001 • complicated

82 6 16
                                    

eleyse trifan.

"eleyse anak, pwede ka bang bumili ng suka at toyo kina aling maria?" rinig niyang tawag sakanya ng mama niya.

"sige po ma" sagot niya, dala-dala ang perang inabot sakanya ng mama niya.

probinsya, maraming umuuwi sa kani-kanilang mga probinsya tuwing bakasyon o tuwing may importanteng okasyon. hindi natin maikakaila ang kagandahan ng bawat probinsya natin.

dito sa tagaytay, maraming dumarating na turista para pumasyal. mayroon ding mga taong bumibili ng mga lupa para sa kanilang negosyo.

isa na doon si lance dominguez, isang entreprenuer na naghahanap ng lupa upang tayuan ng hotel.

mayroong lupa ang pamilyang trifan, malawak ito at medyo malapit rin sa dagat. tuwing golden hour, makikita mo ang paglubog ng araw.

laging lumalabas at tumatambay si eleyse sa labas tuwing lulubog na ang araw. nakakaramdam siya ng kapayapaan tuwing nakikita niya ang dagat na kalmado.

biglang may kumatok sa bahay nila eleyse, binuksan iyon ng nanay niya at nakita ang isang binatang kulay keso ang buhok na may magarang sasakyan na nakaparada sa gilid.

"ano po ang maililingkod ko sainyo ginoo?" tanong ng nanay ni eleyse.

sumagot ang binata, "kayo raw po ang nagmamay-ari ng lupa sa tabing dagat doon?" tanong niya at tumango naman ang ina ni eleyse.

habang nag-uusap ang dalawa, papauwi na si eleyse galing sa tindahan nang makita niya ang isang binata na nakikipag-usap sa nanay niya.

"may utang ba si mama?" bulong ni eleyse sa sarili niya habang dala ang sache ng suka at toyo.

napansin siya ng kanyang ina na papalapit at binati ito, "anak! pasok mo muna iyan sa loob" at tumango naman si eleyse at nagmano.

nagkatinginan sila ng binata ngunit inirapan lang siya ni eleyse bago siya pumasok sa loob ng bahay nila.

"pumapayag po ba kayo?" ang narinig ni eleyse habang nakikichismis sa usapan nila.

"pag-iisipan ko pa ginoo, tatanungin ko muna ang opinyon ng aking anak" sabi ng mama niya.

tumango ang binata sa sinabi ng babae at ngumiti, "ito po ang call card ko, pwede niyo po akong tawagan kapag may katanungan po kayo"

"maraming salamat po" ang huling sinabi ng binata bago sumakay sa kanyang sasakyan at lumihis.

pumasok ang nanay ni eleyse habang hawak ang call card ng binatang kausap niya kanina.

"ma, tungkol saan po iyon?" tanong ni eleyse ngunit hindi niya nakuha ang sagot na gusto niya.

"balak ng binata na bilhin ang lupa natin sa tabing dagat, bibilhin niya raw sa presyo na gusto natin" sagot ng kanyang ina.

"ma, yan nalang ang natitirang alaala natin kay papa"

"yun na nga eh, kaya nga hindi ko muna siya sinagot at sinabing tatanungin muna kita"

l.k.d

"yun na nga eh, kaya nga hindi ko muna siya sinagot at sinabing tatanungin muna kita"

naririnig ng binata na si lance kaiden dominguez ang usapan ng mag-ina.

what should i doo?? tangina kaarian pala ng papa niya yun

"babe, stop stressing. makukuha mo rin yang lupa na 'yan" rinig kong sabi ng girlfriend kong si karen.

yinakap niya ako ng mahigpit bago kumalas, "i'll go with my friends muna okay? shopping lang kami" sabi niya bago umalis.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 07, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

𝗦𝗮 𝗠𝘂𝗻𝗱𝗼𝗻𝗴 𝗮𝘁𝗶𝗻 𝗟𝗮𝗺𝗮𝗻𝗴 || 𝗟𝘂𝘅𝗶𝗲𝗺Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon