, Gretch" medyo natatawang sabi ni Aly habang magkayakap sila ng kaibigan. "and I missed you too!"
Gretch broke the hug, "umupo na nga tayo." natawa naman silang dalawa, "Naserve na ang food na inorder ko kanina sa tagal mong dumating, kala mo talaga ang layo ng apartment at walang kotse."
"I walked, idiot." panimula ni Aly. "So, who is she?'
"Agad agad? Wala man lang kumustahan kahit antagal nating di nagkita? Eh parang pagkatapos nito di ka na naman magpapakita sa akin." sabi ni Gretch na may halong tampo kaya medyo napatawa si Aly.
"Para kang bata huy! So ano na nga? Who is this housemate na nahanap mo? nabackground check mo ba? baka naman—"
"Hep hep! Teka nga, isa isa okay? Masyado kang ano dyan eh. FYI, this girl is a very good friend of mine and also my classmate while I was studying in Paris. She even let me stay in ther house for 2 months nung wala pa akong malipatan eh kaya kilalang kilala ko siya." pagpapaliwanag ni Gretch
"You studied in Paris?" di makapaniwalang tanong ni Aly.
"Yep! Few months after you left." sagot nito at bigla naman silang natahimik.
"So paano ko siya kakausapin? I mean, para mapagusapan namin ang agreement." pagiiba ni Aly sa usapan.
"Oh about that, I forgot to mention that I also invited her tonight..." sabi ni Gretch na ikinagulat ni Aly. "Wait, I'll text her, baka nakalimutan or what."
YOU ARE READING
Moonlight Over Paris
Fiksi PenggemarDoes the moonlight shine on Paris after the sun goes down? If the London bridge is falling, will anybody hear a sound? (GxG)